CHAPTER 4

4.6K 130 26
                                    

CHAPTER 4

Amirah




Lumipas ang minuto at oras, dismissal na. Busy ang mga classmates ko sa pag-aayos ng mga gamit nila habang ako ni magawang hawakan ang ballpen sa harap ko hindi ko magawa. Ayokong umuwi. Ayokong makatanggap na naman ng singhal o masasakit na salita mula sa asawa kong pinagsakluban ng langit at lupa lagi. Kahit ganito akong loko-loko tumutupi talaga ako minsan kapag galit na siya.

(〒﹏〒)

Pwede bang dito nalang ako matulog kahit ngayong gabi lang? Tingin ko kasi parurusahan ako nung isang 'yun this time. "Bes, hindi gagalaw yang gamit mo para sayo. Walang mga paa 'yan para iligpit nila ang sarili nila." Rinig kong sabi ni Jen sa tabi ko. "Naloloka ako sayo. Masyado kang lutang alam mo ba yun? Kanina sa nagdaang klase nilipad ata utak mo kaya panay ang kalabit ko sayo. Napapansin karin ng mga professor tsk."


Malamya ko naman siyang tinignan at hindi pinansin yung mga sinabi niya. "Pwede bang samahan mo muna ako? Ayoko pang umuwi." Tsaka ko dinukdok ang noo sa desk.


"6 pm na girl saan pa tayo pupunta? Umuwi ka na at baka hanapin ka lang ng asawa mo kung balak mo pang maglakwatsa. Kung aayain naman kitang mag-bar tiyak na tatanggihan mo rin naman. Magsasayang lang ako ng laway sayo." Mahinang aniya. Nakanguso kong binalik ang tingin sa kanya.


"Yun nga ang iniiwasan ko Jen huhu. Ayoko munang umuwi dahil alam kong gising siya at yung ugali 'nun, parang nanay kung bungangaan ako." Mas lalong humaba ang nguso ko sa mga sinabi ko. "Argh! Bakit kasi anong kabobohan ang ginawa ko kanina!"


"Tss, saan ba? Yung pagsali mo ng contest? O yung sa hindi mo pagbigay ng cupcake? Parang bata amputa. Malaking problema ba 'yun? Ganito nalang..." Muli siyang naupo sa tabi ko at pinakatitigan ako. "Kapag tinanong ka niya tungkol sa mga yan, dedmahin mo nalang. Ganun kadali, wag ka kasing magpakita na takot ka! Ambobo mo naman kasi. Dapat minsan magtaray ka para hindi ka niya kinakayankayanan! Alam mo bang binubully ka nun? Kanina nung time ng klase niya di ba nagtanong siya sayo? Alam mo bang hindi niya pa dini-discuss yun?"


"Ano!?" Gulat kong tanong. May pagtayo pa sa upuan. Wahh huhuhu tapos sinabihan niya ako kung decoration lang ba ang utak ko sa ulo ko!? Eh hindi pa pala niya naituturo 'yun!?

"Yup. Kaya simula ngayon, mag-advance reading ka na para kapag may tanong siya sayo na hindi pa tinururo, may sagot ka."


Ang bully talaga (╥﹏╥)



Mabilis kong nilagay ang gamit ko sa loob ng bag bago tumayo. "Ang sama talaga ng ugali niya." Nakanguso kong sabi bago nagpaunang maglakad palabas. Sumunod naman kaagad si Jen sa akin sabay angkla ng kamay sa braso ko.



"Pfft... Lagi ka kasing late. Ano bang ginagawa mo tuwing gabi at parang puyat na puyat ka---OMG. Don't tell me pinapagod ka niya gabi-gabi!?" Ang laki pa ng mata niya nung sinabi niya 'yun.



Huh?



Ako pinapagod? Saan naman? Eh napaka-tamad ngang lumabas nun sa kwarto. Bihira niya akong utusan pero kailangan laging nasusunod ang gusto niya.



"Pinapagod ba saan? Eh lagi lang naman kaming nasa kwarto---"



"Oh my fr*aking god! Edi totoo nga!? Jusmiyo girl! Sagana sa dilig yang petchay mo!?"



Ano bang pinagsasabi nito? Malamang nasa kwarto kami kapag gabi. Nandun kaya yung kama para tulugan. And for your information, magkahiwalay kami ng kwarto. Ayaw kasi ni Pyrhoss na magsama kami sa iisang kwarto dahil ayaw niya sa amoy na pambabae. Hindi ko pa nga napapasok kwarto nun eh. Kahit masilip man lang, hindi ko magawa. Tsaka anong petchay ang sinasabi nito? Wala akong matandaan na nagtanim kami ni Pyrhoss.



HELLO! PROFESSOR [EDITING] [COMPLETED]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon