Chapter 4

275 23 9
                                    

Chapter 4

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Chapter 4

Kung hindi kayang resolbahin ang isang bagay, let it go!

'Yon ang isa sa mga bagay na sinusubukan kong kumbinsihin ang sarili ko na matutunan. Lalo pa't nakakainis na wala akong magawa sa reputasyon kong sumisikat na sa Torrero University.

Hindi naman ganoong kapangit ang naging imahe ko. Nakakainis lang na pinagtatawanan ako ng mga tao sa likod ko dahil kalat na kalat ang nangyaring pagkakamali sa marriage booth no'ng heart's day. Nakakainis din na iniisip naman ng ibang tao na patay na patay ako kay Eros Avillanoza.

Okay lang sana na isipin nilang patay na patay ako sa isang lalaki kung totoo naman! Pero hindi naman ako kay Eros patay na patay.

Pero wala na akong magagawa. Nangyari na ang nangyari.

Hindi man ako ganoong kabait, pinili ko pa ring patawarin si Antonia—na wala naman talagang kasalanan—at si Alec na mukhang sinusubukan pa ring suyuin si Antonia.

Ewan ko ba kay Antonia at nagpapakipot pa siya kay Alec. Ako nga na naagrabyado ng lalaking 'yon, nagpatawad na!

"Bakit ba ayaw mong patawarin 'yang si Alec. Tingnan mo," sabi ko sabay turo kay Alec na papalapit na sa classroom namin. "Mukha siyang tutang hindi napainom ng gatas."

Maraming estudyante sa hallway ng department namin dahil katatapos lang ng klase ng dalawang block. Nasa balikat ko ang bag at si Antonia naman, mukhang kating-kati nang umalis dahil nakita niya nang papalapit si Alec.

Kumunot ang noo ko habang tinitingnan si Antonia. Nakakunot ang noo niya. Padabog niya pang inipit ang orange brown hair niya sa likod ng tainga at simangot na simangot.

Ang arte, ha?

"Tara na kasi!"

"Bakit ba hindi mo patawarin ang tuta mo?" tanong ko, tinutukoy si Alec. "Dinaig mo pa ang galit ko! Ako nga, nagpatawad na. Ikaw, hindi pa rin? Hindi mo naman siya boyfriend tapos nagpapasuyo ka nang ganiyan."

"Ang dami mong sinabi!" nakasimangot na sabi niya bago nagmartsa na paalis. "Tara na!"

Napailing ako at hindi siya sinunod. Hinintay ko si Alec na mabilis na nakalapit.

"Pana!" Antonia groans but I don't look at her.

Binalingan ko si Alec. He's pursing his lips and his pitiful eyes shift their gaze to me. Kahit na may kaunting eyebags siya—na hindi ko alam kung galing saan dahil fresh pa naman siya no'ng huli ko siyang nakita—ang amo pa rin talaga ng mukha niya at para bang ang daling i-bully dahil sobrang cute. 

Mono-lid kasi ang mga mata niya at singkit. Mestizo pa kaya naman namumula ang mga tainga. Kahit singkit ang mga mata niya, kung tumingin naman, aakalain mong bilugan ang mga mata dahil may puppy dog eyes kung tumingin. 

Parang kapag inagawan ko siya ng candy, iiyak na lang siya bigla.

"Sigurado ka bang 'yong sa marriage booth lang ang kasalanan mo kay Antonia? Bakit hindi ka pa rin pinapatawad?" tanong ko kay Alec na humawak naman sa batok para himasin 'yon. Mannerism niya yata.

TVD #8: You Missed, Cupid!Where stories live. Discover now