HMLD 1: The SHS student.

63 33 0
                                    









BREAKING NEWS!

The suspension of classes in all levels in Metro Manila is hereby extended until April 12, 2020 provided that all students have continue to fulfill their requirements during the said period.

Community quarantine is hereby imposed in to the entire of Metro Manila and the other areas, LGUs are advised to adbide the following guidelines imposing localize community quarantine in a constructive due of restriction.

Pres. Duterte cancels face to face classes due to new variant of Covid-19 -Inquire.net || Dec. 26, 2020.

“Pinakamababa sa nakalipas na 20 araw ang bagong kaso ng Covid-19 sa bansa na nasa 16, 361 ngayong araw. Pero ayon po sa DOH, apat na laboratoryo ang hindi pa nakapagsumite ng kanilang datos. Sa kabuuan po ay 2,401,916 na po ang lahat ng mga tinamaan ng sakit sa bansa.”

“Bumaba rin sa 171, 142 ang mga aktibong kaso kung saan 92.4% ang mild, 2.8% ang asymptomatic, 2.69% ang moderate, 1.4% ang severe at 0.6% ang kritikal.”

“Pang-apat na araw namang lampas sa 20 thousands (21, 974) ang daily recoveries. Nasa 2, 193, 700 na ang lahat ng mga gumaling o 91.3% ng kabuuang kaso.”

“Nananatili namang lagpas sa 100 ang naitatalang bilang ng mga namatay. 140 ang Covid deaths ngayong araw. Dahil d'yan, umabot na sa 37, 074 ang mga nasawi. Katumbas ito ng 1.54% nang lahat ng mga kaso.”

“...hindi natutulog ang balita, nag-uulat bente kuwatro oras.”





.
.
.





“Tingnan mo nga naman, mula sa 10 naging bente at ngayon naging ilang libo na agad ang mga kaso. Paniguradong mas lalaki pa ang bilang ng mga 'yan sa mga susunod na araw,” wala sa wisyong komento ni Papa matapos nitong manood sa tv.

Hindi ako umimik at pinagpatuloy na lamang ang pagnguya ko sa pagkain ko.

“Kaya ikaw, Cari. Tigil-tigilan mo na kagagala mo. Hindi na puwedeng lumabas ngayon nang basta-basta. Stay at home ika nga,” payo naman ni Mama saka tumingin sa gawi ko. Tumango ako bilang sagot sa sinabi niya.

As if namang makakalabas ako ng bahay ngayon. Sobrang tinatamad na nga ako, e. At isa pa, wala namang nag-aaya sa akin na umalis at siguro kahit na mayroon, auto-tangi na rin kasi hindi safe na lumabas mas lalo na sa mga panahon ngayon.

“May magandang dulot din naman 'yang lockdown, e. Napansin ko nga habang nasa biyahe ako kahapon, halos walang katao-tao. Wala na rin gaanong traffic ngayon,” kuwento pa ni Papa sabay tingin sa puwesto naming dalawa ni Mama.

“Sa dami ba naman ng checkpoints imposibleng makatawid ka pa sa ibang ibayo 'no.”

Sabay tumawa sina Mama at Papa sa harapan ko. Napailing na lang ako dahil kahit wala akong interes sa pinag-uusapan nila atlis, may alam ako.

“Ay, siya nga pala. Sigurado ka na bang hindi ka na muna papasok ngayong taon?” usisa naman sa akin ni Papa na siyang tinanguan ko lang.

“Opo, Pa. Mahihirapan lang ako sa online class, e. Hindi pa sure kung matututo po ba talaga ako,” dagdag paliwanag ko pa sa kaniya.

“Sige, sige. Mag-iipon na muna ako para sa pag-aaral mo at sa magiging kapatid mo,” aniya sabay haplos sa tiyan ni Mama. Napangiti ako sa kanilang dalawa saka muling tumingin sa tv.

Kasalukuyan kaming nanonood sa flat screen tv namin na nakakonek sa phone namin. Sa yt kami nanonood habang kumakain ng tanghalian. Nasa salas kami. Presko kasi ang hangin dito at hindi gano'n kainit. May nakatutok din namang dalawang electric fan sa puwesto namin.

HMTS #3: Hold me, Love dearly. [COMPLETED]Where stories live. Discover now