Part 29 = Who is Level X?

205 1 0
                                    

July 22, 2011

Friday

3:10 pm

Weather: Cloudy

Location: Erickson's Residence

Kahit sinabihan na ako ni Christopher na huwag nang maglilinis ng bahay ay naglilinis pa rin ako. Nagpupunas ako ng sahig ng marinig ko si Chris na may kung sinong kausap sa loob ng kwarto niya.

"Ihahanda ko 'yon. Paniguradong eafhakjbc ajehakjh nanaman niya yung mga eoiuakjheancbsm ni Nath."

Hmm... Parang narinig ko ata yung pangalan ko?

Tumayo ako't ipinatong ang kanang tenga ko sa pintuan ni Chris para mas lalong marinig ang pinaguusapan nila.

"Atlis siya na mismo yung lumalapit sakin." sabi ni Chris sa kausap niya.

"Huwag kang masyadong magpapakakampante. Alam mo namang hindi kikilos yan ng walang nakahandang plano diba?"

"Oo naman. Hindi naman talaga ako papaya--- Hmm..." natigil ang sasabihin ni Chris. Diniin ko pa lalo ang tenga ko papunta sa pintuan, nagbabakasakaling marinig ko ang kahit kaluskos na magaganap sa kwarto.

Pero wala. Tahimik lamang sa loob nito.

Maya-maya pa'y matiyaga pa rin akong naghihintay ng biglang bumukas ang pinto. At dahil nga nakadiin ang ulo ko dun ay mabilis akong napasandal kay Chris, sa may dibdib niya habang hawak niya ang cellphone niya sa kanyang kaliwang kamay. 

"Hmm... may nangyari dito. Tatawagan na lang kita uli mamaya." nakatingin siya sa'kin habang sinasabi iyon.

Pagkababa niya ng cellphone niya'y mabilis akong tumayo ng tuwid. Nakasuot siya ng v-neck na grey na t-shirt at kulay asul na jogging pants.

"A..Ammm...Maglilinis sana ako ng kwarto mo." nakatitig lang siya sakin. Alam niyang kasinungalingan lamang ang sinabi ko dahil noong una palang akong nakituloy sa bahay niya'y sinabihan niya na ako agad na siya na ang maglilinis ng kwarto niya maliban na lang kung papakiusapan niya ako.

Hindi siya sumagot. Bagkus ay pumasok siya sa kwarto niya at inilabas ang isang tumpok na papel at ibinigay iyon sa akin.

"Malinis na ang kwarto, maniwala ka man o hindi. Pakisunog na lang iyang mga papel na yan kung gusto mo talaga makatulong."

"Ah sige sige."

Pagkatapos kong um-oo ay bumalik na siya sa loob ng kwarto niya't sinarado ang pinto. Ako nama'y lumabas ng bahay para simulang sunugin ang mga pinapasunog niyang mga papel. Palabas na ako ng gate ng may isang papel na nahulog. Nang pulutin ko ito'y may nakita akong kakaibang bagay doon.

===================================

07/04/11

07041107    0   411070411    070     41     10    7041    107     0411     0704    110    704    110704110

TVMSSSOD    A     VFKEJTMPO     HHS      UO       IE       TAHF      BNK    TLBU     EUDH     BML       AHI TVFMEVJOG

Tomorrow a rejection has to be made and that ends all the suffering.

p.s. your love life depends on you now.consider this as my farewell message too.

RCG : Decipher Love [DL] ⌨ (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon