Part 17 = An unexpected refusal

309 13 1
                                    

 Hi Ms. Isabela Ignacio :) Here's the dedication you asked for :D Thank you so much ^_^

█║▌║█║▌│║▌║▌█║║█║▌║█║▌│║▌║▌█║║█║▌║█║▌│║▌║▌█

July 05, 2011

Tuesday

8:24 am

Weather: Fair

Location: Impecunious Institute of Caloocan (IIC)

Nagdidiscuss na ang teacher namin tungkol sa iba't-ibang Latin dances including their country originations like Argentina, Cuba, Puerto Rico, Mexico, etc. Habang nagsusulat na ang teacher namin si chalkboard ng details tungkol sa Paso Doble, biglang may tumapik sa akin sa may bandang siko atsaka inabot ang isang papel.

Hmm? ;(

Ito yung... amm...

Ito yung papel na pinabigay ko kay Chris ah.

Tumingin ako kay Christopher na nasa likuran ko lang. Nakayuko ito habang hindi ko pa inaabot ang sulat. Mahinahon itong nagjo-jotdown ng notes. Kinuha ko na ang note saka ko binasa. Nagbabakasakaling may nilagay siya doon. Mabilis ko itong binuklat habang nakatinign si Martin sa akin. Pagkatapos ay pinatungan ko ito ng notebook para hindi mahalata ng teacher habang binabasa ko ito. Bago ko pa simulan ang pagbabasa ay sinamaan ko ng tingin si Martin at tinuro ang teacher. Nag mouth language ako ng 'makinig ka nga dun!' para hindi na niya ako pansinin habang nagbabasa.

Sumunod naman siya sa akin. 

I read the note but... nothing. There was nothing. Not even a single dot added to it. 

Does this mean?

Ayaw niya akong kausapin? 

Whoa... an unexpected refusal.

Binalikan ko ng tingin si Christopher. Huminga siya ng malalim at umiling-iling. Sinulyapan ko ang mga mata niyang napupuno ng pagkikimkim ng luhang may libo-libong salitang gustong sabihin, isigaw sa akin na hindi man lang nauunawaan ang kahit isa sa mga iyon.

Napaparanoid lang ata ako eh?

Baka wala naman talaga siyang gustong sabihin? Assuming lang ako masyado? XD

"Ms. Schwartz? Ms. Schwartz nakakaabala po ba kami?!"

"Hahaha!" nagtawanan ang mga kaklase ko ng tawagin ako ni Sir Newton. Medyo napatagal pala ang pagtititigan namin ni Christopher. At natiyempuhan pang mas matagal akong tumitig kaysa sa kanya. 

"Ah sorry po sir!" nahihiyang tugon ko habang nagdodoodle sa notebook ko.

Nasa libro naman po kasi yung mga sinasabi niyo ! Kaya di na ko nakikinig! >.<

"Can you give me a country where Latin Dances originated?" nanghahamong tanong ni Sir Newton sa akin habang nakapatong ang kamay niya sa may lalagyanan ng chalk sa ibaba ng chalkboard.

Tumayo ako at tumitig sa kanya. "Cuba, Mexico, Puerto Rico, Argentina, etc." sinabi ko na lang na 'etcetera' dahil yun na lang naman talaga ang mga alam ko. XD

"Please be more attentive. Kasama 'to sa exam niyo. Take your seat." 

July 05, 2011

Tuesday

3:42 pm

Weather: Cloudy

RCG : Decipher Love [DL] ⌨ (COMPLETED)Where stories live. Discover now