Chapter Six

10.8K 576 21
                                    

How I miss my happy Hailey

Hailey's

THEO dragged me out of that place. Ni hindi siya napigilan nang makailang beses na pagsigaw at pagtawag ni Perseus sa aming dalawa. He gently tugged my arm and we walked away from that scene. Wala siyang pakialam kung pinagtitinginan kami ng mga tao dahil sa eksenang kasalanan naman ni Perseus. I didn't even look back. I was just staring at Theo's hand in my arm. I felt some warmth, somehow, I felt like I am safe and that nobody will ever hurt me again. Hindi ko alam kung saan nanggaling iyon, maybe this is the reason why I am always comfortable with Theo, because I feel safe, because I know that he will never let anyone hurt me, kahit na siya pa ang masaktan.

Nasa kotse kaming dalawa. He even put the seatbelt on me. I was only looking at him. Damang – dama ko ang intensidad ng emosyon ni Theo. Nagagalit talaga siya at hindi ko alam kung paano ako makikipag- deal sa Theo na ito. I was biting my lower lip. I felt like crying, pero kapag umiyak ako, pakiramdam ko sasabog rin si Theo.

We arrived at his place. Kahit sa paglalakad sa may hallway ay wala pa rin siyang kibo. I really wanted him to say something. I want him to tell me that everything will be okay, kasi nanginginig ako sa ngayon, kasi hindi ko na alam kung makakalaya pa baa ko sa anino ni Perseus. Lahat naman ito ay kasalanan ko. Kung sana noon pa lang ay tinigilan ko na, kung pinigilan ko lang ang sarili ko, kung hindi ako nagpadala sa nararamdaman ko, wala ako sa ganitong sitwasyon ngayon. Ang dami – dami nang nawala sa akin.

Theo opened the door, kasabay noon ay ang pagbukal ng mga luha ko, hindi ko na napigilan, right then and there in the hallway of the 14th floor of that high rise apartment building, I cried my heart out. Lahat ng masakit sa akin ay ilalabas ko na. I just want this to fucking end and to be done with it. I want everything back to normal.

"Hailey..."

"I'm so sorry..." I sobbed so hard. "I'm so sorry. Hindi ko na napigilan. Sorry. Sorry talaga!" Next thing I knew, Theo scooped me in his arms and we entered his place. He carefully put me in the couch. Tulad ng dati ay hinayaan niya na lang akong umiyak nang umiyak. Hindi siya nagsasalita, naradaman ko na lang na tumayo siya at nagpunta kung saan. Maybe he wanted to leave me alone for a while. Siguro kailangan rin niyang kalmahin ang kanyang sarili. Ramdam ko kanina na ang taas ng emosyon niya. Ito ang unang beses na nakita ko siyang nagalit nang ganoon.

Theo had always been calm and composed. But that changed because of Perseus earlier. Hindi ko alam kung bakit kinailangan niya pa akong puntahan sa school, at kung bakit hinabol niya pa ako. Alam kong hindi susuko si Perseus hangga't hindi niya nakukuha ang gusto niya, I know, we have the same blood, ganoon rin ako at ang mga kapatid ko. Lahat kami sa pamilya ay tuso, but in my case, I know when to stop. I just want Perseus to understand that.

"Hailey, drink this." Bumalik si Theo, sa pagkakataong iyon ay may dala siyang isang basong tubig. He sat in front of me and guided me while I was drinking water. Matapos kong maubos iyon ay lumapit ko sa kanya, I enclosed my arms around him and buried my face on his chest – where I feel safe the most. Hindi na ako nahihiya kay Theo, sa lahat ng tao sa paligid ko, siya ang nakakaintindi ng lahat sa akin.

I felt his hands caressing my hair, trying to calm me down.

"Hindi ko naman ginusto ito, Theo." Sabi ko sa kanya. "I just want everything to go back to normal. I want to be happy again. I want my Dad to look at me again with trust. Bakit hindi ako naiintindihan ni Percy? Hindi ba kapag mahal mo ang tao iintindihin mo? He always tell me he loves me, why can't he understand that I want this to end already?"

"Hindi naman na pagmamahal iyong kay Perseus, Hailey..." Theo's voice is calm and collected. Palagi namang ganoon si Theo. Iba ang epekto sa akin ng tinig niya. Kahit na ang gulo – gulo ng utak ko ngayon, having him near me and hearing him, somehow it manages to bring peace in my being.

Of all the thingsWhere stories live. Discover now