CHAPTER 6

4.3K 136 16
                                    

CHAPTER 6

Amirah




"Mags-stay dito for two weeks ang family ko. Ayokong makahalata sila." Naibaba ko ang hawak na spoon at saglit na natigilan. Akala ko dahil gumagawa siya ng way para magkalapit kami o di kaya pansinin ko na siya. Hindi pala. Ewan ko ba kung panghihinayang itong nararamdaman ko.


Pero ang family niya? Kyaah! Bakit naman kaya?

"Yieee kailan naman? Nami-miss ko narin si mommy eh. Marami akong gustong ipaturo sa kanya lalo na yung mga favorite dish mo. Gusto ko ring matutong magtahi, tamang pag-aalaga ng halaman, magtahi, at yung mga gawain ng isang perfect wife." Sasabihin ko dapat yan pero dahil isa akong ganap na pipi ngayon, sa isip ko lang yan sinabi.


Palihim ko siyang tinignan. Busy na siya ngayon sa paghihiwalay ng laman sa buto. Titikman niya kaya? Kakainin niya? Hinintay ko talagang isubo niya yung hawak niya pero nakahalata na yata siya na nakatitig ako kaya napatingin siya sa akin. Nilihis ko naman agad yung mata ko at nagkunwaring busy sa kinakain.


"Stop staring at me and can you please shut your mouth? I can't eat if I see your drool dripping." Biglang sabi niya kaya naitikom ko yung bibig kong nakanganga pala. Bakit ako nakanganga?

Bahagya nalang akong napanguso at tinuon nalang ang paningin sa kinakain. Pero sumusulyap parin ako. Isubo mo na kasi. Bakit tinititigan mo pa? Hinihintay ko nga kung ano ang masasabi mo sa pagkakaluto ko ng bulalo. Hindi ko napigilang mapatitig muli nung unti-unti na niyang isubo yung kanin na may ulam. Napalunok pa ako nung nguyain niya na. Huling kain niya kasi ng niluto ko, last month pa kaya kinakabahan ako. Ayokong maging palpak pagdating sa kanya. T_T


M-masarap kaya?


Huhu. Bakit wala parin siyang reaction? Maalat ba o matabang? Wahh! Kinakabahan ako eh!
(;ŏ﹏ŏ)


Napahigpit ang pagkakahawak ko sa kutsara nung mariin siyang pumikit at naibaba ang hawak na spoon. Hinihintay ko ang magiging reaction ng mukha niya. Dahan-dahan siyang ngumuya habang unti-unting lumalabas ang pagkakunot ng noo niya.


"G-gusto mo bang magka-diabetes ako?" Inis na tanong niya at nagmadaling nagsalin ng tubig sa baso bago tinungga iyon. Napalunok ako sabay sulyap sa ulam.


H-huh? Diabetes daw?


Agad naman akong napatingin sa mangkok na may bulalo at kumuha para tikman. Dinamihan ko pa kaya nung nasubo ko na at natikman, diretso lunok agad.


*Cough! cough!


Wahh!! Bakit sobrang tamis!?


"A-ah!" Napa-ubo pa ako dahil sa pagkakasamid. Mabilis rin akong nagsalin ng tubig sa baso at ininom 'yun. Anak ng tokwa naman oh! Bakit ganito ang kinalabasan!?


"Your cooking skill sucks---tsk! Do you really know how to cook?" Tanong niya pero hindi ko na pinansin at tumayo na. Mabilis akong nagpunta sa electric stove at tinignan ang katabing spices na ginamit ko.


What the...


"Wahh! Bakit asukal yung nandito!? Hindi ba asin yung nadampot ko kanina?" Sigaw ko habang nakatitig sa lalagyan. (╥﹏╥) kinaltukan ko pa yung sarili ko at nagpapadyak na parang bata. "Nakakainis naman eh! Huhu."


Malinaw na malinaw. 'Sugar' ang nakalagay imbis na salt.


Ano ba 'yan. Ngayon na nga lang titikman ng bisugo kong asawa yung luto ko failed pa. Bakit kasi hindi ka nagbabasa ng mabuti!? Huhu! Sayang yung beef at gulay! Pati kuryente at tubig nagsayang ka Amirah. T__T paano ako magiging perpektong asawa niyan kung bibigyan ko ng sakit yung mga kakain ng niluto ko.


HELLO! PROFESSOR [EDITING] [COMPLETED]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon