Chapter 55

45 5 0
                                    

Kinaumagahan, pagka-on na pagka-on ko ng aking cellphone ay halos mabitawan ko iyon sa sunod-sunod na pagpasok ng mga mensahe.Naningkit ang aking mga mata nang makitang lahat iyon ay galing kay Lucifer.Imbis na basahin ay dinelete ko ang lahat ng messages niya.Ano pang saysay ng mga 'yon?Galit na galit siguro siya kagabi dahil hindi ako dumating.Pero duda rin ako dahil may kasama naman siyang ibang babae.Ang hindi ko lang talaga makuha ay kung bakit inaya niya pa ako gayong makikipagkita rin naman pala siya sa iba.Gago talaga.

Wala na sa kwarto ang mga bata at nang makita ko ang orasan ay past 7AM na.Siguro naman ay naihatid na sila ni Kuya sa school.Pagkalabas ng kwarto ay inaasahan kong bubungad sa akin sina Mama o Papa ngunit ganoon na lamang ang pagkagulat ko nang si Lucifer ang nadatnan ko sa sala.Nakaupo siya, patalikod sa aking gawi.Hindi nakaligtas sa paningin ko ang kaniyang kasuotan, tandang-tanda kong iyon ang suot niya kagabi.Huwag niyang sabihing dumiretso siya dito matapos niyang makipaglandian sa babae niya?Wow lang talaga.

"At anong ginagawa mo dito?"walang emosyong wika ko.

Ni ang lingunin ako ay hindi niya ginawa.Naglakad ako papunta sa kaniyang harapan habang nagpapalinga-linga.Nasaan na naman kaya ang mga magulang ko?Nang ibaling ko ang aking atensyon kay Lucifer ay halos makaramdam ako ng kaba dahil sa sobrang seryoso ng kaniyang ekspresyon.

"Ang sabi mo dadating ka."mariin at bakas na bakas ang galit kahit na hindi siya nagtataas ng boses.

Dapat ko bang sabihing dumating ako kaso nakita ko siyang may kasamang iba o dapat bang sabihin ko na lang na hindi?

Umangat ang gilid ng labi ko at mapanuyang tinitigan siya.Kahit na nagagalit rin ako sa kaniya ay sinikap kong magmukhang walang pakialam.

"At naniwala ka naman?"

Mas lalong tumikom ang kaniyang labi.Naupo ako sa katapat niyang sofa.Hindi ko na inalintana kung ma-late ako o hindi sa trabaho.Baka nga hindi na muna ako pumasok matapos ang argumento namin ngayon ng lalaking 'to.

"Nagbibiro lang ako.Syempre, nagpunta ako.Nakita pa nga kita eh."nag-cross arms ako.

"Nagpunta ka pero hindi ka lumapit?Veron, pinagmukha mo akong tanga kakahintay sa'yo!"

"May kasama kang babae sa table na dapat ay sa atin lang.Ine-expect mo bang lalapit ako at mag-e-eskandalo kagaya ng ginawa ko noong nasa high school pa lamang tayo?Hah!Umasa ka namang uulitin ko pa 'yon.Nahuli lang ako ng ilang saglit, naipagpalit mo na ako kaagad?Ang akala ko ba nagbago ka na?"

Umawang ang labi niya at halos natawa ng mahina.

"Imbis na tanungin ako ay nag-conclude ka na kaagad na may iba akong babae?Anong klaseng pag-iisip 'yan?Porke nakita mo akong kasama siya, niloloko ka na kaagad?Ano bang akala mo sa akin?Basta may babaeng lumapit ay papatulan ko na kaagad?Pwede kang magtanong pero hindi mo ginawa?!"

Natahimik ako kasabay ng pag-iinit ng gilid ng aking mga mata.Galit siya, galit na galit siya.Dumiin ang pagkakahawak ko sa aking bag.

"Tuwang-tuwa ka ba sa tuwing nakikita mo akong nasasaktan?Kahit ilang beses ko ng ibinaba ang pride ko ay wala ka pa ring makita.Ang hirap ibalik ng tiwala mo at ang hirap-hirap abutin ng pride mo!"

"Masisisi mo ba ako?"halos pumiyok ang aking boses.Unti-unting nanlalabo ang aking mga mata ngunit sinikap ko pa ring labanan siya ng titig.

"Then fine!Kasalanan ko na ang lahat!Sa akin mo na lahat isisi!Lintik na pride 'yang meron ka, Veron."

Napayuko siya at sinapo ang mukha.Ilang minuto kaming nanatili sa ganoong posisyon hanggang sa umayos siya muli ng pagkakaupo.Namumula na ang kaniyang mga mata.Hindi ko maiwasang hindi kabahan habang pinagmamasdan ko siya.

"Masyado ng naging sarado 'yang isip mo.Oo, gago ako pero sana makita mong dati pa 'yon, sana makita mo rin kahit minsan na nagbago na ako.Ayaw mo na sa akin?Okay!Tatanggapin ko.Mahal kita, pero nakakapagod na.Tama na siguro 'yung mga nagawa ko.Tanggap ko na ngayong hindi ko na maibabalik pa ang tiwala mo.Na-realize ko lang na kahit na ano pang gawin ko ay hindi mo pa rin ako magagawang patawarin dahil nakatatak na dyan sa isip mong lolokohin kita."umangat ang sulok ng kaniyang labi.

"At alam ko na ngayon ang iniisip mo.Kapag nagsalita ka, isusumbat mo na naman ang nakaraan natin.At wala na naman akong magagawa tungkol doon."tumayo siya habang hindi pa rin inaalis ang titig sa akin.

Gusto kong labanan ang argumento niya ngunit wala akong mahanap na salita.Hindi ko alam kung ano bang dapat kong sabihin, ngunit kahit na ganoon ay nangingibabaw ang sakit sa aking puso na siya lang ang may kakayahang magdulot.

"Ito na ang huling beses na magpapaliwanag ako.Si Violet ang nakita mo kagabi.Maganda siya, mabait at matalino, perfect, right?"mapanuya ang paraan ng kaniyang pagsasalita.

Bakit niya sinasabi sa akin 'to ngayon?Violet?Kung hindi ako nagkakamali ay iyon ang babaeng ipinapa-date sa kaniya ng Mama niya noong nagkita kami sa shop.

"Inaakala mo bang may gusto ako sa kaniya porke't pinuri ko siya?Gusto siya ni Mama para sa akin, sa katunayan nga ay gusto niya kami para sa isa't isa noon."diniinan niya ang salitang noon.Kumuyom ang aking mga palad dahil sa galit na umuusbong.

"Noong hindi ko pa alam na may mga anak tayo.At huwag kang mag-alala dahil kahit kailan ay hindi ako nagkagusto sa kaniya.Ni minsan ay hindi ko pinaunlakan ang hiling ni Mama na makipag-date sa kaniya dahil sa mga nakalipas na mga taon ay wala akong ibang ginustong makita bukod sa'yo.Ang sabi mo kasama ko siya kahapon?Oo, totoong nandoon siya at nakaupo siya sa silyang para sa'yo.At may ideya ka man lang ba kung bakit nandoon si Violet?"

Hindi ako sumagot at nanatili lamang na nakikinig sa mga sasabihin niya.

"Dahil may hihinintay rin siya.At kung inaakala mong ako 'yon, nagkakamali ka.Two weeks ago, na-engage siya sa boyfriend niya at mas lalong hindi ako 'yon.Lumapit lang siya at naupo para makipag-usap dahil aksidenteng nagkita kami.Veron, kung nagpunta ka ngang talaga makikita mo kaagad na umalis rin siya noong dumating ang fiancee niya.Ilang oras akong naghintay sa'yo!Ang akala ko kung ano ng nangyari!Halos hindi ako mapakali sa kinuupuan ko at nang hindi na nakatiis ay nagpunta ako sa pinagtatrabahuhan mo pero wala ka na doon.Sinubukan kong tawagan ka pero pinatay mo ang cellphone mo.Pagod na pagod ako sa byahe pero sinikap kong pumunta dito.At nakakatawa lang talagang isipin dahil kung gaano ako halos nabaliw sa pag-aalala sa'yo ay ganoon rin kahimbing ang tulog mo."

"Hindi mo ako kayang patawarin?Fine!Hindi ko na ipipilit ang sarili ko.Hindi ko isinusumbat pero ano pa nga bang silbi ng paghahabol ko sa'yo kung wala rin lang naman palang patutunguhan?Sa tingin mo sa edad kong 'to nag-aaksaya lang ako ng oras?Then maybe tama ka nga!Baka nga sinasayang ko lang ang oras ko sa'yo.Baka hindi talaga tayo ang para sa isa't isa."aniya bago ako tuluyang iwanan.

Gusto ko siyang habulin at huwag paalisin pero bakit ko gagawin 'yon?Sa anong dahilan?Hindi ko na napigilang hindi mapahikbi nang marinig ang pag-ugong ng papaalis na sasakyan ni Lucifer.

If You'll Love MeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora