Kabanata 03

229 29 1
                                    

Tyler POV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tyler POV

Hi, This is Tyler Mikael Rodriguez, 25 years old. Single and available! Joke lang syempre! Mapapatay ako ng boyfriend ko if malalaman nya na sinabi ko ito. Yes, I have a boyfriend already! I'm not gay, kahit na yun ang tingin ng iba dahil lalaki ang karelasyon ko, yun din ang akala ko nung una na pag nakipagrelasyon ka sa kapwa mo lalaki is Gay ka na! It's not like that anymore because I realize, Love isn't about the gender or how you see the person physically! It's how you feel about that person when you are with him. Hindi batayan ang kasarian ng tao para masabi mo na pwede kayo or hindi.

I never felt anything with other people, unlike to what I feel when I'm with Sam. Ibang iba! I feel like, kulang ang buong araw ko pag wala sya sa tabi ko. Sasabog naman sa sobrang saya yung puso ko pag kasama ko sya. He completes me inside and out.


I admit na marami talaga kaming pagkakaiba sa isa't isa. Sam and I are a total opposite to each other. Magkaiba kami ng gusto at paniniwala sa buhay. Marami nga ang nagsasabi paano daw namin natitiis ang isa't isa! Para kaming dalawang bato na laging naguumpugan.


Sam is very organize pero ako naman si bahala na person. He always make sure na everything is according to plan or lahat ng bagay ay may plano or else hindi nya gagawin yun. He doesn't like surprises unless if I did it for him. Medyo nasanay na sya, kasi ako? Mahilig talaga ako sa surprises! Mas masurprise ako, mas gusto ko! Ayoko din yung plano ng plano kasi alam ko naman na hindi matutuloy if plinaplano.


I hate being manipulated or yung inuutos-utusan. Yes, pumapayag ako sa paminsan minsan ni Sam pero madalas nagaaway talaga kami sa ugali nyang yan. He is very bossy kasi which I find it sexy at first pero minsan umaabuso na eh. Hindi ako pala utos na tao kasi naniniwala ako  na if kaya mo naman gawin. Why ask somebody else to do it for you? Pero sa maraming bagay like sa decision making bilang lalaki, gusto ko ako ang nasusunod. Para sakin kasi yun ang tama.


Sa relasyon kasi namin ni Sam, ako ang lumalabas na lalaki samin dalawa. Bukod sa napakaganda nyang features kahit na lalaki sya. Galaw babae talaga sya, kahit sa ugali. Napapansin ko medyo nagiging nagger din sya these past few days!

I tried to be understanding naman kahit konti pero madalas talaga napupuno ako sa ugali nya. Mahal na mahal ko si Sam and I don't think I can love somebody else besides him. Ngayon lang ako nagmagal ng ganito lalo na't sa totoo lang. Ayoko talaga nito!


Ayaw ko sa commitment! Masyado kasing hassle for me. Para sakin, pag nagcommit kana sa isang tao, nababawasan na yung oras mo sa sarili mo. Syempre kailangan mo nang iconsider yung karelasyon mo sa lahat ng magiging desisyon mo which is I hate it! I hate being mandated at yung napipigilan sa lahat ng gusto ko.


Sabi ni Sam, ganito daw ang ugali ko kasi ganito ako pinalaki ng parents ko.

Wait? Kasalanan ko ba kung lumaki akong nagiisang anak? Kasalanan ko ba na nasanay ako na nakukuha ko lahat ng gusto ko without making much fuzz about it. Basta ginusto ni Tyler, makukuha ni Tyler. Ganoon ako lumaki, na pinipilit naman baguhin ni Sam!


PRIDE OVER YOU ♡TagLish Ver. Completed♡Where stories live. Discover now