Kabanata 04

248 30 0
                                    

Tyler POV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tyler POV

Time check: 11 am

Kakadating ko lang dito sa condo unit namin. Inumaga na ko kasi hindi na ako pinayagan nila Cris na magmaneho. Madaling araw na kasi nung matapos kami kaya nagdecide nalang na magstay sa isang overnight motel malapit sa bar kung saan kami nag-inuman. Lahat kasi kami mga bangag na dahil sa lakas at dami ng alak na pinagiinom namin.



Wala na syempre yung mga babaeng kasama namin. Gusto pa nilang isama pero hindi ako pumayag. Ayoko! Halata naman kasi na iba na yung balak ng mga babaeng yun samin, ewan ko ba kung saan nila mga napulot yung mga yun.



Yung isa, pasalamat sya nakakapagpigil ako pero iba yung mga kapit at hawak sakin kahit na kasama nya yung isa kong kaibigan na Zayn. Aba, ano sya? Gusto pa ata nya kami pagsabayin! Buti nalang nakinig sakin yung mga kabigan ko. Dinahilan ko nalang na masyado na kaming mga lasing at kung may mangyayari sa kanila ng mga babae nila. Sigurong mahihirapan na silang magpigil at baka makabuntis pa sila.


Mahirap na kaya yun! Ayaw nga nila ng responsibility ng isang relasyon tapos magaanak sila? Ayun mga nakinig sakin nung sinabi ko yung salitang, Accidentally Pregnancy! Pumayag din ang mga loko.



Nagising akong mga 8 na buti nalang medyo maayos na mga kaibigan ko kaya naihatid nila ako dito. Naiwan ko kasi yung kotse ko dito sa condo sa pagmamadali, nasa kwarto pa yung susi ko kagabi kaya hindi ko talaga madadala. Tumakas lang ako para makaalis!

Inihatid nila ako, pero dumaan muna kami sa dangwa para makabili ako ng isang bouquet para kay Sam. Alam ko kasi inis sya sakin kasi hindi ako nagpasabi sa kanya. Babawi lang ako!


Kahit papaano, alam ko parin naman kung paano manuyo ng boyfriend kahit paminsan minsan. Nakakainis lang kasi alam ko naman na ako yung tama pero bakit ako yung kailangan sumuyo. Pero dahil mahal ko si Sam, gagawin ko ito.


Pucha, hindi pala ako nakaisa kahapon kay Sam! Kung alam ko lang kasi magaaway kami edi sana umisa na ako Umaga palang.


Alam nyo, isa yan sa nagugulat ako sa sarili ko. I never thought na magugustuhan ko yung sex experience ko sa kapwa ko lalaki. I'm always with woman! High school palang ako may experience na ako, pero lahat ng yun ay puro babae ang kasama ko. Hindi ko akalain na darating ako sa puntong maaadik ako sa kapwa ko lalaki.


Kay Sam lang ako nagkaganito! Kahit na paulit ulit naming ginagawa yun, I feel like I can't get enough of him. Palaging ko syang gusto maawakan at madama! Ewan ko ba kung anong ginawa sakin ni Sam at nagkaganito ako sa kanya. Never naman akong ganito sa mga babaeng nakasama ko dati. Once or twice makasama ko ang babae then done na. Ayun lang  sawa na ako sa kanila.


Iba si Sam! Ibang iba!

Pagdating ko condo unit namin ni Sam, agad agad akong dumiretso sa kwarto namin kasi I expected na hindi pa sya gising. Mamaya pa kasing 12 ang duty nya. Mid shift sya, habang ako naman morning pero nagsabi nalang ako na may emegergency ako kaya tanghali nalang din ako papasok. Buti nalang naniwala sila sa office sakin.


PRIDE OVER YOU ♡TagLish Ver. Completed♡Where stories live. Discover now