Part 18

2.3K 67 2
                                    

Dean's POV

"Deans.." tawag sakin si Bei, naglalakad kami palabas ng gym, kakatapos lang kasi namin sa practice.

Lumingon ako sa kanya, kasama nya sila Jho at Jema at ibang teammates namin

"gusto mo sumama?" tanong nya

Malamang kasama nyan si Jema.. kaya wag muna.. iiwasan ko na sya..

Tumango naman si Bei..

"Ingat.." sabi nya

"kayo din.." seryosong sabi ko

Dahil wala naman akong gagawin ngayon, umuwi nalang ako.

Pag uwi ko sa bahay, agad akong dumeretso sa kwarto at nahiga... hanggang sa makatulog ako..

Nagising ako kinabukasan..

Ang haba pala ng tulog ko..

Sabado pala bukas, at meron kaming game, sana naman nasa condition na ako..

Tiningnan ko yung orasan ko, sobrang aga pa pala, 5 AM.

Bumaba muna ako, nakita ko naman si Manang, nag luluto ng breakfast namin.

🎶Bakit nga ba mahal kita
Kahit 'di pinapansin ang damdamin ko
'Di mo man ako mahal ito pa rin ako
Nagmamahal nang tapat sa 'yo

Bakit nga ba mahal kita
Kahit na may mahal ka mang iba
Ba't baliw na baliw ako sa 'yo
Hanggang kailan ako magtitiis
O bakit nga ba
Mahal kita🎶

Napangiwi naman ako sa pinapatugtog nya..

Ano ba yan oi...

Naalala ko tuloy si Jema.. napa kamot nalang ako sa ulo at pumunta sa ref para kumuha ng tubig...

"Oh! Dean Good morning.. bakit ang aga mo?" sabi ni Manang.. may edad na tong si Manang, pero kwela to..

"Good Morning po..." bati ko din sa kanya..

"Kakaen kana ba? umupo kana dyan at hahandaan kita ha.." sabi nya, tumango naman ako at umupo sa upuan..

Habang hinahanda nya yung pagkaen ko sinasabayan nya yung kanta..

"bakit nga ba mahal kita kahit na may mahal ka ng iba, bat baliw na baliw ako sayo hmmmm hmmm hmmmm mahal kita.. 🎶" pag sabay nya sa kanta, sabay tingin sakin, "ganda ng boses ko no? haha" pagmamalaki nya sakin, napangiwi uli ako sabay kamot sa sintido

"Oo nga po eh.. pati yung kanta ang ganda.. lasang hindi pinili eh.." sabi ko

"assus relate ka lang eh.. sorry na ha.. peborit ko yan eh" sabi nya sabay bigay ng pagkaen ko..

"sige lang po, kanta ka lang.." sabi ko, pagkatapos sumubo na ako

Nakipag kwentuhan lang ako kay Manang habang kumakaen.

Nang matapos akong kumaen, umakyat na uli ako para maligo at mag bihis.

Nang matapos ako, nag drive na ako papunta sa school..

Sobrang aga ko talaga, may practice kami ngayon, kaya papunta ako sa gym..

Pag dating ko doon, ako palang yung nandito,, nag bihis muna ako, pagkatapos nag warm up..

Pagkatapos ko mag warm up, nag shooting drill muna ako..

Nang mapagod ako, nagpahinga muna ako, umupo ako sa gilid at sumandal habang nakapikit, isinaksak ko din yung headset ko sa tenga ko..

Fall In Love With My EnemyWhere stories live. Discover now