Chapter 7

356 29 9
                                    

Chapter 7

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Chapter 7

Sa totoo lang, bihira ko lang naman talagang nakikita si Enzo sa campus. Bukod sa iba siya ng department, talagang mailap siya sa sa mata ng ibang mga tao.

Bihira ko siyang makita nang mag-isa dahil parati niyang kasama ang mga kabanda niya. Kaya nga sa tuwing dadaan siya at ang grupo niya, parati nilang nakukuha ang atensyon ng lahat.

Girls will always follow him with their gazes. At isa na ako roon.

Tulad ngayon.

Nakikita ko na si Enzo na nasa grounds kasama na naman si Amos. Ngising-ngisi si Amos habang kausap siya habang seryoso namang nakikinig si Enzo. Hindi ko mapigilang pigilan ang paghinga ko dahil talaga namang nakakapigil-hininga ang kagwapuhan ni Enzo.

Pati na si Amos na merong vibe ng isang playboy. Madalas na maloko ang ngiti at ang presko-presko ng dating. Para bang alam niyang nakukuha niya ang atensyon ng lahat at hindi naman siya nagkakamali ro'n dahil totoo namang 'yon ang nangyayari.

Sa katunayan nga, masasabi ko pang mas maraming may gusto kay Amos kaysa kay Enzo. Paano, masiyadong magaling mag-fan service si Amos. Mabait siya sa mga fans niya lalong-lalo na sa mga babaeng nagkakandarapa sa kaniya.

Pero inaamin ko namang natutulala rin ako kay Amos. Ang astig pa ng pangalan niya! Paano, acronym ng buong pangalan niya ang Amos.

Kasama ko si Antonia. Nakahilig kami sa railings ng building namin at hindi namin sinasadyang makita ang dalawa sa miyembro ng The 96th Point.

"Ang dalas nang napapadpad dito ni Enzo, ah?" ani Antonia.

"Tawagin ko kaya?!" Pakiramdam ko, nagniningning ang mga mata ko.

"Stop being a creep." Ngumiwi siya.

Ngumuso ako at patuloy na pinagmasdan si Enzo.

"Sigurado ka bang si Enzo 'yan? Mamaya, si Eros na naman 'yan!" Umiling si Antonia. "'Di ka na nahiya kay Eros. Gano'n ba talaga kamagkamukha ang kambal na 'yan para malito ka?"

"Hindi mo nga rin napansin na si Eros pala 'yong pinakasalan ko sa marriage booth!"

"Syempre! Hindi naman ako ang may crush kay Enzo for three years!"

I groan and I look at Enzo again. Seryoso ang mukha niya habang kausap si Amos. Wala namang pagloloko sa mukha niya. 'Di tulad ni Eros. Parang parating nagloloko ang tingin at ngiti. Parati ring nanunudyo!

Napasimangot ako nang maalala ko na naman ang huling beses naming pag-uusap. Nasaan kaya 'yon? Parang bihira ko na siya kung makita.

Sa tuwing naiisip ko si Eros, naaalala ko 'yong gabing nakita ko siyang nakatulala sa tabing kalsada habang nakatanaw sa restaurant kung saan tumugtog ang The 96th Point. Hindi ko mapigilang isipin kung ano ba ang tumatakbo sa isipan niya.

TVD #8: You Missed, Cupid!Where stories live. Discover now