Chapter 52

43 4 0
                                    

"Ganoon ba?Nakakaawa naman pala ang sitwasyon ngayon ni Louis."bakas ang lungkot sa boses ni Mama.

"Oo nga po eh, hindi rin po ako makapaniwala na wala na ang tumayong ina ni Louis.Parang noong nakaraan lang ay nagkausap pa kami."

"May gusto ka ba doon sa lalaking 'yon?"

Nilingon naming pareho ni Mama si Kuya dahil sa kaniyang itinanong sa akin.

"Porke nag-aalala, may gusto na kaagad?Hindi ba pwedeng dahil lang sa malapit kaming magkaibigan?"

"Ang dami mong sinabi, oo at hindi lang naman ang dapat mong isagot."nakangising aniya.

Tsk!Si Kuya talaga.

Naibigay na sa pamilya ni Louis ang urn na naglalaman ng abo ni Nanay Melay.Wala rin naman kasing naging pamilya si Nanay Melay dahil aa pag-aalaga kay Louis noon, tumandang dalaga ang ginang.Dumalaw kaming lahat ng aking pamilya sa pag-alaala sa namayapang Nanay ni Louis.

Ang akala ko lilipas rin at magiging maayos siya ngunit habang tumatagal ay unti-unting nagpapakalulong si Louis sa alak.Mayroon pa ngang insidente kung saan muntik na siyang mapaaway, mabuti na lamang at hindi siya pinatulan ng mga kalalakihang hinamon niya.

"Ano bang balak mo sa buhay mo?!Gusto mo na rin bang mamatay?!"buong lakas ko siyang sinampal upang matauhan.

"Veron..."awat ni Cody sa akin.

"Hindi mo naiintindihan dahil wala ka sa posisyon ko!"giit niya at halos mamula na ang buong mukha dahil sa galit.

"My god, Louis!Lahat ng tao mamamatay!Sa tingin mo ba matutuwa si Nanay Melay dyan sa ginagawa mo?Sinisira mo ang buhay mo!"

Napayuko siya hanggang sa napaupo na lamang sa sahig.Dala na rin ng kalasingan ay tila wala siya sa sariling napaiyak na lamang.Tumingala ako upang pigilan ang nagbabadyang luha sa mga mata.Naupo ako sa kaniyang tapat at sinapo ang kaniyang mukha upang pilit na iharap sa akin.

"Louis, ano bang balak mo?Alam kong masakit pero huwag ka naman sanang magkaganito?Ako na ang nakikiusap."

"S-sorry kung nasigawan kita, Veron.Hindi ko s-sinasadya.Patawarin mo a-ako."tuluyan siyang napahiga sa gilid ng daan nang mawalan ng malay.

"Cody, pakitulungan naman ako." pakiusap ko sa aming kaibigan.Nagtulong kaming buhatin si Louis papasok sa sasakyan at kagaya ng mga nakaraang araw ay ako muli ang naghatid sa kaniya.

"Ayos ka lang ba, Veron?"tanong ni Cody at bakas ang pag-aalala sa boses.

"Okay lang ako."ngumiti ako ng tipid sa kaniya.

Pagod na pagod ako sa trabaho at sa pag-aasikaso sa kaniya.Pasado alas otso na ng gabi nang makauwi ako.Nakasarado ang gate kaya bumaba muna ako para buksan iyon.Natigilan ako sa paglapit nang matanaw doong nakasandal si Lucifer.

"Saan ka galing?"mariin at sobrang seryoso ng kaniyang boses.

"Huwag ngayon, Lucifer.Pagod ako."dumiretso ako sa maliit na gate na nakabukas upang alisin ang pagkakandado at nang maipasok ko na ang sasakyan.

"At saan ka naman napagod?Sa pag-aalaga sa lalaking 'yon?Sino ba siya sa buhay mo, Veron?Ang akala ko ba hindi kayo?"

Napahinto ako sa ginagawa at kunot noong pinakatitigan siya.

"Ano ngayon sa'yo?"

Umawang ang kaniyang labi kasabay ng pagtaas ng gilid non.Mapanuya ang paraan ng kaniyang pagtitig hanggang sa sumeryoso siyang muli.

"Kanina ka pa hinihintay ng mga bata pero nakatulog na sila dahil sa sobrang tagal mong umuwi.Mas inasikaso mo pa ang Louis na 'yon kaysa sa mga anak natin."

