Part 5

2.2K 63 0
                                    

Jema's POV

Habang papasok ako sa bahay, napapangiti ako..

Sa naging lakad namin ngayon ni Wong, mas nakilala ko sya.

Akala ko kasi dati mayabang sya sobra at walang pakialam sa damdamin ng iba.. pero mali pala ako..

Napatingin naman ako sa teddy bear na hawak ko.

"Hoy! ano yan?? hanep.. may teddy bear..!" sabi ni Mafe, inirapan ko naman sya

"Oh? may problema?" tanong ko

"wala.. kanina ka pa hinahanap nila Mommy.. nakipag date ka no?" tanong ni Mafe

"Hindi ah.." sabi ko habang nakangiti

"oh bat ganyan ngiti mo?" tanong nya habang nakataas ang kilay

"Ewan ko sayo Mafe, akyat na ko sa kwarto ko.. wala akong oras makipag asaran sayo.." sabi ko

Nang makapasok ako sa kwarto ko, dumeretso ako sa CR para gawin yung night routine ko..

Pagkatapos ko, umupo na ako sa kama..

Napangiti nanaman ako ng makita ko yung teddy bear..

Kinuha ko naman yung bag ko para kunin yung picture na bigay nya kanina...

Napangiti uli ako... 

Ang saya ng mukha namin dito..

Naalala ko nanaman yung baunan na iniinuman ni Wong, kinuha ko yun sa bag ko at dali dali akong bumaba para hugasan yon at lagyan ng tubig.. pagkatapos nilagay ko uli sa ref.

KINBUKASAN...

Nag taxi lang ako papunta sa school, nasa school kasi yung car ko.

Nang makarating ako sa school, dumeretso ako sa gym, pag dating ko doon, nag sisimula na silang mag warm up, tulad ng dati, nandito din sila Jho, tumabi uli ako sa kanila..

"Jema, hindi na gusot mukha mo ha... nung mga nakaraang araw kasi hindi maipinta hahaha tapos ngayon, ang ganda ng ngiti mo.. anong meron..?" tanong ni Ced

"wala... bawal ba ngumiti?" tanong ko, umiling lang sila at natawa..

Maya maya nakita kong nagstart na silang mag practice.. napangiti ako nung maka score si Wong..

Dati naiinis ako kapag nakikita ko sya, ngayon hindi na..

Siguro dahil na din sa naging bonding namin kahapon..

Nang maka 3 point si Wong, nag sigawan naman yung mga nanonood na babae...

"pag ako talaga niligawan nyan ni Wong, sasagutin ko na yan!!" sabi ng babae

"I love you Wong!!" sigaw naman ng isang babae sa kabila

"OMG! I Do na agad!!" sigaw naman ng nasa taas....

Napangiwi naman ako..

Nang maka shoot nanaman si Wong, tumingin sya sakin at tinuro ako habang nakangiti...

Ewan, bat nakaramdam ako ng kilig...

Napangiti naman ako.. 

"baliw..." bulong ko habang nakangiti.

"ayy hala...! ibang Jema ata tong kasama natin guys..." sabi ni Jho

"hahahaha Oo nga...taray! may paturo turo pa si Wong kay Jema..." sabi naman ni Mela

"asan na yung bestfriend ko na diring diri kay Wong? hahaha" sabi naman ni Kyla

"uiiii grabe...bat tinuro ni Dean yung girl??" rinig kong sabi ng mga nanonood.

Fall In Love With My EnemyWhere stories live. Discover now