Chapter 5

49 3 0
                                    

Nakarating naman kami ng matiwasay ng walang iba pang nangyare. Pagkapark ng sasakyan, naunang bumaba si Brandon, hawak niya parin ang pintuan na nakabukas ng maluwag, tila ba inaantay niya na bumaba din ako.

Antagal bumaba ni Juno, kaya no choice...


Dun na 'ko bumaba sa pintuang binuksan ni Brandon. Ngumiti ako ng tipid sa kanya bago kami sabay-sabay na naglakad papasok sa simbahan.

Naunang maglakad si Calvin at Juno nasa likuran naman nila kami. Ang tangkad ni Brandon sa tabi ko. Kahit nakaheels ay hanggang baba niya lang ako.

Anlaki ng simbahan. Halata ang pagkatanda nito pero maganda pa rin.

Parang ito nga ang lalong nagpalakas sa appeal nito.

Sa labas palang kasi ay para ka na niyang dadalhin pabalik sa sinaunang panahon. Ang architectural design ay sobrang classic, ang ganda.

Di ko napansin ang nilalakaran ko kaya muntik na kong matalisod sa bato, buti nalang nahawakan ni Brandon ang baywang ko. Namula ‘ko sa nangyari.

“T-thanks,” mahinang sabi ko, alam kong rinig niya iyon dahil sa lapit namin.

Tumuloy kami sa paglalakad ng di niya pa din inaalis ang kamay niya sa baywang ko. Hinayaan ko nalang iyon dahil wala naman akong lakas para tumutol pa.

Pagkapasok namin sa simbahan, una kong napansin ang malaking arko na gawa sa bulaklak malapit sa pintuan, don nagsimula ang mahabang red carpet na lalakaran ng bride. Puro pink and blue ang flowers. Ang ganda kasi pastel color ang shade ng lahat ng ginamit pang decorate.

Nilibot ko ang tingin para hanapin si mommy. Si Calvin at Brandon naman ay nawala na sa paningin namin sa dami ng mga pinsang sumalubong sakanila.

Anlaki kasi talaga ng pamilya nila at mukhang complete attendance talaga ang lahat.

Nakita kong nakaupo si mommy sa hilera ni Tita Natalia, kasama nito ang mga anak na sina Bryle at Kuya Brixx.

Seventeen na si Kuya Brixx while same age naman kami ni Bryle. Close ko naman sila, dumalang lang talaga yung pagkikita namin nung tumanda na. Dati parati silang nasa bahay, madalas kami non maglaro kasama si Clio. Nung tumanda na ay nagkaroon na ng kanya kanyang interes.

Lumapit kami sakanila. Napansin agad ako ni Tita Natalia. Nginitian niya 'ko bago niyakap at hinalikan sa pisngi, ganun din ang ginawa niya sa kapatid kong si Juno.

“Oh my, anlaki mo na Gaia, di ka mukhang fifteen. Ang ganda ganda mo na honey,” masayang sabi ni Tita.

Nginitian ko naman siya at medyo nahiya sa papuri niya. People often mistakenly think na I’m older than my real age, siguro dahil na rin sa pananamit at kilos kaya ganon.

“Thank you po tita,” sabi ko nalang.
Naupo  na kami at nagtuloy tuloy naman sila sa kwentuhan ni mommy.

Tatlong magkakapatid sila mommy. Panganay si Tita Natasha, pangalawa si Tita Natalia at bunso naman si Mommy Naomi.

Maya-maya nagsabi na ang organizer na pumwesto na ang lahat. Kasali ako sa mga maglalakad sa gitna kaya lumapit na ko sa bandang labas ng simbahan, maging si Juno ay nakapila na din katabi ng kapartner niya na maglalakad.

May binigay naman saking kumpol ng maliit na bulaklak at tinuro kung saan ba 'ko pupwesto.

Habang nakapila narinig ko ang boses ni Calvin sa bandang likod ko, nakikipag asaran ito sa isa pa nitong pinsan, kasama niya din si Brandon, tatlo sila doon na nag uusap di kalayuan samin. Nakakunot ang noo ni Brandon habang mukhang nasisiyahan naman ang dalawang kausap nito.

Napadako ang tingin ni Brandon sa’kin, mabilis akong tumingin sa harap at yumuko, nag kunyaring busy sa pag amoy ng bulaklak, my god, nakita niya ata akong nakatingin. Kinabahan ako sa di malamang kadahilanan.

Para akong nahuling naninilip.

Maya maya narinig ko ang medyo malakas na boses ni Calvin.

“..sige na tabihan mo na.”

Di ko naintindihan kung ano ang pinag uusapan nila kaya binalewala ko nalang ito.

Pinagpatuloy ko ang pag aayos sa bulaklak na binigay ng biglang may tumabi sakin.

Umangat ang paningin ko para tingnan kung sino yon. Agad namula ang pisngi ko ng makitang si Brandon yon.

‘Ano ba ‘to? Auto blush pag si Brandon!’ sigaw ng isip ko.

Di na ko makapagsalita, di ko alam ano ba dapat sabihin. Mag ha-hi ba 'ko o ano, di ko alam kaya nanahimik nalang ako at nginitian siya.

Sumigaw naman yung organizer na mag i-start na daw kaya umayos na ko ng tayo at tumingin na sa harap. Nagulat ako ng kunin niya ang kamay ko at inihawak iyon sa baraso niya.

“It should be like this,” matigas na ingles na sabi niya habang nakatingin sa’kin.

Natameme naman ako, di ako prepared. Ang alam ko talaga si Mona ang may gusto sakanya pero bakit kung mahiya ako ay daig pa ang mga nagkakagusto sakanya.

‘Kasalanan mo’to Mona masyado mong inelaborate ang mga kwento mo tungkol sakanya!’ galit kong sabi sa isip ko.

Nagsimula na ang tugtog at sabay kaming naglakad papunta sa altar.

Seryoso lang siya habang di naman ako makangiti ng ayos dito. Nakita ko si mommy’ng sinesenyasan akong ngumiti ng malaki.

Huminga muna ko ng malalim bago sinubukang ngumiti ulit. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko.

Normal lang naman ata yung ganto ‘no?

Kasi diba ang gwapo niya kaya normal lang na kabahan ang kahit sino...

Normal lang ‘to...

Yes, Gaia.. this is normal.. okay lang yan..

Napalingon ako sa kanya ng nakita ko sa peripheral vision kong nakatingin siya sakin.

Bigla siyang ngumiti.

Suddenly all I can see is him, standing beside me, smiling.

Parang bumagal yung paligid. Parang kaming dalawa nalang bigla yung nandito.

Akala ko sa libro or movies ko lang ‘to makikita, I even find it cliche on books.
Nagtataka ‘ko bat ang common niya sa mga books kung di naman ‘to totoong nararamdaman ng tao?

But right now, every reasoning and questions I had, fell apart. Parang nasagot nito lahat ng katanungan ko. Yung iniisip ko dati ngayon bigla ko nalang nararamdaman.

Dahil sa ngiti niya. I can even hear the sound of my heart, beating fast, rigid, then slow.

Magulo.. mabilis.. pero parang tama lang..

Hindi man yon ang pinakamalaking ngiting nakita ko pero napabilis non yung tibok ng puso ko.

That time I realized this isn’t normal anymore...

Hush The WailWhere stories live. Discover now