CHAPTER 12

3.9K 122 18
                                    

CHAPTER 12

Amirah




Isa-isa kaming nakatayo ngayon sa tapat ng selda. Hindi ko nga alam kung bakit may ganito pang palabas. Feeling ko nga nasa isang shooting kami ng pelikula tapos pina-prank nila kami. Bahagya kong nginitian si Kulture bago igala ang paningin. Yung ibang mga babae kasing edad ko lang. Mga nakatulala at yung iba naman ay nasisi-iyakan. Karamihan sa kanila ay puro sugat o di kaya ay mga pasa. Ang lalalim ng mga mata para na silang mga bangkay.


Ano bang klaseng lugar 'to? Anong ginagawa nila? Plain lang ang itsura dito pero ang creepy ng ambiance. Lalo na yung mga lalaking nagbabantay sa amin mukha silang may gagawin sayo. Ang haggard din nilang tignan at mukhang mga naka-drugs.


"Ladies..."


Kinilabutan ako dahil sa boses na nangibabaw. Buo at ang laki. Isang matandang lalaki ang pumasok galing sa dinaanan namin kanina. Mataba at may subo-subong tobacco sa bibig. Nakasunod rin sa kanya yung apat na lalaking kumuha sa akin kanina. Mukha siyang leader ng mga gang dahil narin sa tadtad ng tattoo at hikaw sa katawan. Mas mukha naman siyang mabango kaysa sa mga tauhan niya. Kung manamit ay parang may dadaluhan na binyag.


"HA! HA! HA! HA! HA! HA!" Tawa pa niya bago lapitan yung isang babae at hinaplos ang pisngi. Parang wala lang 'yun sa babae dahil nakatulala lang siya. "Get ready by 11 pm girls... Make sure you are all beautiful at that time. May bisita tayo, ayokong mapahiya. May mga bago narin kayong damit. Regalo ko sa inyo dahil binigyan niyo ako ng malaking pero this week... Very good." Tsaka siya ngumiti at nagpatuloy maglakad hanggang dito sa dulo.


Napalunok ako at kinabahan na naman. May kakaibang vibe 'yang matandang bonjing na 'yan. May aura siyang nagsasabing isang delikadong tao siya. Ngayon ko lang napansin nung natitigan ko siya ng malapitan.


"Kulture... Iha..." Malambing na dagdag pa niya. Yumuko siya habang tinititigan ang bata. Animong sinusuri ang bawat parte ng katawan nito. "Hindi ko alam kung maaawa o matatawa ako sa kalagayan ng tatay mo ngayon dahil nasa akin ka. Sinabi ko naman kasi kung ano ang kapalit kung hindi niya babayaran ng buo ang utang niya. Ang tigas naman kasi ng ulo yan tuloy HA! HA! HA!" Napapailing na sabi ni bonjing sabay haplos sa ulo ng bata.


Halatang takot na takot si Kulture dahil nanginginig siya. Medyo napa-atras nga siya nung haplosin siya nung matanda.


"Kaunting panahon nalang at mapapakinabangan na kita. I'm sure lalaki kang maganda... Mas maganda mas maraming pera. So don't disappoint me kid, okay?" Dugtong nito bago umayos ng tayo. Dahan-dahan siyang lumingon sa akin at mas lalong lumawak ang ngiti niya nung makita ako. Wahh!


B-bakit ganyan siya makangiti?

Nakakatakot siya! Para akong mahihimatay dahil sa pagkakatingin niya!

"Gorgeous lady... Gorgeous..." Ewan ko pero parang may kinang sa mata niya nung sinabi niya 'yun habang nakatitig sa akin. "Sa akin ang drinks niyo boys. Napamangha niyo ako ngayon sa trabaho niyo." Kausap niya sa mga tauhan niya na mukhang naging masaya dahil sa narinig.


Ang creepy niya!


"Ayos ba boss? Hahaha!" Tawang sabi nung isang kasamahan ni kuyang may tattoo na hito sa leeg. Kinindatan pa ako dahilan para mapangiwi ako. Sunod-sunod namang napatango yung matanda at bahagya akong nilapitan. Napaurong naman ako. Bakit lumalapit siya! Ang baho ng sigarilyo sa bibig niyang puro ginto ang ngipin!


"I want her... Dalhin niyo siya mamaya---nah. Ako nalang pala ang pupunta dito mamaya." Nakakaloko niyang sabi at hindi maalis ang mata sa mukha ko. Ano ang ibig niyang sabihin dun?


Nagsitayuan tuloy ang mga balahibo ko sa katawan. Ano ang balak niya sa akin? Lumunok ako ng todo-todo at pinagpapawisan narin ang mga palad.
Pyrhoss... Nasan ka na ba? May balak ka pa bang puntahan ako dito? O baka naman inaakala ko lang na sasagupin mo ako? Masaya ka na ba ngayon dahil kasama mo na ang babae mo? Si Hilarieparot?


Mas ikinasaya mo ba na wala ako?


Masaya ka na ba ngayon dahil wala ng mangungulit sayo at sakit sa ulo?

Masaya ka na ba ngayon dahil wala na yung nakakasawang presensya ko?


Bigla ay nakaramdam ako ng lungkot dahil sa naisip. What if ganun talaga ang gusto niya? Kaya ba mas inuna niya yung Hilarieparot na yun dahil may namamagitan na sa kanila?
Kaya ba hanggang ngayon wala siya dahil masaya na siya sa feeling ng iba? Wala talaga siyang pakialam?


Palihim kong pinunasan ang luhang pumatak na naman. May kirot sa puso ko dahil sa iisiping iyon. Parang libo-libong punyal ang tinusok dito.


"Okay boys, i-prepare niyo na ang lahat. Kapag may nagustuhan dito si Mr. Gresson, may bonus kayo sa akin." Hahawakan sana ako nung matanda sa kamay pero iniiwas ko ang katawan. "Ha! Ha! Ha! Playing hard to get huh? I like that. Hintayin mo ako mamaya at paliligayahin kita." Tsaka niya binasa ng dila ang labi at tinalikuran. Hindi ko na ma-explain ang kaba ko ngayon. Nahihilo ako dahil sa lakas ng pintig ng puso ko.


Mabilis namang nagsinuran yung apat na lalaki pero bago sila tuluyang maka-alis, pinapasok na kami sa sari-sariling kulungan. Dito lang ako natauhan. Ang akala kong hindi ako matatakot at magiging matatag ay biglang naglaho dahilan para mapasalampak ako sa lapag. Tulala ako habang walang tigil ang pagbagsak ng luha. Hindi ko alam kung saan ako naiiyak. Dahil ba sa sitwasyon ko ngayon o ang pambabalewala ni Pyrhoss. O baka hindi na kinaya ng puso at isip ko dahil parehas?


Narinig ko ang dahan-dahang pagsara ng pinto kaya napatingin muli ako sa labas. "Kulture! Halika!" Mahinang tawag ko at nagmadaling lumabas. Nung makitang nakatalikod yung isa sa mga lalaki na nagbabatantay, hinila ko si Kulture papunta sa akin bago pa kusang sumara ang pinto ng selda.


Automatic na nagbubukas at nagsasara ang mga pinto nitong selda. Tutunog ito kapag may papasok o lalabas. Nalaman ko lang kanina nung naglabas-pasok kami.


"A-ate..." Sabay yakap niya sa akin. Niyakap ko naman siya pabalik nung nasa loob na kami ng selda ko.


"Shh... Tahan ka na... Si ate ang bahala sayo. Hindi ka nila masasaktan kapag nasa tabi mo ako okay?" Pagpapalakas ko ng loob sa kanya. Bilang nakakatanda ngayon dito, feeling ko responsibilidad kong ipagtanggol siya.


Kahit na kanina ko lang siya nakilala at nakita, may kung ano sa kanya na nagpapagaan ng loob ko. Para kasing siya yung kaibigan ko dati. Yung kababata ko na ngayon ay nasa heaven na. Hindi ko alam pero nakikita ko si Nicka kay Kulture nung mga bata pa kami.


Sa probinsya kami dati nakatira. Lumipat lang kami sa manila nung 7 years old ako dahil natanggap si Dad sa malaking kompanya. Lagi akong tinutukso noon sa amin dahil makapal ang kilay ko. Makapal din ang buhok at kulot. Bungi ang ngipin sa harapan kaya maraming nang-aasar. Parang si betty lapeya. Pero may isang batang nakipag-kaibigan sa akin. Pinagtanggol ako sa mga nambu-bully. Si Nicka.


Pero dahil dinapuan siya ng sakit na nakakamatay, ilang taon palang ang pagkakaibigan namin binawian na agad siya ng buhay. Sobra ang naging lungkot ko 'nun dahil yung kaisa-isa kong kaibigan, nawala pa. Kaya ngayon, kahit wala na siya gusto kong ipakita na kaya ko rin siyang ipagtanggol. Na kung buhay siya at nasa panganib, handa kong i-risk ang buhay ko para sa kanya.


"Don't worry... Ilalabas ka ni ate dito okay?" Malungkot kong saad bago higpitan ang pagkakayakap kay Kulture. Huminga ako ng malalim bago napagdesisyunang mahiga sa kama at bantayan siya hanggang sa makatulog. Grabe ang pagod at antok ko ngayon pero dahil sa kalagayan namin ngayon, hindi ko alam kung makakapikit pa ako kahit isang minuto lang. Yung kaninang gutom ko nawala. Uhaw ako pero natatakot na baka may kung ano silang hinalo kaya titiisin ko nalang.



Talaga bang dito na ang bagsak ko? Mapait akong napangiti at nagpunas ng luhang pumapatak na naman.

HELLO! PROFESSOR [EDITING] [COMPLETED]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon