Chapter 15

27 2 1
                                    

I feel so dehydrated when I wake up.

I groaned.

Pagdilat ko,nakita ko si mommy na nagmamadaling lumapit sa’kin, napansin kong may kausap siyang matandang babae na nakasuot ng dr’s robe.

A doctor, maybe.

'But why is a doctor here?'  I mentally asked.

Sinubukan kong alalahanin ang mga nangyari, ang naaalala ko lang ay nasa lounge ako kasama si Brando-

‘f-fck, hinimatay nga pala ‘ko’

“w-water,” mahinang ungol ko.

Lumapit naman si Brandon at inabutan ako ng isang basong tubig. Tinulungan niya ‘kong makaupo bago ibigay sa’kin ang kailangan. Isinandal ko ang katawan ko sa head rest ng kama at tiningnan ang mga tao sa kwarto.

Nakaupo na si mommy sa tabi ko at mukhang nag aalala, si Brandon naman ay nakatayo sa lang sa gilid ko.

Nasa paanan ng kama nakaupo si Tita Natty karga karga si Baby Nash na mukhang natutulog habang si Tito Alfred naman ay kumakausap na sa doctor.

Nakailang tango si Tito bago tuluyang umalis ang doktora. Lumapit siya sa’min at tumayo sa likod ni Tita Natty.

“The doctor said, you pass out due to over fatigue and dehydration. You’re inducing too much heat plus the weather’s hot so technically you’ll pass out, you didn’t had the portion of your breakfast yet, too,” pagpapaliwanag ni Tito Alfred.

My face reddened, ‘inducing too much heat?’  naalala ko ang muling nangyari sa’min ni Brandon sa lounge bago ako himatayin. Ang paghaplos ko sa malapad niyang katawan.

Ugh!

Isa siyang malaking temptasyong nagkatawang tao!

Nakakahiya!

Gusto ko nalang biglang mawala, if heaven calls me in, I think I’ll oblige without hesitation.

Makatakas lang sa kahihiyang ‘to. Mahina akong hinampas ni mommy sa braso.

“That’s why I told you to eat and drink a lot.”

Mukhang konting usog nalang ay iiyak na si mommy. Kahit si Tita ay mukhang nag alala din, I apologetically smiled at them.

Nang lingunin ko si Brandon ay madilim lang ang tingin niya sakin.

Napayuko ako, hindi ko alam kung anong unang dapat sasabihin.

Maya maya ay umalis na  din sila Tita para maghanda ng lunch, ng masatisfied si mommy na okay na talaga ‘ko ay bumaba na din siya para tumulong.

Naiwan kaming dalawa ni Brandon sa kwarto. Umupo siya sa pwesto kanina ni mommy.

Madilim pa din ang mukha niya habang seryosong nakatingin sa’kin. Di ko alam pano sasalubungin ang tingin niya. Masyadong nakakakaba.

Parang nahihilo ulit yata ako.

Kumatok bago pumasok si yaya puring sa kwarto, napatingin kami sakanya. May dala siyang tray na may lamang soup at isang basong juice. Nilapag niya ito sa lamesa.

“Let me,” sabi ni Brandon. Tumango naman si yaya bago umalis.

Kinuha niya ang soup bago inilapag ang juice sa bed side table. Hawak ko padin ang tubig na inabot niya sa’kin kanina, marahan kong iniikot ikot ang baso, do’n ko tinuon ang aking pansin matakasan lang ang mga matatalas niyang tingin. Kung siguro ay nakakasaksak iyon ay kanina pa ko nakabulagta dito.

Napabilis ang ikot ko kaya medyo natapon ang tubig

“tsk, stop doing that,” suway niya sabay kuha sa baso, nagdikit ang kamay namin kaya napaigtad ako.

Hush The WailWhere stories live. Discover now