Chapter 27

18.3K 371 118
                                    


---

"Taga sana all lang rin ako," he even let put a chuckle.

Napataas ang kilay ko. Deserve. Yan kasi, pinaglaruan mo pa ko. Single ka rin tuloy.

Kaya lang, single rin pala ako.

I sighed. Kasalanan niya to! I had trust issues na with boys kaya I don't entertain anyone. There are a lot who try, karamihan is mga businessman around my age.

If di sila successful na mapursue si Daddy to put me in an arranged marriage with them, edi sila ang nagawa ng actions.

But I never really entertained anyone.

Medyo nakakatakot na maulit ang dati, I'm scared of the pain. Sobrang masakit ang ginawa ni Agezho, hindi ko alam kung magmamahal pa ba ako.

"I doubt it," Iningusan ito ni Arch.

God, is he drunk? Ano bang meron sa questions niya!

"I'm serious." Natatawang sabi nito. His eyes were just on the can he's holding.

Napapikit ako ng mariin. Napakachismo ni Arch!

"You're being nosy, Arch." I told him.

Napanguso naman ito at di na siya nagsalita. Napabaling sakin si Agezho but I just raised him a brow.

"I'm into someone though," biglang sabi ni Agezho, nakatitig sakin.

Hindi ko na binaba ang nakataas na kilay, nilabanan ang tingin niya. Bakit siya sakin nakatitig while saying that? Pake ko kung may nagugustuhan na siyang bago?

"Ohh, really?" Nakangising sabi ni Arch.

Napabuntong hininga nalang ako at napasandal sa sofa, staring at the in can I'm holding.

"My ex," biglang sabi ni Agezho na ikinatigil ko.

Ex? Mag ex ba kami? Pero hindi lang naman ako ang ex niya panigurado! Impossible!

So hindi ako yan, how can he be into me when he clearly told me before that I was just his toy? Kaya impossibleng ako yun!

"Ex, huh?" Archer glanced at Amara before looking at Agezho again. All of us here are just listening to them talk. "Mahirap mag move on sa past mo."

I saw how he reached for Amara's hand and hold it tightly. Tinaasan naman siya ng kilay ni Amara.

Napailing nalang ako, why would you say that in front of her, Arch?

Stupid. Bahala ka nga jan.

They continued talking, nakikinig lang ako at nainom ng beer. Seryoso pa nga ang usapan nila tungkol sa love life eh. Ang weird.

"Anyways, just call me Agezho dude. No more Doc." Sabi nito nung magtagal pa silang mag usap.

Panay Doc kasi si Arch eh.

"I'll get going now." Paalam ni Chan.

Hindi naman kami nag alala sakanya kung makakauwi pa siya ng maayos dahil hindi naman siya uminom.

Bigla kaming natahimik, si Arch at Amara ay parang biglang nagkaroon ng sariling mundo. Walang nagsasalita saming tatlo, parang nagpapakiramdaman.

"Ugh, PDA." I whispered ng mapasulyap ulit kina Arch at Amara.

Naka akbay si Arch dito, ang isang kamay ay nasa hita nito, sa ibabaw ay ang kamay ni Amara. Ang lapit pa ng mukha nila sa isa't isa!

"Ganyan rin kayo noon." Sabi bigla ni Aziel kaya nanlaki ang mata ko sakanya.

Trouvaille Discovery (T.R.A.V.E.L SERIES # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon