Chapter 53

47 5 0
                                    

"Ang taas kasi ng pride mo, V."wika ni Thar.

"Ano bang dapat kong gawin?Ang patawarin siya porke nag-sorry siya?"

"Then papaano mo ba siya tuluyang mapapatawad?Ilang sorry ba dapat ang kailangan niyang gawin?Kailangan bang lumuhod pa siya at magmakaawa?"

"Bakit parang kumakampi ka pa sa kaniya, Thar?"seryosong tanong ko.

"Hindi sa kumakampi ako.Ibinibigay ko lang 'yung side niya.Gumigitna ako sa inyong dalawa, at para sabihin ko sa'yo, para sa'yo rin itong ginagawa ko."

Napabuga ako ng malalim na paghinga at itinuon na lamang ang aking kamay sa aking baba.

"Hindi ko rin alam kung papaano ko siya mapapatawad."

"Alam mo at kaya mo.Sasabihin mo lang pero hindi mo magawa dahil sa isang bagay."

"At ano naman 'yon?"

"Iyang pagkataas-taas mong pride."napapailing na aniya.

"Naiinis ka dahil iniiwasan ka niya pero naiinis ka rin naman sa tuwing kakausapin ka niya.Saan lulugar 'yung tao, Veron?Anim na taon ang lumipas.Sa tingin mo ba hindi mababago ang ugali ni Lucifer?Isa ako sa mga saksi sa kasamaan niya noon pero ilang taon na ang lumipas.Malamang magma-matured na 'yon at titino."

Napansin ko rin ngang nag-iba na ang ugali niya.

"Ikaw nga rin eh ang laki ng ipinagbago mo.Dati, ang rupok-rupok mo pagdating sa kaniya.Iyong tipong kapag nagtatampo ka, isang banggit niya lang sa pangalan mo, okay ka na kaagad."

"Hoy!Grabe ka sa akin!Hindi ako ganiyan!"nanlalaki ang mga matang pagtanggi ko.

"Hoy ka rin, Miss!Huwag mo ng itanggi dahil saksi ako sa kalandian mo noong nasa high school pa tayo."

Sabi ko nga.

"Wala ka talagang mapapala kapag 'yang pride ang pinairal mo.Nabanggit mo rin sa akin noon na sinabi niyang mahal ka niya at gusto ka niyang pakasalan.Pero anong ginawa mo?Tumanggi ka, hindi ba?Grabe, girl!Sa pagkakaalam ko rin hindi iisang beses na ginawa niya iyon.Tsk!Talagang mahal ka nga ni Lucifer dahil nakakaya niyang magpakababa para lang sa'yo.Kung sa ibang lalaki 'yon baka isang beses pa lang na natanggihan ay sumuko na kaagad.Biruin mo at nakakaya niyang makisama sa mga magulang mo.Alam niyang may kasalanan siya noon pero hindi siya natakot.May paninindigan rin pala ang lalaking 'yon.Ibang klase talaga."bakas ang paghanga sa bawat papuri ni Thar kay Lucifer.

"Alangan namang pumayag ako gayong hindi ko naman siya mahal?"

Umangat ang gilid ng kaniyang labi kasabay ng pagsingkit ng kaniyang mga mata.

"Nice joke."tumawa pa siya ngunit bakas na bakas ang sarkasmo.

"Seryoso ako, Thar."

"Okay pero gusto ko lang malaman, ano bang naramdaman mo noong sabihin niyang mahal ka niya at noong inalok ka niyang magpakasal?"

"Wala."maagap na sagot ko kahit sa totoo lang ay halo-halong emosyon ang naramdaman ko noon.Kinakabahan na medyo na-e-excite, na slight masaya, malungkot at kung ano-ano pa.

"Ah, wala."tumango-tango siya."Pero bakit parang apektado ka naman sa pag-iwas niya sa'yo nitong mga nakaraang araw?"

"Hindi lang ako sanay."giit ko at halos mapairap na.

"Okay, so ayos lang pala sa'yo kung kalilimutan ka na niya?"

Napalunok ako sa narinig.

"K lang."

"Ah-huh, then ayos lang rin naman siguro kung magkakagusto siya sa ibang babae."

"Agad-agad?!"naniningkit ang mga matang komento ko.

"Bakit naman hindi?Malay mo at may nagustuhan na nga 'yung iba kaya ka iniiwasan."may mapaglarong ngisi sa labing aniya.

Hindi naman siguro.Ang bilis naman niyang maka-move on sa akin kung ganoon.

"At okay lang din ba sa'yo kung magpakasal siya sa iba?"

Napakuyom ang aking kamay dahil sa sinabi ni Thar.

"Nang-aasar ka bang talaga?"nakataas ang kilay na tanong ko.

"Ako?Hindi ah.Para nagtatanong lang eh."natatawang aniya.

"Anyway, may nakumpirma ako kahit hindi mo nasagot ang huli kong tanong.Alam kong tututol ka sa sasabihin ko pero ako na ang magsasabi sa'yo, Veron.May nararamdaman ka pa rin para sa exboyfriend mo."

"Imposible 'yan!"napahampas pa ako sa table.Halos nagtinginan sa aming gawi ang ilang tao sa coffee shop kaya alanganing nginitian ko sila bilang paghingi ng paumanhin.

"Ikalma mo, Mars."wika ni Thar.

"Huwag ka kasing ganoon!Bigla kang babanat ng mga ganiyan eh hindi naman totoo."

"Nasa in denial stage ka pa lang kaya ganiyan ang reaksiyon mo.Para kang teenager na inlove."

"Hindi ko na siya mahal."

"Sino palang mahal mo?Si Louis?"

"Hindi rin.Kaibigan ko lang 'yon."

"Ah, basta ako feeling ko si Lucifer pa rin."

Ilang minuto pa kaming nag-usap ni Thar bago ako nagpasyang umuwi.Ang akala ko maliliwanagan ako kapag kinausap ko siya pero parang mas lalo lang ata akong naguluhan.Pagkapasok ko sa bahay ay halos nagulat pa ako kay Lucifer nang siya ang magbukas ng pintuan.Iginala ko ang paningin ko sa loob at nakitang wala ang mga bata.Nasaan ang mga 'yon?Nilingon ko si Lucifer at nakita kong nakatitig rin siya sa akin.

"May nararamdaman ka pa rin para sa exboyfriend mo."

Bumilis ang tibok ng puso ko nang maalala ang sinabi ni Thar kanina.Hindi siya nagsalita at naglakad patungo sa ibang direksyon.Nag-iwas ako ng tingin at napabuga na lamang ng hangin.Galit talaga siya.Hindi namamansin eh.

"Veron..."

Hindi pa ako gaanong nakakalayo nang tawagin niya ako.Dumaloy ang kakaibang lamig sa aking katawan nang tawagin niya ako.Tila slow motion ang paglingon ko sa kaniya.Ganoon na lamang ang paglaki ng aking mga mata nang makita siyang nakatayo doon habang may hawak na bungkos ng bulaklak.

"I'm sorry for ignoring you these past few days."

Nanatili akong nakatayo doon habang nakatitig lamang sa kaniya.Hindi ko inaakalang magagawa niya ito.Muli ay siya ang nagbaba ng pride at nagpakumbaba sa aming dalawa.Humakbang siya papalapit sa akin.Iniabot niya ang bungkos ng bulaklak.Wala sa sariling tinanggap ko iyon.

"Hindi ko kayang magalit sa'yo nang matagal."

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin o kung ano ba dapat ang maging reaksiyon ko.Dapat ko ba siyang patawarin o hindi?Nagdadalawang isip pa ako ngunit nang maalala ang mga binitiwang salita kanina ni Thar ay tila naliwanagan ako.Kusang umangat ang dulo ng aking mga labi habang nakatitig kay Lucifer.

"Okay, forgiven."wika ko.

"Thanks."

Tumango ako at tinalikuran na siyang muli.Hindi maalis-alis ang ngiti sa aking labi.Muli ko siyang nilingon nang may maalala.Nandoon pa rin siya at nakatanaw sa akin.

"Wala akong gagawin bukas."wika ko na ikinakunot ng kaniyang noo.

"What?"

"Ang sabi ko, pwede mo na akong ayaing lumabas bukas ng gabi."

Bumilis ang tibok ng puso ko nang sumilay ang kaniyang ngiti.Ang gwapo talaga ng lalaking 'to.

"Okay, see you then tomorrow."

If You'll Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon