Chapter 9

250 18 3
                                    

Chapter 9

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Chapter 9

Kunot na kunot ang noo ko habang pinagmamasdan si Amos kasama ang kaibigan niyang si Enzo na naglalakad papalapit sa akin sa cafeteria isang lunch break. I gasp because of shock.

Hindi ako mapakali! Lalo na nang ngumisi si Enzo sa akin-

Wait.

If he's smirking, he's not Enzo!

Ang ngisi niya ay lumawak at naging ngiting antipatiko. Kumunot ang noo ko at automatikong nakaramdam ng iritasyon.

Eros.

Umupo siya sa upuang katapat ko, kasunod naman si Amos sa tabi niya.

Tumatawa si Amos. "Eros, you said she wouldn't be able to tell," sabi pa nito sa kasamang si Eros.

Eros shrugs. "The smirk is such a giveaway."

Nagtataka kong pinagmasdan si Amos. Bakit si Eros ang kasama niya? Nasaan ang mga kabanda nila? Si Enzo?

"It's good that you can finally slightly tell that it's me," si Eros kaya bumalik ang tingin ko sa kanya. Umangat ang kilay ko. "Pero no'ng naglalakad ako palapit, kumikinang pa rin ang mga mata mo. Kung hindi ako ngumisi, you would still think it's Enzo, right?"

Sumimangot ako at tiningnan ang buhok niya. "Bakit kasi ginagaya mo ang pananamit at estilo ng buhok ng kapatid mo? Wala ka bang sariling style?"

Tumawa ang kasama niyang si Amos na ngayon ay humahalukipkip at sumasandal sa sariling upuan habang hinihintay ang sagot ng kaibigan niya.

Agad akong napamura sa isipan nang ma-realize na ito pala ang sinasabi ni Eros na halos lumuwa ang mga mata ko kapag nakikita siya! Ang akala ko, si Enzo ang kasama ni Amos nitong mga nakaraang araw pero hindi pala. It's this devil, Eros! Ugh! Nakakainis.

"I'm helping you. This is a test," ani Eros at nagkibit ng balikat.

Naaalala ko na naman ang ginawa niya no'ng nakaraan! Nagpapanggap siyang kapatid niya at nagpapa-picture sa iba. It's like he's trying to make fun of their identical features.

Sinuklay ni Eros ang buhok niya sa paraang sinusuklay iyon ng kapatid niya at lalo akong nainis.

"Tigilan mo na. Ang dami mong niloloko," I say.

Hindi niya ako pinansin at nasa pagkain kong in-order na ang tingin niya. He hooks the plate with his index finger and slides it toward him. Pinulot niya ang tinidor at kumuha ng carbonara na hindi ko pa nauubos. He swirls the fork with the noodles and bites the pasta whole. Then he wipes the side of his lips with his thumb.

Napatitig tuloy ako sa mga labi niya. May napansin akong kung ano roon pero iniwas ko rin ang tingin ko nang umangat ang tingin sa akin ni Eros.

"Tomorrow, the band will practice at our house. You can come if you want to-with an excuse of being my visitor."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 15, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

TVD #8: You Missed, Cupid!Where stories live. Discover now