CHAPTER 2

5.8K 153 14
                                    

CHAPTER 2

Amirah



"H-hoy okay na! Tama na kinakapos na ako ng hangin!" Hingal kong sabi dahil hinihila parin ako ni Jen kung saan. Hindi kami dumeretso sa comfort room dahil palusot lang naman namin na natatae ako kuno. Pero teka bakit natatae yung sinabi ni Jen?! Aish!

Parehas kaming naghahabol nang hininga bago mapaupo sa damuhan. Nandito kami ngayon sa mini park nitong school. Dito na namin nakasanayang tumambay dahil nakaka-relax talaga ang ambiance dito. Kada punong nakahilera may bench at nasa gitna naman itong fountain na minsan ay ginagawang wishing fountain ng mga students. Lalo na kapag exam day.

"Huh... H-huh..." Binitawan niya ang kamay ko tsaka ako takang tinignan. "Anong meron? Bakit iniwasan mo asawa mo? Dahil ba sa pagpapahiya niya kanina sayo? Nasanay na kasi akong kinikilig ka kapag pinatawag ka niya sa office psh." Hingal parin na tanong ni Jen pero imbis na sagutin agad ay kaagad kong tinakpan ng kamay ko ang bibig niya.

Anak ng tinola naman! ipapahamak pa ako nito eh! Marami kayang studyante dito. >.<

"Tsk! Ano ka ba wag ka ngang maingay. Ang lakas pa ng boses mo." Mahinang singhal ko para mapatingin siya sa paligid. Pati tuloy ako ay lihim na nilibot ang paligid at nakahinga naman ako ng maluwag dahil walang malapit sa amin na pwedeng makarinig sa pinag-uusapan namin.

"Ang OA mo. Ang layo nila sa atin oh." Sabay nguso niya sa mga grupo ng students ilang dipa ang layo sa amin. Medyo maaga pa kaya hindi ganun karami ang tao dito ngayon, kadalasan kasi ay dinadayo talaga ang lugar na 'to dahil presko at masarap ngang tambayan. Matatanggal talaga stress mo sa pag-aaral.

"Psh, kahit na 'no. Mas mabuti nang aware at maingat. Alam mo naman yung mga tao dito, ma-issue." Nakanguso kong sabi.

"Bakit ba kasi ayaw niyo pang ipaalam? Ano namang masama kung mag-asawa kayo?" Mahinang wika niya. Nagbaba naman ako ng tingin at bumunot bunot ng damo. Kung pwede lang eh bakit hindi ko pa ginawa.

"A-ayaw niya munang ipaalam... Di ba kasi bawal magkaroon ng relasyon ang teacher at student? Eh lecturer pa naman natin siya sa physics, ayoko namang matanggalan siya ng trabaho dahil 'dun. Paano na yung future namin? Yung magiging anak namin---"

"Oo na jusko. Ayan na naman tayo sa pangarap mo. Advance ka mag-isip 'no? Eh kung itrato ka nga 'nun parang isang bagay na walang ka-kwenta kwenta." Sabat niya pagkatapos akong hampasin sa braso. Natigilan ako sa sinabi niya at nawala ang pagkanguso.

May point siya. Alam ko naman na ayaw sa akin ng asawa ko pero wag naman sanang ipamukha niya pa. Pati tuloy yung mga nakapaligid at nakakakilala sa amin ay alam kung paano niya ako tratuhin. Ganun niya ba ako hindi kagusto?

"Hoy joke lang. Natahimik ka? Binibiro lang kita tangek." Siniko pa ako ni Jen dahilan para mabalik ako sa ulirat. Lumilipad na naman ang isip ko hays. "Pero minsan talaga ang sarap kaltukan sa ngala-ngala yang asawa mo eh, parang baligtad ang utak dahil napaka-manhid na tao tss."

"Grabe ka naman, hindi lang talaga siya showy sa public... Sweet kaya siya sa bahay!" Depensa ko pero inismiran niya lang ako. (╥﹏╥)

Ang totoo kahit sa bahay napaka-cold niya. Para ngang mag-isa lang akong nakatira 'dun. Lagi siyang naka-kulong sa study room o kaya sa kwarto niya. Pero lagi ko siyang kinukulet. Lagi ko siyang ginugulo na minsan pa nga ay isang linggo siyang hindi umuwi dahil hindi na niya ako ma-take. Clingy ako sa kanya in private pero sa public kagaya dito sa school, todong pagpipigil ang ginagawa ko. Kahit ang sarap amuyin ng kili-kili niya hindi ko nalang tinitignan dahil baka kung anong epic na scene ang magawa ko. Mabuko pa kami.


HELLO! PROFESSOR [EDITING] [COMPLETED]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon