Chapter 12

39 2 0
                                    

"Joke lang po!"

Napasigaw si Patrick habang sinasabi iyon kay Manang Linda dahil kinurot ko siya sa tagiliran. Gustong gusto niya talaga na iniinis ako ha.

Nakita ko ang reaksyon ni Manang at alam kong nagpipigil na rin siya ng tawa. "Oh siya, buti may kasama ka. Akala ko ay nagpasaway ka naman at pinilit mong mag commute mag isa."

Pilit lang ako na ngumiti saka nag bow ng head sa kaniya. Hindi ako sanay sa traditional na pagmamano. I'm not awoke in that tradition and I think there's no wrong with that. Sanay na rin naman si Manang sa'kin and hindi niya naman ako sinasaway about that.

"Oh siya pumasok muna kayo at magmiryenda. Panigurado napagod kayo."

Binalingan ko ng tingin si Patrick na mukhang tatanggi pa. I hold his wrist and grab him inside our house. Buti na lang at si Manang Linda ang sumalubong sa amin. Ibig sabihin ay walang tao sa bahay.

"Welcome to our house. Feel at home-"

Masaya ko sanang ipapakita ang bahay namin kay Patrick nang pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si Ate Diana na nakaupo sa sala.

"Your house is great and homey."

Rinig kong sabi ni Patrick na nasa tabi ko.

"Oh bakit ayaw mo pumasok?" Tanong niya at tumingin pa sa'kin.

Alam kong nakakunot na ang noo niya sa pagkakataong ito. Mula sa pagkakaharap sa'kin ay dumako ang tingin niya sa direskyon ng tinitignan ko.

"Ah shit!"

Napatingin ako kay Patrick nang bigla siyang kumapit sa braso. Kumunot ang noo ko sa kaniya. Huwag mong sabihin na fan siya ni ate?

"Si Diana ba 'yan? For real?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

Babatukan ko na sana siya nang makita kong tumayo si ate. Lumapit siya papunta sa amin. "You didn't tell us na may bisita ka, Athena." She said.

Napairap ako. At bago pa man ako makapagsalita ay napanganga na lang ako ng bumitaw si Patrick sa pagkakapit sa braso ko at naglahad ng kamay sa harap ng ate ko.

"Hi Diana!" He said and in the used of his other hand, he brush the back of hus hair. " I'm Patrick, nice to meet you."

Napatingin si ate sa akin. Bago ay tinapunan ng tingin si Patrick at tinanggap ang kamay nito. "Nice to meet you Patrick."

"C-can I have a signature from-"

Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Basta sa inis ko ay tinalikuran ko na sila at dumiretso sa kusina. What should I expect? It was obvious that he's fan of that Diana! Napairap ako saka uminom ng tubig.

"Ano ka ba naman, Athena. Iniwan mo ang kaibigan mo do'n."

"Hayaan mo na siya Manang. Baka gusto niya pang interview-in ang kapatid ko. Alam mo naman masyadong sikat."

Wala na akong pakialam kung magtunog bitter ako. It's not that I'm bitter, It just I'm stating the fact. Na sinuman ang dalhin ko sa bahay at makita sila ay mamangha sa kapatid ko.

"Hindi naman 'yon sa gano'n. Normal naman 'yon. Kahit sino ay mamamangha kapag nakakita ng sikat."

"Okay po. Sana all na lang famous." Pagsuko ko at ayaw ko ng makipagtalo.

Inilagay ko ang baso sa lababo bago humarap kay Manang. Napatingin ako sa bagong pasok sa kusina na si Patrick. Inirapan ko siya at naupo sa harap ng lamesa.

"Oh halika rito Patrick maupo ka. Kumain muna kayo ni Athena."

Naglapag si Manang ng Cheese Cake sa lamesa saka naglagay ng platito at tinidor. Ramdam ko na nakatingin si Patrick sa'kin pero hindi ko siya binalingan ng tingin. I don't know, maybe I'm not in the mood. Naupo siya sa upuan sa tabi ko while I start eating cheese cake. Alam na alam talaga ni Manang kung paano pagaanin ang loob ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 24, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I Write YouWhere stories live. Discover now