Chapter 28

18.6K 284 83
                                    


---

"That I shouldn't have done." Singit ko sa kanila kaya napatingin silang dalawa sakin.

Nakita ko ang pagdaan ng sakit sa mata ni Agezho na agad rin namang nawala. Iniwas niya ang tingin sakin kaya si Manang nalang ang tinignan ko. Nakitaan ko ng lungkot ang expression niya.

"Mangyayari ang mangyayari, Audrey. Umalis ka man o hindi, sa tingin ko ay walang magbabago. Wag mong sisihin ang sarili mo." Sabi nito sa malumanay na boses.

Napailing iling nalang ako at niligpit na ang kinainan. Agad namang tumayo si Agezho nang makitang tumayo na ako. Seryoso na ang titig niya sa akin ngayon, I can even see confusion in his eyes. He looks like he wants to ask something pero he's stopping himself.

Pinilit kong maglakad ng maayos palabas kahit na nanghihina ang katawan ko. Para bang, isang tama lang sakin ay tutumba agad ako.

Dumeretso akong elevator na sinundan naman agad ni Agezho. Nang makapasok ay agad akong dumeretso sa likod at sumandal doon. Napapikit pa ko dahil sa pagod. Nang mag mulat ay agad kong nasalubong ang tingin ni Agezho na nakakunot na ang noo sakin.

"Are you okay?" May pag aalalang tanong nito.

"Yeah," mahina ang boses ko.

Di ko alam kung matutuwa akong kami lang ang nandito o hindi eh.

Nang bumukas ang elevator ay umayos na ako ng tayo. Maglalakad na sana ako ng hinapit ako nito sa bewang. Hindi ko na nagawang mag reklamo dahil nagsimula na itong maglakad na naging rason para maglakad na rin ako.

I just sighed.

Nang makarating kami sa office niya ay iginiya niya ako sa kama. I sat there, waiting for his next action.

"Don't move." He put the thermometer on my ear, checking my temperature. "Tsk, 38.7. You have a fever, anong bang pinaggagagawa mo?"

"Work," mahina ngunit mataray ko pa ring sabi.

"Your work will just pile up when you get sick so better to not do everything at once." Mahinahon niyang sabi. I just nodded and ignored him.

"What's next?" I asked him.

"Did you drink your medicine?" He asked kaya nanlaki naman ang mata ko. Nakalimutan ko pala.

"I forgot."

"Tsk." Umalis siya para may kunin sa drawer na maliit sa ibabaw ng table niya. Pag balik niya sa harap ko ay may dala na siyang tubig at gamot. "Here, drink this."

Agad ko namang inabot ito at ininom. He was just watching my every move intently kaya medyo naiilang ako.

"I think you're done, I'll go now." Sabi ko at amba na sanang tatayo ngunit naging mabilis ang paglapit niya sakin, sa harap ko.

I felt the warmth of his palms on my waist, pushing me a little so I won't be able to go down his bed. Dahil sa pagkabigla ay napaawang ang labi ko sakanya at sinalubong ang tingin niya.

"Sleep here." Mahina ang boses na sabi nito.

"I'll stay with my brother." I told him in a soft voice. Walang lakas na makipag away sakanya.

"You agreed with me earlier about this, Audrey. And you're sick, baka mahawaan mo si Kael."

Napariin naman ang pikit ko dahil sa sinabi nito. Oo nga pala, baka mahawaan ko ang kapatid ko. Bakit hindi ko naisip yun?

"Just lay down there. Don't worry, I won't stay here so you won't be uncomfortable. Just rest, okay?" He told me, his hands are still on my waist.

Tumango ako at tumingin sa bewang ko. Mukhang nakuha niya naman ang pinapahiwatig ko dahil naramdaman ko ang dahan dahang pagkalas ng kamay niya doon.

Trouvaille Discovery (T.R.A.V.E.L SERIES # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon