Chapter 1

691 35 80
                                    

Chapter 1

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 1

Sa unang kalabit pa lang ng gitara, agad na gumapang ang kilabot sa mga braso ko paakyat sa leeg at batok. The familiar song's intro echoes around the grounds of Torrero University and the familiar overwhelming feeling lumps my throat.

Pinanood ko kung paanong pumikit si Enzo Avillanoza nang kalabitin niyang muli ang gitara at nang makita ko ang magandang hubog ng leeg niya nang tumingala siya sa maulap na panghapong langit. Kitang-kita ang ganda ng panga niya at ang paghawi ng mabining ihip ng hangin sa may kahabaan niyang buhok.

"Enzo Avillanoza, marry me!" I shout.

I squeal as The 96th Point goes over the verse of the song and as the vocalist of the band, Amos, bangs his head to the lively beat.

Tumalon-talon ang ngising-ngising si Amos, ang bokalista ng banda, habang umiikot at kinakanta ang isang sikat na alternative rock na kanta. He's wearing a black roundneck shirt at kitang-kita ang magandang hubog ng braso niya dahil sa masikip na kapit ng shirt sa sleeves na itinupi niya.

Enzo Avillanoza, the main guitarist of the band, bangs his head to beat too and leans in when he tries to freestyle on his electric guitar. Kumulot ang tunog ng matinis na tunog ng gitarang hawak niya at uminit ang mga pisngi ko sa sobrang guwapo ni Enzo!

Oh, how I wish to be born as Enzo's electric guitar!

"Enzo Avillanoza, marry me!" I shout on the top of my lungs but my voice gets muffled by the wild crowd of the students of Torrero University.

I hate this crowd! Paano ako maririnig ni Enzo kung ganiyan sila kaingay?

I groan. Itinulak ko ang mga katabi kong halos hindi na magkamayaw sa pagtalon para lang makita ang The 96th Point, one of the most famous bands in our campus today and the rising band of this generation.

"Ano ba 'yan?!" angal ng isa sa mga babaeng naitulak ko na agad akong sinamaan ng tingin.

Pinanlakihan ko ng mga mata ang babaeng agad na masama ang loob na nanahimik na lang at lumayo sa 'kin. Tumikhim ako at inangat ulit ang tingin sa The 96th Point na patuloy na tumutugtog.

Enzo leans over to the mic stand and sings along with Amos who's now busy entertaining the audiences near the stage.

What the hell! I should have gone there!

Agad kong nilangoy ang dagat ng mga tao papalapit sa stage pero masiyado nang masikip ang bandang harapan dahil nagkukumpulan na roon ang mga fans ng The 9th Point.

"Enzo!" I call.

Isang bokalista, dalawang guitarista, at isang drummer. They all sing well but Amos is the best among them. Unang buka pa lang ng mga labi niya sa pagkanta, tumatayo na ang mga balahibo ng nakikinig dahil sa sobrang lamig ng boses niya.

TVD #8: You Missed, Cupid!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon