HMLD 12: Uncomforting Words

36 19 0
                                    






“Mama,” bulong ko habang nakayakap ako kay Mama. “Ahm?” Hinaplos nito ang buhok ko dahilan upang magkatitigan kami.

“I love you,” sinsero kong sabi.

Ilang sandali pa ay ngumiti siya at pinindot ang ilong ko. “Hindi ko alam kung anong trip mo pero parati mong tatandaan na ako at si Papa mo ay mahal na mahal ka, anak.” Nakangiting aniya saka humalik sa aking noo.

Ngumiti ako sa kaniya at isiniksik ang mukha ko sa tagiliran nito. Nandito kami ngayon sa kuwarto nila ni Papa. Wala si Papa ngayon dahil nasa trabaho ito.

Saktong alas-otso na rin ng gabi kung kaya’t pareho kami nila Mama na naghahanda para makatulog na. Kasalukuyan na kaming nakahinga ngayon at magkatabi sa kama nila.

Kinaumagahan. Maaga akong nagising dahil naramdaman kong nawala si Mama sa tabi ko. Daglian akong bumangon at kusang hinanap ng mga mata ko ang presensiya niya sa loob ng kuwarto.

Hanggang sa makalabas ako mula rito at hinanap ko siya’t natagpuan sa kusina. Kasalukuyan itong abala sa kaniyang pagluluto.

Ngumiti ako at sinunggaban siya ng yakap. “Good morning, Mama ko.”

“Good morning, anak.”

“Si Papa po?”

Hindi tumugon si mama at nginusuan lamang ako. Napatingin ako sa puwesto kung saan siya nakatingin at doon ay nakita ko si Papa na mahimbing na natutulog sa kulay kapeng sofa na nakalagay sa salas namin. Nahilik pa nga.

“Lasing po ba siya, Ma?” Tumango lamang si Mama sa naging tanong ko. “Ah kaya pala ang ingay niya matulog,” dagdag komento ko pa.

“May biglang yayaan daw kagabi pagkatapos ng trabaho nila kaya ayan. Hindi nakatanggi,” paliwanag pa ni Mama sa akin habang ako ay nakatingin sa puwesto ni Papa.

Tumango na lamang ako saka pumuwesto sa dining table namin. Sinubaybayan ko si Mama sa ginagawa nito.

Maya-maya pa ay natapos din si Mama sa pagluluto. Lumapit ako sa kaniya upang tulungan itong maghain ng mga pagkaing niluto niya.

“Gisingin ko po ba si Papa??” usisa ko subalit umiling lamang siya sa akin.

“Hayaan mo muna siyang matulog, anak. Tirahan na lang natin siya ng pagkain,” tugon nito na siyang sinunod ko naman. “Sige po,” mahinang usal ko pa.

Nagdasal muna ako bago kami nagsimulang kumain. Nang matapos ay tinulungan ko si Mama na magligpit ng pinagkainan at maghugas ng mga ito.

---

“Mama, nood na tayo!” Awtomatikong ngumiti si Mama sa akin at sinamahan akong manood. Habang nakayakap kay Naruto ay magkasama kaming nanood ni Mama.

Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Mama at pasimpleng paglagay ng kumot sa akin. Iniayos niya rin ang aking higa sa sofa na iniupuan lang namin kanina.

---

“Mama, payakap.” Mangiyak-iyak kong sambit saka lumapit kay Mama na abala sa pagtutupi ng nilabhan. Nakita ko ang pag-aalala sa mukha nito nang makita niya ako sa kuwarto nil ani Papa.

“Oh, anong nangyari?”

“Na-pre-pressure po ako sa school. Pakiramdam ko po hindi ko na kaya. Nakaka-drain ng utak, Ma. Ayaw ko na,” garalgal kong sabi dahilan upang yakapin niya ako nang mahigpit.

HMTS #3: Hold me, Love dearly. [COMPLETED]Место, где живут истории. Откройте их для себя