Chapter 8

290 24 7
                                    

Chapter 8

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 8

Eros Avillanoza is not as famous as his brother. People still get shocked when they learn that Enzo has a twin who looks so identical to him.

Kahit ako, hindi pa rin ako makapaniwala na ibang tao kay Enzo Avillanoza ang lalaking nasa harapan ko ngayon. They look awfully similiar—from his thick eyebrows, narrow nose, and lips—no one can tell them apart. Ang tanging kinaibahan lang ni Eros kay Enzo ay ang magulong hairstyle.

"It's Eros," sabi ng carbon copy ni Enzo sa harapan ko nang makita niyang tulala lang ako sa mukha niya.

Napakurap ako at napatikhim.

"Wala ba kayong pinagkaiba kahit isa? I mean, kahit palatandaan lang!" I ask.

Pero hindi ako sinagot ni Eros. Nagpatuloy siya sa pagkain ng fried noodles sa harapan ko. 

Nagpunta kami sa isang food park malapit sa university. Hindi ko pa rin alam kung paano kami umabot sa puntong ito at kung tama ba ang naging desisyon ko. Ang alam ko lang, natutuwa akong kaharap ko ang mukha ni Enzo—kahit hindi naman talaga siya iyon.

"Huy!" tawag ko sa atensyon niya dahil hindi ako sinasagot ng antipatikong lalaking ito!

Bumuntonghininga siya. "Why don't you see for yourself? I offered the deal to you because that's what I want you to do," he says.

Napangiwi ako at humalukipkip. "Ang dami mo namang alam!"

Eros laughs because of what I said without even grazing me with his gaze. Hindi siya sumagot at nagpatuloy na lang sa pagkain.

"Will you really help me?" tanong ko.

"If you will behave," ani Eros at napaayos ako ng upo. He looks at me when he notices and smirks.

"Why did you offer me this deal?" kuryosong tanong ko.

Halos umirap siya hindi pa man natatapos ang tanong ko.

"Ganiyan ka ba talaga? Paulit-ulit ng tanong?" Umiling siya.

Agad akong napangiwi. "You don't have to be so rude!"

"Nagtatanong lang ako." He shrugs.

Umirap ako na ikinatawa niya na naman.

Kanina pa siya tawa nang tawa. Ganoon ba talaga ako kanakakatawa? Bakit si Antonia, halos batukan na ako pero ang isang ito, parang aliw na aliw sa akin?

Ibinaba ni Eros ang disposable na chopstick at sumandal sa upuan bago humalukipkip. Tinitigan niya ako sa mga mata kaya natahimik ako. Para kasing si Enzo ang nakatitig sa akin.

"You just have to stick around me and follow what I say," aniya.

Nagtataka ko siyang pinagmasdan. Ipinaglapat ko ang mga labi ko habang tinititigan siya. Hindi ko talaga makuha kung bakit niya ako tutulungan.

TVD #8: You Missed, Cupid!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon