Dean's POV
Habang busy ako sa pag gawa ng project, napatingin ako kay Jema, napangiti naman ako..
hahahaha nakatulog sya...
Pinag masdan ko lang sya habang natutulog sya..
Yung mata nya, yung labi nya, yung pisngi, perfect... ang swerte ni Elvis kung sakaling maging sila...
Kinuha ko yung phone ko sa bulsa ko at pinicturan sya, nang tingnan ko yung picture napangiti naman ako..
Nagpangalumbaba ako habang nakatingin sa kanya...
Siguro kung hindi ko sya nakilala, siguro malungkot parin ako ngayon...
Napangiti ako dahil naalala ko nanaman yung nangyari kanina nung nilagyan ko sya ng lipstick sa mukha, at nung hinabol nya ako para lagyan din yung mukha ko...
Wong, baka ma fall ka...
Napakagat naman ako sa labi ko, sabay tingin sa orasan, 8:30 na pala ng gabi, mahatid na nga ito sa kanila...
"Jema..." tawag ko sa kanya habang tinatapik yung balikat nya, nagising naman sya
"bakit??" kunot noong tanong nya
"Goodnight..." sabi ko
"Goodnight..." baby talk na sabi nya, natawa naman ako kasi nag goodnight talaga sya,, hindi nya ba alam na uuwi pa sya??
Ang cute lang... hahahah
Napatingin uli sya sakin,,,
"Anong goodnight? uuwi na ako...!" sabi nya sabay hampas sa balikat ko kaya natawa na ako ng tuluyan
"hahahahahahah goodnight pa nga! hahaha may laway ka sa bibig mo" asar ko sa kanya habang nakaturo sa bibig nya, kunot noo nya namang pinunasan yon
"wala naman eh... " sabi nya, kaya ang ending tawa ako ng tawa.. inis nya naman akong tiningnan, "Ihatid mo na nga ako.." sabi nya
Maya maya nag ayos na sya para umuwi
Habang nasa byahe kami, naalala kong mag pasalamat sa kanya kasi tinulungan nya ako sa project ko..
"Jema, thank you sa pag tulong sakin ngayon ha.. I appreciate it..." sabi ko habang nakangiti
"anong thank you? may bayad kaya yun,," sabi nya, natawa naman ako
"ohhh magkano? hahaha" tanong ko
"anong mag kano? sabihin mo ano..." sabi nya, napatingin naman ako sa kanya
"ohh edi ano?" tanong ko, natawa naman sya
"susundin mo ba?" tanong nya habang naka cross arm
"oo naman... basta kaya ko ha..!" sabi ko
"ok, next time nalang.." sabi nya, napanguso naman ako
"ok, sige, paalala mo sakin hahaha" natatawang sabi ko
Maya maya nakarating na kami sa tapat ng bahay nila.
"Bye... see you tomorrow..." sabi ko
"see you... Friday na bukas haha one week nalang kitang pag sisilbihan.. sa wakas!" sabi nya sabay sarado ng pinto ng sasakyan ko
Napakamot naman ako sa noo ko, sabay buntong hininga
Oo nga pala... one week nalang..
Nang makauwi ako sa condo ko, ginawa ko na yung night routine ko, pagkatapos bago ako humiga inayos ko na yung mga dadalhin ko bukas. Pagkatapos natulog na ako..
BINABASA MO ANG
Fall In Love With My Enemy
FanfictionBasahin nyo nalang po. :) boy uli si Deanna dito..enjoy