Chapter 30

170 8 0
                                    

"Veron?"

Hindi pa ako tuluyang nakakapasok sa pinagtatrabahuhan ko nang may humarang sa aking babae.Naningkit ang aking mga mata habang pilit na inaalala kung sino siya.

"Calliope?"paniniguro ko.

Ngumiti siya at tumango.Whoah!Ang laki ng pinagbago niya.Babaeng-babae na siya manamit ngayon at masasabi kong may sense of fashion na siya.Kung makapagngitian kami ay akala mo'y super close kami noon, samantalang halos magpatayan na kami para lamang kay Lucifer.Pero eww!Huwag na ngang alalahanin ang nakaraan.Inaya niya akong magkape sa malapit na coffee shop na pinaunlakan ko naman.

"Doon ka ba sa GISELLE nagtatrabaho?"nakangiting tanong niya.

"Oo, ikaw ba?Kumusta?"

"Uh, ayos lang naman.May sarili akong business na pinapamahalaan.Anyway, bakit bigla kang nawala noong high school?Nagulat talaga kami noon kasi hindi ka na pumasok.Wala namang sinabi si Thar na kahit na ano."

Speaking of Thar, hindi ko pa rin siya nakikita ngayon o maski nakakausap.Sa susunod nga ay tatawagan ko siya para makipagkita sa akin.Nami-miss ko na rin kasi ang lukaret na iyon.

"I got pregnant."pag-amin ko dahil wala rin namang saysay kung magsisinungaling pa ako.Halos manlaki ang kaniyang mga mata ngunit bakas ang kasiyahan sa mukha.

"Really?Kanino?Kay Lucifer ba?"

Bumuga ako ng isang malalim na paghinga bago tumango.

"Omg!In fairness ah!Ang galing n'yong magtago.So, kumusta na kayo?Nagpakasal na ba kayo ni Lucifer?"

"Hindi, 'no!Nagkaroon lang kani ng anak pero hindi kami nagpakasal at wala ring balak.Basta, mahabang istorya.Calliope, gusto ko lang humingi ng tawad sa mga nagawa ko noon sa'yo.Alam kong nagkamali din ako dahil sa sobrang immatured at childish ko."

"Ako rin, sorry rin dahil sa mga nagawa ko.Past is past ika nga nila, saka mga bata pa tayo noon.Nakakatawa na lang talaga kung iisipin pa ang nakaraan, medyo nakakahiya rin."

"Anong medyo ka dyan?Nakakahiya talaga, 'no!"

Nagtawanan kami na tila hindi magkaaway noon.Masaya naman akong makita siya at mukhang ganoon din si Calliope kahit na hindi talaga kami magkasundo noong nasa high school pa kami.

"Oo nga eh, naalala ko pa noon kung paano natin pinag-agawan si Lucifer.Inlove na inlove ka pa naman sa kaniya dati."

Feeling pogi at hot kasi ang damuhong 'yon!

"Dati pa 'yon.Naka-move on na ako.Ikaw ba?May pamilya ka na rin ba?"

Umiling siya.

"Don't tell me NBSB ka pa rin?!Girl, anong plano mo sa buhay?Magpakamadre?!"

"Hindi naman, naghihintay lang ako ng forever ko."

"Baka mangulubot na ang balat mo kakahintay, Calli!"

Matapos ang naging usapan namin ay nagpaalam rin siyang aalis dahil may pupuntahan pa siya.Nakakatuwang kausap si Calli ngayon.Nagpalitan kami ng number, ewan ko ba.Basta feeling ko may paggagamitan ako ng number niya.





"Sige na kasi!Pumayag ka na!Para namang others 'to!"nakangusong pangungumbinsi ko kay Cody.

Ibinagsak niya ang kaniyang kamay sa mesa at pinagtaasan ako ng kilay.

"Hoy!Babaita!Hindi mo ba alam na hindi tayo talo?My gosh!Me?Magpapanggap na boyfriend mo?Ako pa talaga?Eww!Hindi bale sana kung girlfriend eh!"nagkunwari pa itong masuka-suka.

Kahit gustong-gusto ko siyang kutusan ay nginitian ko lalo si Cody.

"Sige na, fake lang naman eh.Tsaka isang beses lang, kailangan ko lang maipakita sa ex ko na may bago na ako."

"So, gagamitin mo pa ako?What if jombagin niya ang feslalu ko?!I kennat!Veron, I can't!"madramang aniya kaya napairap ako at nag-crossed arms.

"Ah, okay?So, ayaw mo talaga?Ikaw rin, may kilala pa naman akong single.Balak ko pa namang ipakilala siya sa'yo.Sayang lang kasi ayaw mo."

Akma akong aalis na sa kaniyang table nang hilahin niya ang aking kamay.

"Ito naman, hindi na mabiro!Sana sinabi mo kaagad, Mars!So, kailan ba natin kikitain 'yang bwisit mong ex?"

Napangisi ako.

"Kung pwede mamaya na sana.Sumama ka sa akin sa bahay."

"Luh!Papaano naman ang earth mother at ang father dear mo?Baka isipin nga nilang magkarelasyon tayo.Like ewww!"

Bwisit!Ang daming hanash!

"Basta!Ako na ang bahalang magpaliwanag sa mga 'yon.Mamaya ha, dapat poging-pogi ka at kilos lalaki kundi wala kang date!"

Nakasimangot siyang tumango kaya umalis na ako at bumalik na sa aking pwesto.Kinahapunan ay halos mamuti ang mga mata ko kahihintay kay Cody sa loob ng cr.Nagpapaganda pa este nagpapagwapo pa kasi ang baklita!

"Gora na!"aniya matapos lumabas.

"Ayusin mo nga ang pananalita mo!Tigasan mo, Cordapia!"

Naningkit ang kaniyang mga mata at inakbayan ako upang sakalin.

"Huwag mo ngang binabanggit ang pangalan ko, Juanita!"kunwaring inis na aniya.

"Bwisit ka, baklita!Bitaw na o baka naman gusto mong iatras ko ang offer kong date sa'yo?"

Wala pang isang segundo siyang napabitaw sa akin.Hinampas ko ang kaniyang likuran upang tumiwid ng pagkakatayo.Mas makendeng pa kasi kung umawra kaysa sa akin 'tong bwisit na 'to.Sumakay kami ni Cody sa kaniyang kotse.

"Alam kong gwapo ako, pero hindi kita papatulan ah!Stop staring, bijj!"aniya kaya binatukan ko siya.

"Gaga!Tinitingnan ko lang kung may naiwan bang make up sa mukha mo."

Halos hindi kami magkamayaw sa pagbabangayan hanggang sa makarating kami sa bahay.Natanaw ko ang pamilyar na kotse, senyales na nandito na si Lucifer.

"Wow!Yayamanin naman pala ang ex mo eh!Siguro mukhang paa 'yon."aniya nang mapansin ang kotse pagkababa namin.

Mabuti at boses lalaki na siya, maging ang kilos at tindig ay ganoon din.Naglahad ako ng kamay kay Cody kaya pinagtaasan niya ako ng kilay.

"Holding hands tayo, Cody baby."nakangising wika ko.Umirap pa siya bago ipinatong sa akin ang kamay.

"Ackk!Gusto kong masuka ng rainbow, Juanita!"

"Umayos ka na!Nandito na tayo."

Huminga muna kaming dalawa ng malalim bago ako nagpasyang buksan ang main door.Katahimikan ang sumalubong sa amin.

"Oh, wala naman sigurong mumu dito, 'no?"bulong ni Cody kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Shh!Ingay mo─ ay anak ka ng nanay mo!"sigaw ko nang matanaw si Lucifer na nakaupo sa couch habang nakadekwatro pa.

Nagkatagpo ang aming tingin bago niya ibinaba iyon sa magkahawak naming kamay ni Cody.Naramdaman ko ang panlalamig ng aking katabi at alam kong isa lamang ang dahilan kung bakit siya kinakabahan.

"Tangina, Veron!Hindi mo sinabing ganito kapogi ang ex mo!Kung ako sa'yo ako pa mismo ang magso-sorry sa kaniya para bumalik sa akin!"malanding bulong niya sa aking tenga kaya kahit na gusto ko siyang tirisin ay tumawa na lamang ako, 'yung malanding tawa.

"Baby, you're so naughty!Nakikiliti ako."mapang-akit na wika ko bago palihim siyang kinurot nang makitang hindi maalis ang kaniyang titig kay Lucifer.Naku!Baka mahalata kami nito!Nakita kong tumayo si Lucifer habang seryoso ang eksresyon na nakatitig sa akin.

"Who is he, Verontanajeil?"mariin at seryosong aniya dahilan upang mas mapangiti ako.

"This is my fiancee, Cody."pagpapakilala ko sa aking katabi.

If You'll Love MeWhere stories live. Discover now