Chapter 11

39 2 0
                                    



Nang mag hapon pumunta naman kami sa ‘Sun Flower Garden’ na sinasabi ni Brandon.

Yung Plantation ay iba pa sa garden.

Naguluhan din ako nung una pero nung makarating ako sa garden ay kapansin pansin talaga ang difference.

Magkatabi lang sila at walking distance lang. Sa plantation kasi ay naka row ang mga sunflower pero dito sa garden nagmukhang design iyon.

Pagkapasok mo may malaking arko na sasalubong sayo.

May tulay at ang baba nun ay ilog ng mga sunflower, sobrang ganda!

Di ko maimagine pano nila nagawa iyon. Kung madami akong nakuhang litrato sa plantation, dumoble naman ang mga kuha ko sa garden.

Sobrang instagramable talaga ng buong lugar. Gustong gusto kong magpapicture sa bawat sulok ng garden pero nahihiya naman akong magsabi kay Brandon.

Wala naman siyang ginagawa at nakasunod lang sakin.

‘Bat ka ba nahihiya Gaia? Nahiya ba yan nung lokohin ka?’

Oo nga naman, ba’t ba ko nahihiya sa kumag na ‘to?

‘Fighting! Kaya mo yan Gaia! si Brandon lang yan!’ pagpapalakas ko ng loob ko.

Bigla akong tumigil sa paglalakad. Huli na ng mapansin niyang tumigil ako kaya nabungo niya ko.

Sa liit ko at nipis ng pangangatawan nasubsob ako sa sahig.

Nakatiles ang parteng ito ng garden kaya di ako masyadong nasaktan, di din naman ako nagalusan dahil natukod ko agad ang kamay ko sa sahig. Medyo mahapdi nga lang sa palad.

Nagulat naman siya sa nangyari.

“fck,” mura niya.

Mabilis pa kidlat na inalalayan niya ‘ko para makatayo bago binuhat papunta sa pinakamalapit na bench.

Inupo niya ko bago siya lumuhod sa harap ko. Tuloy-tuloy pa din ang mura niya na tila di na natapos.

Nag isang guhit ang kilay niya habang patuloy na sinusuri ang buong katawan ko.

Inextend niya pa ang braso at hita ko para mas lalong matingnan kung may galos.

“Are you hurt?” nag aalalang tanong niya ng makitang wala naman akong sugat o gasgas.

Automatic na pinakita ko ang namumula kong palad. Hinawakan niya yun at mas nilapit pa sakanya.

Lalong kumunot ang noo niya na tila di alam kung anong unang dapat gawin.

Patayo na siya ng hinawakan ko ang braso niya para pigilan.

Tiningnan niya naman ako at nag antay ng sasabihin ko.

Di ko alam bat ko ba siya pinigilan. Sa dami ng rason ko nalilito na ko.

Ayokong umalis siya kasi hindi ko alam basta ayoko lang, ayokong din kasi gusto ko iassure muna siya na okay lang at di naman masakit, I also want to thank him cause I felt that he cared, that after all this years he really cared about me, na kahit konti nadama kong may nararamdaman din siya para sakin.

Pero sa dami-dami ng pwede kong sabihin ito lang ang lumabas sa bibig ko..

“Masakit, picture-an mo ko.”

Nawala ang gitla sa noo niya at marahang tumawa. I mentally face palm.

Nagiging hobby ko na ata ang ipahiya ang sarili ko sakanya.

Gosh nakakainis!

Umupo na siya sa tabi ko. Di pa din nawawala ang ngiti. Sumimangot naman ako. Kinuha niya ulit ang palad ko saka hinipan iyon bago hinalikan.


FUDGE!! DID HE JUST KISS MY PALM?!

Nagkulay kamatis nanaman ako, di ko mapigilan di pamulhan. Ramdam ko ang lambot ng labi niya. Wala pang gumagawa sakin non.

Well, I never liked a boy before him, and even after him.

Siya ang first crush ko!

And first heartbreak!

At ngayon first kiss! sa hands nga lang..

‘Gosh! sana ako nalang si Itadori sa Jujutsu Kaisen para nagkaka lips din ako sa palm, choss!’

Nahiya naman ako bigla sa naisip ko, parang kanina lang moving on ang ganap ko tas ngayon ganito na ko kung humarot.

God stop me please!

Binawi ko ang kamay ko. Tumayo ako at humarap sakanya. I crossed my arms and raise my brow.

“Nasaktan mo ko, kaya bumawi ka,” matapang kong sabi sakanya.

Ba’t parang may meaning yun?

Gosh ano ba ‘tong mga nasasabi ko, gusto ko lang naman magpapicture.

Tumayo na siya at sumunod sa’kin. Binalikan ko ang barn house na nadaanan.

Nilahad niya naman ang kamay niya para hingin ang phone. Inunlock ko muna ‘yon at pinunta sa camera bago inabot sa kanya.

Kinuha niya naman ito, nakita kong tinap niya ang front cam button bago tumabi sakin. Nagulat naman ako don kaya huli na bago ako makatingin sa camera dahil pinindot niya na ang shutter.

Sinamaan ko siya ng tingin.

“what I mean is, I want a picture here in the garden. Not with you,” sabay point out sakanya.

“yeah I know, it’s me who want it,” diretsong sagot niya, saka niya inilabas ang phone niya.

May pinindot siya don pati sa phone ko bago tuluyang tumalikod at sumenyas na pumwesto na ko.

Nakailang picture din ako bago tuluyang mapagod. Nilapitan pa kami ng isang trabahante kanina para iabot ang medical kit nila, siguro ay nakita din nila ang pagkakadapa ko kanina.

Tinanggap iyon ni Brandon. Hinawakan niya ang kamay ko at marahan akong hinila pabalik sa bench na inupuan namin kanina.

Wala naman akong galos kaya yung ointment lang ang nilabas niya.

Kinuha niya ang kamay ko at pinatong iyon sa hita niya.

Nagpahid siya ng kaunting ointment sa kamay niya bago marahang minasahe ang palad ko.

Ang sarap ng ginagawa niya.

Tingin ko’y papasa na siyang manghihimas, ay! este manghihilot pala.

Nakatingin lang ako sakanya buong magdamag, seryoso siya sa ginagawa niya kaya di na din ako nagsalita. Tumaas ang tingin niya sakin.

Nagsalubong ang paningin namin. Walang umiwas, sa tingin ko rin ay walang may gusto.

Parang may karera nanamang nangyayari sa dibdib ko. Lumalalim ang bawat paghinga ko, unti unti kong nalilimutan pano nga ba gawin iyon.

Habang tumatagal ay mas lalo akong nalulunod sa kulay abo niyang mga mata.

Parang dinadala ako nito sa sarili niyang mundo, mundo kung saan kaming dalawa lang ang naroroon.

Tama ba ito?

Tama bang hayaan kong muli ang sarili ko na malunod sa pagmamahal ko para sakanya?

I thought, putting chains in my heart will stop the bleeding. That if I lock my feelings, I won’t get hurt anymore.

Na kapag tuluyan kong kinulong ang nararamdaman ko ay balang araw titigil din ito, na kusa itong mawawala.

I know that my feelings for him was still there, chained and locked inside my heart.

Pero mas masakit pala kapag pinipigilan.. lalo kasing gustong kumawala.

Habang siya naman ay parang bagyo na tuloy tuloy ang ikot patungo sa puso ko, sinisira ang mga nadadaanan. Walang pinapalagpas.

Natatakot ako na kung patuloy niyang gagawin iyon ay baka hindi ko na makayanang pigilan pa, na baka magpaubaya at magpatianod nalang ako sa ikot niya..

How can I make him stop when I can’t stop myself either..


Hush The WailWhere stories live. Discover now