"Sinabi ko ng pagod ako kaya pwede ba?!Wala akong panahon para makipag-diskusyon sa'yo.At wala ka ring pakialam kung maubos ang oras ko kay Louis dahil kaya kong bumawi sa mga anak natin.Wala kang karapatang kwestyunin ang pagiging ina ko sa kanila."nilampasan ko siya at tinungo muli ang aking kotse.

"Noong ako ang nangailangan sa'yo halos hindi ka nagdalawang isip na tumanggi.Pero kapag doon sa lalaking 'yon, sobrang bilis mong umoo."

Napahinto ako sa akmang pagpasok nang magsalita siyang muli.Kumuyom ang aking mga palad at talaga namang uminit ang ulo ko sa kaniyang sinabi.Salubong ang kilay na nilingon lo siya.

"Sinasabi mo bang ang unfair ko?Dapat ba akong maging fair sa'yo, Lucifer?Ano ba kita?Asawa ba kita?Boyfriend ba kita para umakto ka ng ganiyan?!Hindi naman, 'di ba?"

Hindi siya sumagot ngunit nakita kong tumikom ng mariin ang kaniyang labi.Gumalaw rin ang kaniyang Adam's apple at panga.Alam ko ang kilos niyang iyon.Galit na siya sa puntong ito.

"Wala kang karapatang kwestyunin ang mga ginagawa ko o kung sino man ang pinupuntahan ko.Ama ka lang ng mga anak ko at hanggang doon ka na lang.Naiintindihan mo?"

"Then fine!Gawin mo kung anong gusto mo."malamig at walang emosyong aniya bago ako lampasan.

Mukhang napikon ko siya ng sobra sa gabing iyon dahil simula noon ay hindi na niya ako pinagtuunan ng pansin.Dumadalaw siya sa bahay at bukod tanging ako lamang ang hindi niya pinapansin.Hindi ko alam pero naiinis ako sa inaakto niya.Gusto ko siyang komprontahin pero sa tuwing tatangkain kong lumapit ay lumalayo siya.

"Ang labo mo, girl.Ang akala ko ba ayaw mo na sa kaniya?Bakit umaakto kang nami-miss mo siya ngayon?"tanong ni Thar.

Inaya niya akong makipagkita sa kaniya sa favorite coffee shop na pinupuntahan namin noon.Kababalik niya lang din kasi.

"Hindi ko siya nami-miss, Thar."kunot noong giit ko.

"Talaga ba?Eh bakit kung makapagreklamo ka kanina sa akin na iniiwasan ka niya ay kunot na kunot 'yang noo mo?You know what, Veron?Magkapatid nga talaga kayo ni Paru.Manang-mana ka sa kaniya.Pareho kayong mataas ang pride.Kahit halata na sa kilos ay ayaw pa ring bumigay dahil ayaw n'yong isuko 'yang pride n'yo."

"Bakit?Kasalanan niya naman ah.Sino bang unang nanakit sa aming dalawa?"

"Tss, hanggang ngayon ba naman ay iyon pa rin ang issue mo?Ang akala ko ba naka-move on ka na?"

"Naka-move on na nga─"

"Then dapat isama mo na pati ang galit mo sa kaniya six years ago sa paglimot mo sa nakaraan n'yo.Kung naka-move on ka na pala ay hindi mo na dapat i-bring up 'yon sa tuwing magtatalo kayo."pagputol niya sa aking sasabihin.

Umawang ang labi ko dahil sa sinabi ni Thar.Sa ilang buwang hindi kami nagkita ay napansin kong nag-iba ang kaniyang ugali ngunit hindi naman sa masamang paraan.Para bang mas nag-matured siya noong nagkahiwalay sila ni Kuya.Masasabi kong may punto siya sa sinabi niya.

"Magkatulad lang naman tayo ng sitwasyon, ako at si Lucifer, kami ang nanloko sa inyong dalawa ni Paru.Pero sana matandaan n'yo ring ginawa naman namin ang lahat para mapatawad n'yo kami."

"So parang sa amin pa rin ang sisi dahil lang sa hindi namin kayo mapatawad?"balik tanong ko.

"Hindi sa ganoon, aminado naman kaming nagkamali kami.Syempre nasa sa inyo pa rin kung patatawarin n'yo kami o hindi.Pero kagaya ng sinabi ko kanina, pinagsisihan namin ang pagkakamali namin sa inyo.Anyway, bakit ko ba idinadamay ang issue namin ni Paru gayong kayo naman ni Lucifer ang may problema?"natatawang aniya kaya napailing na lamang ako.

If You'll Love MeWhere stories live. Discover now