Wattpad Original
Mayroong 6 pang mga libreng parte

Chapter Two

10.1K 705 317
                                    

Chapter Two


Shizuoka Prefecture.

Isang lugar sa Japan na malapit sa paanan ng Mt. Fuji. Kaya naman kahit saan ka mag punta sa siyudad na ito, you'll get a glimpse of this beautiful mountain.

Nung eight years old ako, kinailangan namin mag stay sa Japan for five months dahil sa trabaho ni Papa. I remember crying day and night dahil kinailangan ko mag stop for a while sa pag aaral at hindi ko na makikita ang mga kalaro ko. I don't want to go. Madalas naman umaalis si Papa pero nung time na 'yun, hindi ko maintindihan bakit kailangan namin sumama ni Mama sa kanya.

"Saglit lang ang five months," sabi ni Mama. "Marami tayong pupuntahan doon. Maganda doon sa Japan. Gagala tayo!"

Ang dami pa niyang pambobola at pangungumbinsi na ginawa sa akin pero hindi pa rin ako natuwa. Ayokong umalis. Ayokong iwan ang mga kalaro ko. Nag maktol ako at nag wala. Nung nakita kong inaayos na ni mama yung maleta namin, ginulo ko yung mga damit ko. Sa pagkakaalala ko, ito ang unang beses na nag maktol ako nang ganito sa mga magulang ko kaya naman kahit si mama noon ay hindi na alam ang gagawin sa akin. Hanggang sa nagalit na sa akin si Papa at tinakot niya ako. Sinabi niya na hindi na siya uuwi kapag hindi ako umayos. Doon lang ako natigil sa pag iyak.

Against my will, we flew all the way to Japan---sa Shizuoka City.

I remember being too mad and pissed for leaving kaya nung makarating kami sa Japan, ni hindi ako nagka-interes na tumingin sa paligid. Ang naalala ko lang noon ay sinalubong kami ng malamig na hangin pagkalabas ng airport kaya napayakap ako sa sarili ko. Gusto kong tanungin si Mama noon kung naka aircon ba ang buong Japan kasi sobrang lamig. Pero dahil nag mumukmok pa rin ako, hindi ako nag salita.

"Lav look!" sabi ni Mama sa akin habang nakasakay kami sa van na sumundo sa amin papunta sa tutuluyan naming bahay. "Yung Mt. Fuji oh! Ang ganda!"

Hindi ako tumingin. Tinakip ko lang sa mukha ko yung unan na dala dala ko.

Nakarating kami sa bahay na tutuluyan namin. Isang old tatami house. Very traditional Japanese house ang itsura. One storey house lang 'to na kahit hindi kalakihan ay very spacious pa rin. Nanibago rin ako sa mga pintuan dahil lahat ito de-slide. Katulad nung mga napapanood ko noon sa mga tagalized anime sa TV.

My mom and dad seemed excited. Ako naman, naka indian seat lang sa isang tabi at nag mumukmok. Hanggang sa narinig kong tinawag ako ni Papa.

"Lav! Lavender! Halika dito dali!" tawag niya at dinig na dinig ko ang excitement sa boses niya.

Naintriga ako. Hinanap ko siya at nakita ko siya doon sa may bakuran kung saan may maliit na garden. May maliit na pond sa gilid. Sa tabi ng pond, may puno na walang dahon. Mom said because it's autumn season. But we didn't know that tree is actually a sakura tree that blooms once a year only.

Pero kapansin pansin yung kulay puti na bulaklak near the pond na kahit autumn season, they are still in full bloom. Mom said those are Camellia flowers that only blooms during fall and winter season.

Pero hindi ang mga ito ang una kong napansin nung lumabas ako sa garden namin kung hindi ang malaking bundok na tanaw na tanaw mula sa bakuran namin. Sobrang taa and the tip of the mountain is covered with snow.

Si Mt. Fuji.

I got lost for words. Parang bigla rin nawala ang inis ko sa pag lipat namin dito. Napalitan lahat ng pagkamangha sa ganda na nakikita ko ngayon sa harapan ko.

Wind Chime (A Lucid Dream Spin-off)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon