Chapter 13

33 2 0
                                    

Nakatulog ako sa pangalawang pagkakataon and this time, okay na ’ko.

Di na ko bumaba magdamag, sabi ko nalang kay yaya na napagod talaga ‘ko kahapon. Pinaakyat ko na nalang din ang pagkain ko.

Kinuha ko ang librong binabasa ko nung nakaraan, umupo ako sa chair tapat ng window.

Nagiging favorite spot ko na ‘to, kitang kita kasi ang dagat at damang dama mo ang hangin kasabay ng pag hampas ng alon.

Balak kong magbasa nalang magdamag at magmukmok sa kwarto ko.

Medyo kalahati palang ng pagkatao ko ang nakamove on, ba naman kasi bat naging ganon si krisha sa panaginip ko?

Tuwing naaalala ko ang tawa ko sa dulo, kinikilabutan ako.

Nagsimula na kong mag basa, wala pa ko sa pangatlong pahina ay namataan ko na si Brandon na nakapamulsang naglalakad papalapit sa dagat.

Naka faded maong shorts siya at blue loose polo, bukas ang tatlong butones no’n kaya nakikita ko ang dibdib niya. Gulo gulo ang buhok niya dahil sa lakas ng hangin, pero bumagay pa din sa kanya iyon.

Kahit ano atang hair style niya ay bagay sakanya.

Gusto ko nang magpatuloy sa pagbabasa pero di ako mapakali at bumabalik lang talaga ang tingin ko sakanya.

Maya maya pa ay sinimulan na niyang iunbotton ang suot na polo. Parang slow motion ang pagtanggal niya bawat butones.

Nakanganga lang ako habang unti unting nagiging klaro sa paningin ko ang napakasarap niyang abs.

Mas luminaw ang paningin ko habang binibilang kung ilan iyon.

Walo..

Nagutom ako bigla, parang ansarap no’n isabay sa mainit na kape. Nang natapos na siya sa panghuli ay hinubad niya na ng tuluyan ang damit, kitang kita ko ang pagflex ng kanyang biceps.

Napakagat labi ako sa nasaksihan.

“Ano anak kumusta?”

“masarap po,” sinusundan ko ng tingin ang bawat galaw ni Brandon hanggang sa paitsa niyang hinagis ang damit sa buhangin at lumusong na sa dagat.

Pinahaba ko pa ang leeg ko para mas makita ng mabuti ang paglangoy niya. Lumalayo na siya.

Medyo nalungkot naman ako at bumalik na sa dating ayos ng pagkakaupo.

Napatingin ako sa gilid ko, nagulat ako ng makita si mommy na nakatingin din kay Brandon na lumalangoy.

“mukhang masarap nga talaga, anak,” seryosong sabi ni mommy ng di pa din inaalis ang paningin kay Brandon.

Namula ‘ko sa sinabi niya.

Nahuli niya ba ko? Kailan siya pumasok? At anong masarap?

FUDGE!! Navoice out ko ba yun?!

“MOMMY!!” mahina ko siyang tinulak para makuha ang atensyon niya.

Nginitian niya ko ng may kahulugan. Lalo pa kong nangamatis sa ngiti niya.

“mommy ano pong ginagawa niyo dito? Mmy, dapat po kumakatok kayo bago pumasok!” pagmamaktol ko.

Nakakahiya baka akalain niya crush ko si Brandon eh hindi naman, hindi talaga!

“Sweetie kanina pa ko kumakatok di mo binubuksan ang pinto kaya tumuloy na ‘ko. Nag aalala ako sayo, akala ko may sakit ka na, sabi ni yaya nagpahatid ka lang daw ng pagkain dito. Di ko naman alam na busy ka pala.”

“Mmy! Tama na poo!” di pa din siya tumitigil at mukhang mas lalo pang nasisiyahan sa reaction ko.

“Ang anak ko nagdadalaga na! nagkakagusto na kay Brandon.. Ano ulet  anak? masarap?”  malakas niyang sabi.

Napalapit na ko sakanya para pigilan siya, anlakas ng boses niya baka may makarinig!

“mmy tama na, di ko siya gusto, okay?” defensive kong sabi, pero parang wala lang narinig si mommy at nagpatuloy lang palabas sa kwarto ko.

“san ka pupunta mommy?!!”

“Nako anak, kailanganan ko ‘tong ikwento sa tita mo. Matutuwa ‘yon panigurado,” pumapalakpak niya pang sabi.

Nagpanic na ko lalo na ng umabot na kami sa hallway, nasa tapat na kami ng guestroom na tinutuluyan ni Brandon.

Niyakap ko na siya sa braso at nagpabigat para di siya makaalis.

Pilit namang kinakalas ni mommy ang kamay ko, habang mas lalo ko lang hinihigpitan ang pagkakayakap.

Nakasalampak na ko sa sahig mapigilan lang si mommy sa pagpunta kay tita.

Jusq, kapag nalaman ‘to ni tita for sure aasarin ako ng mga yon and worst baka malaman pa ni Brandon na crush ko pa din siya, kahit hindi na.

Lalo kong hinigpitan ang kapit ko, pati paa ko ay iniyakap ko na sa binti ni mommy.

“MOMMY NOOOOO!!!” sigaw ko.

“GAIA BITIWAN MO 'KO! ISA!” pati si mommy ay napapasigaw na din, determinado talaga siyang magkwento kay tita.

Mukha na kong tarsier dito habang si mommy ang puno, pero wala na ‘kong pake, kung desperada siya ay mas desperada ako!

“MOMMY PAG USAPAN NATIN ‘TO! MAG HUHUGAS NA KO NG PINGGAN, MANAHIMIK KA LANG!”

“NO NEED GAIA WE HAVE HOUSEMAIDS! UGH!! ATE NATASHAAAAA!!” malakas na sigaw ni mommy na tinawag pa talaga si tita.

Pilit niyang kinakalas ang kamay ko at kinikiliti pa ko sa tagiliran. Nakikita ko nang papalapit si Tita Natty sa’min. Nakasunod sa likod niya si brandon na nagpupunas pa ng buhok.

Mas lalo lang akong nagpabigat. Lumaki naman ang ngisi ni mommy ng makita pa si Brandon.

“Anong nangyayari dito? Naomi para kang bata! Gaia tumayo ka jan!” saway ni Tita Natty samin.

Natigil naman kami ni mommy. Dahan dahan na kong bumitaw. Umayos ako ng tayo at hinawi ang nagulo kong buhok.

Kinakabahan na ‘ko kay mommy pero mas dumoble ang kaba ko ng makitang nakatingin sakin si Brandon. Di na talaga ‘ko nasanay sa presensya niya.

“Pasensya na ate, ito kasing si Gaia..” pinanlakihan ko ng mata si mommy.

Sana kahit ngayon lang tumigil na siya!

“Oh? Brandon nandito ka pala, where have you been hijo?” pag iiba ni mommy.

Mas lumakas ang tibok ng puso ko, parang sasabog na sa kaba.

“I just took a dip, tita,” magalang na sagot ni Brandon.

Ngumiti naman ng malaki si mommy. Di ko gusto ang ganyang mga ngiti. Alam kong may di magandang mangyayari pag nagiging ganito siya.

“Ohh.. masarap ba?” nabilaukan ako sa sarili kong laway dahil sa tinanong niya.

Tumawa pa ng malakas si mommy ng marinig ang pag ubo ko.

Tita and Brandon look perplexed. Halatang di nila maintindihan kung bakit mukha akong constipated dito habang si mommy naman ay tawa ng tawa.

“Yes po, the weather’s perfect,” naguguluhan man sumagot pa din si Brandon.

My gosh bat di pa kasi siya umalis?! Shupii! Shupii!

“Yes, I think so, too,” pag aagree niya bago lumingon sakin. She comb my hair then smiled naughtily. “how about you honey, masarap ba?”

Nahirapan akong huminga. Di ko masagot ang tanong niya. Parang gusto ko nalang umiyak dahil sa frustration.

‘MOMMY!!!’

Hush The WailTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon