Kabanata 30

191 24 9
                                    

AUTHOR POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


AUTHOR POV

Cris: Alam mo pare! Tamang tama sayo yung isang kantang narinig ko sa radyo!

Tyler: Huh? Anong pinagsasabi mo jan?

Cris: Wah! Totoo kaya! Wait ito yung kanta oh! Ehem!  Ehem! (Aaktong aayusin ang boses bago simulan ang kanya nya)

(Please listen to the chorus to the song Paligaw ligaw tingin)

Cris: Nandiyan ka na naman pasulyap-sulyap sa kin. Lagi-lagi na lang paligaw-ligaw tingin
Ba't di mo subukang aminin. Di mo alam ako'y may pagtingin din. Tigilan nang patago tago mo ng lihim. Dahil ang puso ko'y sadyang naghahanap din.  Nang tunay na pag-ibig na tangi kong amahalin.

Nagpapatuloy lang si Cris sa pagkanta pero naputol ito kasi hinahisan sya ng kung ano ng kaibigan para patigilin. Natawanalang tulog sya!

Tyler: Siraulo! Paligaw ligaw tingin ka jan! Ewan ko sayo!  Ang dami mong alam na walang katuturan.

Cris: Ay sus! Kunwari ka pa! Ako pa ba pre ang lolokohin mo eh halatang halata ka namang nung party ng kaibigan natin! Lagi kang sumisimple ng tingin kay Sam. Para kang bata na silip ng silip sa crush mo tapos nung makita mo na sobrang sweet nilang mag shota ayun sumabog ka!  Wait ano nga ba yung mga sinabi mo? Tingnan nga natin kung maalala ko! Ahem ahem! Masarap mag mahal pre pero siguraduhin mo na nasa tamang tao ka magmamahal kasi pre! P*ta napakasakit masaktan at maiwan! (Aaktong nanasaktan) Yung tipong handa ka naman mahalin sya ng buong buo kahit na hindi kayo madalas magkaintidihan. Handa kang tanggapin ang lahat lahat ng tungkol sa kanya! Maganda man o pangit dahil nga mahal mo sya! Pero dahil lang sa isang bahay na hindi mo naibigay o hindi nya nagustuhan sayo ay iiwan ka na nya! Ang galing pre diba? Yung gusto nya sya nalang lagi ang nasusunod sa relasyon nyong dalawa.

Gayang gaya ni Cris yung boses ni Tyler habang sinasabi ito.

Cris: Ay nako pre! Halatang halata ka! Apektado ka parin kay Sam ano! Wag mong ideny sakin yan! Kilala kita!

Tyler: Siraulo! Hindi kaya! Hindi ko sya tinitingnan! Bakit ko naman sya titingnan? Sino ba sya sa akala nya? Apektado? Hindi na uy! Galit Oo! Sa lahat ng ginawa nya sakin, anong akala nya ganoon kadali akong makakalimot! Yun ang akala nya!

Cris: Dahil mahal mo? Ganun!

Tyler: Mahal? (Sarcastically laugh) Mahal? Talaga? Baliw ka ba? Yun? Mahal ko! Hindi noh!

Cris: Oh bakit ganoon ka nalang magsalita sa kanya! Halatang halata sa boses at sa mga salita mo na nasasaktan ka parin sa mga nagyari sa inyo. Mahal mo pa nga siguro si Sam!

Tyler: Anong mahal? At ikaw pa talaga ang nagsabi nyan sakin ah! Akala ko ba ayaw mo na kaming magkabalikan ni Sam!

Cris: Ayaw ko nga kasi kami na ng mga taong nasa paligid nyo na nakikita kung paano kayo halos araw araw na magrambulan ni Sam ang nagsasawa sa sitwasyon nyo.Pero kung gusto mo, edi why not! Syempre ang masusunod parin ay kung ano ang itinitibok ng puso mo! Wala naman kaming magagawa bilang kaibigan mo kung hindi ang suportahan nalang kayo! So, mahal po ba talaga si Ex?

PRIDE OVER YOU ♡TagLish Ver. Completed♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon