Chapter 29

17.9K 340 35
                                    


---

Nakarating na kami sa boracay. Medyo may jetlag pa nga kami kaya nakatulog kami pagkapasok sa hotel room.

We're staying on one hotel room and one bed. It feels so awkward, mabuti nalang at malaki ang bed. Hindi kami magdidikit! He suggested na sa sofa nalang siya matutulog pero hindi ko naman kaya yun especially at siya nagbayad nito!

Kaya naglagay nalang kami ng unan sa gitna.

"What time is your friend's wedding?" I asked him when he woke up.

"5pm. Why?" He looked at his watch before looking at me.

"Sama ako."

"Really? Thank you!" He gave me a happy smile. Napanguso ako, nagpipigil ng ngiti.

Kaya nag ayos na kami ng sarili dahil mag five na.

Papunta na kami sa wedding ng kaibigan niya. Malapit lang naman pala dito, we're also just staying in the same hotel with them. Kaya ata madami ang tao ngayon.

Sabi niya kanina ay we'll just attend their ceremony at wag na ang reception. Tumango lang rin naman ako.

It's a beach wedding. The design is so pretty. Everything's full of white and pastel color.

We sat on the chairs, hindi pa nagsisimula ang ceremony kaya maingay pa ang mga bisita.

"Agezho!" I heard someone called Agezho kaya napalingon rin ako. Namilog ang mata ko ng mamataan si Shia! Yung batchmate ko na nag summa cum laude.

Small world huh? Dito pa talaga kami magkikita.

Napangiti naman ang katabi ko ng makita siya at sinalubong ito ng yakap at halik sa pisngi. Agad naman akong napaiwas ng tingin because it felt... weird.

Hindi ako sanay na makita siyang ganto sa ibang babae, hindi naman siya ganto kina Amara noon. Ang nakita ko lang noon na close contact niya sa babae ay ang pag yakapan nila ni Ellie pero hindi naman issue iyon.

Siguro nasanay lang ako na ako lang ang tinatrato niya ng ganon noon kasi ako lang naman ang nandon. Kaya ngayong may ibang mga tao, may iba kaming nakakasalamuha, naninibago ako sa trato niya sakanila.

Ganon pala siya. Sweet talaga siya sa tao. Kaya dapat masanay na ko at wag bigyan ng meaning ang pinag gagagawa nito.

Para maiwasang mahulog na rin. Ulit.

Napalingon ako sakanila ng bigla kong maramdaman ang kamay nito sa kamay ko. Agezho intertwined our hands making me look at it with furrowed brows but with reddening cheeks.

"Audrey?" Napalingon ako kay Shia ng magsalita ito. Mukhang nakilala ako.

Napabalik balik pa ang tingin nito sakin at kay Agezho na para bang hindi makapaniwala. Minsan ay nasulyap pa ito sa kamay naming magkahawak at napapailing iling.

"Hi, Shia." I gave her a small smile.

"Omg, are you together?" She asked excitedly.

Tinignan ko si Agezho kaya napatingin rin ito sakin. Sasagot na sana ako kay Shia ng magsalita ulit ito. Not giving us enough time to answer her.

"Oh, you don't have to answer. I think I get it now. Anyways, nice seeing you again Audrey. Bye to the both of you!" Sabi nito at pareho kaming bineso ni Agezho.

Napakunot naman ang noo ko. Is she this hyper before? Ba't parang hindi naman?

"You know each other?" Napalingon ako kay Agezho ng magsalita ito.

"Yeah, batchmates." I shrugged. Napa tango naman siya sa sinabi ko.

I also want to ask him how they knew each other but I feel like I don't have the right to know.

Trouvaille Discovery (T.R.A.V.E.L SERIES # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon