Part 9 = Arrangements

492 14 2
                                    

June 27, 2011

Monday

7:08 am

Weather: Sunny and windy

Location: Impecunious Institute of Caloocan (IIC)

"Hmm... ngayon, saan ka kaya namin pauupuin?" kinakamot rin ni Sir Newton ang ulo niya pero gamit naman ang isang fountain pen habang naglilibot ng tingin sa room. Mayroon kasing mangilan-ngilang mga pwesto sa classroom na wala pang nakaupo.

"Ahmm Sir..." nagtaas ng kamay si Cloudia.

 "Ahh yes Cloudia?" mabilis na rumesponde si Sir Newton sa mahinahong pagtawag sa kanya ni Top 1.

"Alam niyo po bang, Industrialization, deforestation, and pollution have greatly increased atmospheric concentrations of water vapor, carbon dioxide, methane, and nitrous oxide, all greenhouse gases that help trap heat near Earth's surface?" bigla siyang nagbigay ng trivia tungkol sa kapanganakan ni Rizal.

"Hmm? *napailing si Sir Newton* What's your point?"

"Since naghahanap po kayo ng paguupuan niya, may I take this opportunity to transfer seats as well? Naiinitan na po kasi ako dahil nasa tabi ako ng bintana." tanong niya kay Sir Newton habang ginagamit ang kamay niya pangpaypay. 

Direct hit! 

Kumislap ang mga mata ni Krishna.

"TALAGA?! AYAW MO DIYAN SA MAY BINTANA?! ≧❂◡❂≦ PWEDE BANG DIYAN NA LANG AKO?!" pakiusap niya tsaka siya tumingin kay Sir Newton.

"Ehem. Sure. Pero saan mo ba gustong lumipat Cloudia?"

"Ah kahit po dito na lang. *tinuro niya ang katabi ng upuan niya*"

Agad namang umalis ang tao sa tinuro niyang upuan. Mataas kasi ang respeto at dominion ni Cloudia sa room.Tuwang-tuwa namang pumunta si Krish sa upuan niya. Para siyang nanalo sa loto sa galak.

"Naiinitan ka pala sa pwesto mo diyan?" alalang tanong ni Fatalis.

Napalitan ang expressionless na mukha ni Cloudia ng isang mukhang nabigla.

"Ahmm... oo eh." sagot naman niya.

Dahil nasa likuran ko lang si Christopher, habang nakatitig ako kina Fatalis at Cloudia ay napansin kong nakatitig siya sa akin. Nakapatong ang baba niya sa kanyang kanang kamay at ang siko naman niya'y nakapatong sa desk niya. 

 (─_____─)

Ang saya niya.

Hindi ba siya nahihiya? o naiilang man lang?

Pinilit kong hindi pansinin ang pagtitig niya sa akin. Nakatingin pa rin ako kanila Cloudia.

"Gusto mo ng pamaypay?" alok sa kanya ni Fatalis na naglabas ng isang pamaypay na natutupi at hugis bilog.

"Di na, salamat na lang." bahagyang ngumiti si Cloudia habang inaayos ang mga gamit niya sa bago niya upuan. 

Aww! Rejected nanaman ang sweetness niya! 

Napansin kong hindi pa rin ako tinitigilan ni Christopher. ≧ω≦

Dimanlangtokumukurap! Nakakatunawanobayan!

Arrrgh! Di ko na kaya 'tong awkwardness na to!

Binaling ko na lang ang tingin ko kay Danica at Martin na nagdadaldalan sa tabi ko. 

Nakakaop naman 'tong dalawang 'to.

Kahit saan ako tumingin may couple -.-".

Natatawa nga ako kay Martin eh. Kapag kasama niya si Danica, nagiiba siya, mas tumitino. Ang galing nga eh, parang tao talaga siya. (‐^▽^‐)

Nang makapwesto na ng maayos si Krishna sa upuan niya, napansin kong tumingin siya sa akin, at binigyan ako ng isang cute na ngiti.

Hmm... ang cute-cute niya! ≧ω≦  Mukha siyang approachable! Kakausapin ko 'to mamaya!

Nang nginitian ko rin siya ay tumingin naman siya kay Christopher. Nakatitig sila sa isa't-isa. Kumaway si Krishna dito at kumaway rin naman si Christopher saka tumalikod. Nakatingin nanaman siya sa akin.

Humarap na lang ako kay Martin. 

Buti na lang at nagsimula nang magdiscuss si Sir Newton.

.......................

During lunch break...

.......................

June 27, 2011

Monday

12:31 pm

Weather: Sunny and windy

Location: Impecunious Institute of Caloocan (IIC)

Riiiiiiiiing!

Nagdasal ang buong klase atsaka kumain (sa classroom kami kumakain).

"*nom*nom *nom *nom! ^o^ Tawagin natin si Krishna para naman makilala pa natin siya!" yaya sa amin ni Danica.

Tumango kaming lahat bilang pagsang-ayon. Kaya lang, ng tingnan siya ni Danica ay may kasama na itong mga babae. May mga kabarkada na kaagad ito. Napatingin ako kay Christopher na mag-isang kumakain sa may sulok. Ngayon ko lang napansing loner pala talaga siy---

May tumabi sa kanyang lalaki na wari'y nagtatanong. Sinagot niya ang katanungan nito atsaka  lumipat ng pwesto. Tumabi naman ang dalawang babae, nilayuan niya rin ito.

=_= Now I know the reason why.

Habang kumakain kami ay napansin naming may nagsisigawan sa labas in such a way na parang may namatay.

"Hala! Bakit umiiyak si Prince Andrei?!" pagtataka ng mga babaeng niyayakap ang isa't-isa at naluluha na.

"Ang kapal naman ng mukha ng nagpaiyak kay Prince ko!"

"Sino ang nagpaiyak sa kanya?!"

"Ang gwapo-gwapo mo parin Prince Andrei kahit umiiyak ka!"

"Nandito kami para sayo Prince!"

Sunod-sunod ang pagsasalita sa labas. Napatingin kaming lahat habang dumadaan ang mga ito na parang nagpaparada. Nakapalibot sila sa isang lalaki na may kasamang mas maliit at mas batang lalaki.

Tiningnan ko ng mabuti ang dalawang ito.

Teka...

parang kilala ko 'to ah!

║█║▌║█║▌│║▌║▌█║║█║▌║█║▌│║▌║▌█║║█║▌║█║▌│║▌║▌█

Sino nga ba ang dalawang lalaking pinagkakaguluhan sa corridor?

Bakit sila pinagkakaguluhan ng mga babae?

Alamin sa susunod na part ... (っ◕‿◕)っ ♥

RCG : Decipher Love [DL] ⌨ (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt