Chapter 2

51 2 0
                                    

Si Tita Natasha ay ang nakatatandang kapatid ni mommy. Dito talaga siya naka base sa Manila, lumipat lang siya nung nakapag asawa siya ulit.

Mayroon silang ekta-ektaryang lupain sa probinsya, malawak na farm at plantasyon. Ang asawa niya ang nagpapatakbo non simula ng mamatay ang ama nito kaya dun na din sila namalagi.

Pinili niyang iwan ang trabaho niya sa kumpanya at tulungan ang asawa sa pagpapatakbo ng sarili nitong business.

“Talaga anong gender mommy?” medyo na excite din ako kasi new born baby means new chubby cheeks to play. Yeeey!

“I hope it’s a girl,” hopeful kong sabi.

Nako namimiss ko tuloy si Pelly at Polly. Ang tataba ng pisngi ng mga iyon parang siopao tas ang kukyut pa, nagmana sila kay Auntie Isa na makulit at maingay.

“Boy, Gaia.” Sagot ni mommy.

“It’s god’s gift to women then,” bawi ko. Tumawa si mommy at mukhang naniniwala din sa aking sinabi.

“So because of the pregnancy nagkapost partum disorder si Ate Natasha so she needs us there,” malungkot at nag aalala na ngayon si mommy. “Araw-araw daw na umiiyak si Ate even on small things”

Oh.

“So what about New Jersey?” I asked medyo disappointed na di ko makikita ang kambal and si Auntie Isa but if Tita Natty needs us, we should probably go. After all pwede naman na magskype nalang kami ni Auntie Isa.

“Tuloy pa din naman kaso ang daddy mo lang at si Juno tapos tayo dun tayo sa Tita Natasha mo pupunta.”

“Okay... then it’ll be my first time in province so.. ano po bang dadalhin ko mommy?”

It will be my first time there, since last year pa lang naman lumipat sila Tita Natty.

Ang alam ko namatay daw kasi yung father ni Tito Alfred a year and a half ago, dapat yung isang kapatid ni Tito Alfred yung papalit kaso biglang nangibang bansa daw, kaya siya na ang pumalit dun para mag manage nung hacienda.

Kinasal ulit si tita two years ago dito sa manila. Dito pa sila nakatira no’n, near our village lang din.

Ang grand ng wedding nila sobra, andaming visitors, may media pa.

Well, Tito Alfred’s family was an elite too, but on a different level. The Rinoja’s are like the elite of the elites. Their business scope wasn’t just for a single region like ours. Their scope was the whole continent.

They own the largest Architectural firm in the country. And it’s not just their business, marami pang iba, like Tito Alfred who runs agricultural business.

I even heard he manufacture goods internationally thru that farm and plantations.

He accomplish everything in the span of one year. Ganon sila kagaling mag handle ng business.

“Aside from normal dress, sweetie, magdala ka din ng bikini mo kasi may beach near Ate Natasha’s house.”

“Wow, beach in december. I hope it wont get cold.” Sagot ko kay mommy.

“No, alam mo sa province kahit bear months hindi mo masyadong ramdam unless gabi. Masarap ang simoy ng hangin doon walang halong polusyon,” excited na sabi ni mommy.

If that’s true then I think mag eenjoy din ako.



December 15, day before our much awaited christmas break. Nasa school kami ngayon nagpasa ako ng mga kulang na activities.

May mga kulang ako since galing lang ako sa laban. It’s my fifth time claiming gold in the Championship.

Ang haba ng season ngayon, andaming contestant. Almost one month din akong nawala, mabuti nalang tinulungan ako ni Mona na makacatch up sa mga lessons namin and tinuruan niya din ako pano gagawin sa mga outputs ko.

Konti nalang ang napasok, yung mga may club activities nalang at ibang katulad ko na naghahabol at may mga kulang. Wala na talagang klase since december twelve busy na ang mga teachers sa pag gawa ng grade kaya di na sila pumapasok sa klase but the official start of christmas break is sa fifteen pa talaga.

Grade 12 na kami and isang semester nalang pagraduate na.

“Gaia san tayo after? May kulang ka pa ba?” tanong ni Kelly.

As usual magkasama nanaman itong si Kelly at Mona. Halatang may balak later. Si Pia naman ay nauna nang magbakasyon kasama ang pamilya.

“Last na to, ipapasa ko nalang kay Sir Raffy. Wala kasi siya sa faculty kanina eh, ayaw ko naman iwan sa desk niya at baka mahalo sa iba.” Paliwanag ko.

“Baka nasa cafeteria o kaya nasa guidance?” suwestion ni Mona.

“wait, try ko sa guidance dito muna kayo,” sabi ko at tumakbo na.

Si Sir Raffy ang teacher namin sa psych, siya rin ang tumatayong TIC ng paaralan.

Mabait siya at makwento. Nako, kapag nasimulan ka no'n ng kwento ay aabutin ka ng isang oras.

Kumatok ako sa pintuan, sumalubong sakin ang nakangiting assistant ni Sir Raffy, si Miss Ren.

“Hello po nanjan po ba si Sir Raffy?” magalang na tanong ko.

“Ah nasa meeting eh may kailangan ka ba?”

“Magpapasa lang po ng output,”

“sige iwan mo nalang dito, ako na magbibigay pag dumating. May pangalan na ba to at section?” tumango ako at nagpaalam na.

Pagbalik ko nag iiritan si Kelly at Mona. May paghampas pa sila sa isa’t isa.

“hey, tapos na'ko, san tayo?” tanong ko sa dalawa.

Natahimik sila at tumitig sakin. Mukha nanaman silang baliw jan. Pustahan tayo tungkol nanaman ‘to dun sa crush nila, I mentally rolled my eyes at the thought of him.

“oh? Bat? Anong meron?” mataray na tanong ko.

“ahm.. nakakita ka na ba ng k-katawan ng lalaki?”

Hush The WailOnde histórias criam vida. Descubra agora