Part 20

2.7K 58 2
                                    

Jema's POV

Umaga palag nandito na ako sa sofa, nakabihis at nag hihintay kay Mafe..

Ang tagal naman non...

Maya maya hindi na ako nakatiis, pinuntahan ko na sya sa kwarto nya..

Tok tok tok!!

Malakas na katok ko, kaso hindi parin binubuksan..

Tok! Tok! Tok!

Kakatok pa sana uli ako, kaso bumukas na yung pinto.. kakagising nya lang..

"Bakit---" natigilan sya sa sasabihin nya kasi tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa

"Alis ka? hanep...pormang porma ate.." sabi ni Mafe, napairap naman ako

"Akala ko ba aalis ka? pupunta kila Wong??" tanong ko

"Oo nga.." sabi nya, sabay tingin sa orasan.. "ate ang aga pa.. 8 am palang oh.. 10Am usapan namin.." sabi ni Mafe, "excited ka naman masyado.." sabi nya sabay naglakad papunta sa kama nya at nahiga.. sumunod naman ako sa kanya

Malay ko ba na 10AM pala ang usapan nila..

Nakihiga muna ako sa kama ni Mafe.. maya maya tumayo na sya para maligo.

Maya maya..

"Ate.. tara na.." nagulat ako ng bigla akong tapikin ni Mafe, nakaidlip pala ako..

Pagtayo ko, inayos ko yung damit ko.

Bago kamo dumeretso sa condo ni Wong, dinaanan muna namin si Eya at Belle..

"Mafe.. ang ganda pala ng ate mo eh.." sabi ni Eya, ngumiti naman ako

"Naku.. lalaki ulo nyan.." sabi ni Mafe, inirapan ko naman sya

"Uhm Ate Jema, kilala mo ba si Kuya Dean?" tanong ni Bellen

"O--"

Hindi na ako nakapag salita dahil sumabat si Mafe...

"Hay naku! manliligaw nya nga si Lodz.." sabi ni Mafe, napapreno naman ako sa sinabi nya..

Halatang nagulat din si Eya at Bellen..

Mabuti nalang at wala kaming kasunod na sasakyan..

"T-talaga? wow... hehehe bagay kayo.." sabi ni Eya.. pilit naman akong ngumiti..

Ang tanong itutuloy pa ba? mukhang hindi na kasi..

Nag patuloy na ako sa pag dadrive..

"alam mo ate Jema..akala ko kayo ni Kuya Elvis... nakit kasi namin kayo, magkasama.." sabi ni Bellen

"Actua---" hindi ko nanaman natuloy ang sasabihin ko kasi sumabat nanaman si Mafe

"Hay nako.. manliligaw nya din yon.." sabat ni mafe.. sinamaan ko naman sya ng tingin

Ang daldal...

"Hala...dalawa nanliligaw sayo Ate Jema? sino pipiliin mo sa dalawa?" tanong ni Bellen

Hindi ko na sila nasagot dahil nakarating na kami dito sa condo ni Wong..

Nag park muna ako ng car ko, pagkatapos sabay sabay kaming umakyat sa unit nya..

"Ate Jema.. buti alam mo tong lugar ni Kuya Dean ano?" sabi ni Bellen

"Ahh kasi sumama na ako dito sa kanya nung tinulungan ko syang gumawa ng project nya.." nakangiting sabi ko

"Ayyyiieeee... hehehehe alam mo talaga bagay talaga kayo eh.. kayo nalabg kaya?" biro ni Eya, napangiti lang ako, nang makarating kami sa tapat ng unit ni Wong, pinauna ko na sila, ako naman sumandal sa wall sa gilid..

Fall In Love With My EnemyWhere stories live. Discover now