Part 26

3K 65 6
                                    

Dean's POV

1 year na ang nakaka lipas, Engineer na ako. Si Jema naman, isa ng ganap na teacher. 1 year na din yung relasyon namin ni Jema at syempre strong parin at mas minahal ko pa sya ng sobra. Pinakilala na din nya ako sa mga magulang nya, ganon din naman ako, kaya legal na kami sa mga parents namin.

Yung kaibigan ko naman na si Bei at Tots, Engineer na din at may trabaho na din, pero syempre boss sila.

Ako? hindi related sa pagiging engineer ang trabaho ko, dahil ako ang pinahawak ni dad ng company namin.

Kung yung iba, sumasali sa PBA after ng UAAP, kami hindi, hindi na namin pinag patuloy yung basketball career namin.

Magkakasama naman sa iisang school sila Jema at yung mga kaibigan nya para mag turo..

"Ang tagal naman nila Bei, ang aga aga kong magising ngayon kasi ang usapan maaga.." reklamo ni Tots

12 AM na pala at nandito kami sa Starbucks, pupunta kasi kami sa Baguio ngayon para mag bakasyon ng 1 week.

Nndito na kaming lahat magkakaibigan maliban kay Jho at Bei.

"Nako.. baka may ginawa yung dalawang yun.." sabi ni Kim

"B, tawagan mo na kaya.." suggestion sakin ni Jema

"Ok" sabi ko, nang ida dial ko na sya, nakita ko silang bumaba ng taxi, "Oh.. ayan na pala sila.." sabi ko, nag sitayuan naman yung mga kaibigan namin

"Yun!" sabi ni Tots

Pagpasok nila dito sa Starbucks, nag salita si Pangs.

"ano bei, nakabuo ba? hahaha.." asar ni Pangs, inis naman syang tiningnan ni Bei

"Gago..! ang tagal lang kasi gumalaw ni Jho.." sabi ni Bei

"Guys, lets go na.." sabi ni Tots

"Wait lang, mag kakape lang kami.." sabi naman ni Bei

"Ok, nakapag kape na kami habang hinihintay kayo eh.." sabi ni Ced

"Take out nalang natin love.." sabi ni Jho kay Bei, tumango naman si Bei

Sasakyan nila Tots ang dala namin, at kasama namin yung driver nila, para habang nasa byahe, relax nalang kami.

Maya maya sumakay na kami sa sasakyan.

"Kyla, sa passenger seat kana.." sabi ni Mela

"Ano pa nga ba? eh ako lang naman yung walang partner dito.." sabi ni Kyla, nag tawanan naman kami

"hayaan mo Kyla, hahanapan ka namin sa Baguio.. haha" sabi naman ni Mich

Habang nasa byahe kami, asaran lang kami ng asaran, hanggang sa mapagod kaya nag situlog nalang muna kami.

Halos 7 hours ang biniyahe namin dahil medyo traffic.

"Hoy.. magkaka room kaming mga girls ha.. kayo namang mga boys.." sigaw ni Kyla

"hala.. bakit?? edi hindi ko makakasama si Ced.." sabi ni Tots

"ohh bakit? angal? mamaya magkaroon ako ng mga inaanak ng wala sa oras no.." irap ni Kyla

"Bitter talaga to si Kyla, dapat iniwan na natin to sa daan eh..." sabi naman ni kim, nagtawanan naman kami, inirapan lang sila ni Kyla

"hoy.. wag nga kayong ganyan sa beshie ko.. pag yan nakahanap ng boyfriend dito..." sabi ni Jema

"oo, at who you kayo sakin...." sabi ni Kyla

"Nako, walang magkakamali.." parinig ni Pangs

"Tama na yan.. tara na check in na tayo.." saway ni Bei

Fall In Love With My EnemyWhere stories live. Discover now