Wattpad Original
Mayroong 2 pang mga libreng parte

Chapter Six

4.5K 533 166
                                    

Chapter Six

I did a lot of research about dreams.

Sa nabasa ko, dream happens during this phase in our sleep called REM or rapid eye movement kung saan pinaka active ang brain natin, at ayun ang nag c-cause ng images sa panaginip natin.

There are a lot of theories why we dream at kung bakit napapaniginipan natin ang mga certain na bagay o tao o lugar o pangyayari.

According sa sikat na psychologist na si Sigmund Fraud, yung panaginip daw natin is actually a window to our subconscious and it actuallty reveal a person's unconscious desires, thoughts and motivations. According pa sa kanya, minsan ginagawa ng tao na daan ang panaginip para masatisfy ang mga urges and desires natin na hindi acceptable sa society.

And then here comes the research about lucid dreaming. Lucid dream is the one in which you are aware that you are dreaming. Ang mga nakakapag lucid dream daw ay yung mga taong nagigising ang part ng brain nila that are usually restful during sleep. May mga lucid dreamers daw na may kakayahan na i-manipulate o baguhin ang takbo ng panaginip nila.

I keep on coming back to this particular dream of mine kaya somehow, alam kong lucid dreamer ako. I thought I can manipulate my dreams too dahil nung sinabi kong nalulungkot akong mag isa, may Yuan na dumating sa panaginip ko para samahan ako.

Pero ngayon, hindi ko na alam kung nagawa ko bang i-manipulate ang panaginip ko o isa siyang tao na naligaw lang din sa loob ng panaginip na 'to.

Walang research ang makasagot sa akin kung bakit kami nag m-meet sa panaginip na 'to.

I do believe that there are things science can't explain, pero ngayon, gustong gusto kong humanap ng sagot. Kung pwede nga lang ibigay ni Google 'to, eh.

Nakaupo ako ngayon sa tabi ni Yuan sa picnic mat sa gitna ng garden. Sa harap namin ang Mt. Fuji na nasisinagan ng liwanag ng buwan.

Yuan's playing the guitar. He is singing The Man Who Can't Be Moved by The Script. The same exact song that Musikero performed a while ago.

Kanina ko pa gustong tanungin siya about sa reality, pero hindi ko alam kung paano ko uumpisahan.

Ibang iba siya kay Musikero. The aura, the smile, the way he talks to me. Sobrang iba.

But at the same time, the moment na humawak siya ng gitara at kumanta, parang nagiging isang tao sila ni Musikero. Well, siguro the only difference is, Yuan is calmer while singing. Nag eenjoy lang siya. While with Musikero, nandoon ang passion, but at the same time, yung pressure to please a crowd.

Pero ang pinaka malaking tanong talaga eh, kung totoong tao si Yuan, kung siya nga talaga si Musikero, then what the hell is he doing in my dreams?

Naalala ko yung sinabi ni Sigmund Fraud na yung dreams natin is a window to our unconscious desire.

So ang unconscious desire ko ba ay si... Musikero?

NO. We just met! And that guy is the complete opposite of my ideal type.

On the other hand, Yuan here is exactly my ideal type.

So ito ba ang unconscious desire ko?

I am so confused.

"Yuan.."

Tumigil siya sa pag gi-gitara then he looked at me.

"Hmm?"

Natigilan ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya.

"Ah..." sabi ko habang siya naman, naghihintay sa akin. "May Youtube channel ka ba?"

Yes, I feel so stupid.

I heard him chuckled, "paano naman ako magkaka Youtube channel?"

So wala? O ayaw niya sabihin sa akin?

"Wala lang. Okay sana kung i-upload mo yung mga kanta mo online."

"Ayoko magpakita sa tao," sabi niya. "Tsaka wala akong lakas nang loob diyan."

"Edi mag mask ka!" sabi ko while trying to read his expression.

"Oo nga 'no?" he said while sounding so amused na parang napaka brilliant ng idea ko. "Bakit nga hindi ko gawin 'yon?"

He sounded sincere, walang bakas na pagpapanggap.

So hindi nga siya si Musikero?

"Taga saan ka?" tanong ko sa kanya.

He looked at me weirdly like I don't make sense at all.

"Ayos ka lang ba?" natatawa tawa niyang sabi. "Joke time ka naman, eh."

"Anong joke time?" I asked him seriously. "Gusto ko lang malaman kung taga saan ka?"

He pat my head, "I don't know why you're asking that pero alam mo naman sagot doon 'di ba? I live near this house. Ikaw din 'di ba? At pumupunta tayo dito para gumawa ng musika."

He live near this house.

Ibig sabihin ba noon, ang akala niya dito kami nakatira? Akala ba niya, ito ang reality?

I'm really confused.

Hindi ko na napigilan sarili ko. I need to ask him kung hindi, hindi ako makakatulog sa gabi.

Well, basically tulog ako ngayon. But still.

"Yuan... aware ka ba na---"

I wasn't able to finish what I'm about to say because a blinding light suddenly hit my eyes. Napapikit ako. After a while, I opened my eyes and suddenly, nandito na ulit ako sa kwarto ko.

Nagising ako. Nawala ako sa panaginip!

First time 'tong nangyari sa akin. Yung parang bigla akong itinapon palabas sa panaginip ko. Naalimpungatan ako bigla.

'Aware ka ba na nasa panaginip lang tayo?' ayun dapat ang itatanong ko sa kanya.

Bumangon ako and I check the time. It's five in the morning. I didn't set my alarm clock dahil hindi ko na naman kailangan pumasok sa trabaho.

I tried to get back to sleep. Nakatulog ako, pero hindi na ulit ako nanaginip.

To be continued

A/N

Ginanahan mag post ng isa pa hehe :) short update lang

Will post another one tomorrow. Thank you for reading! 

- Aly

Wind Chime (A Lucid Dream Spin-off)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon