Chapter 5- Switched Luggage

39 5 2
                                    



Thylane was busy unpacking her things from her luggages. It's been four days since they arrived in the Philippines and because of her laziness in the recent days, she didn't took care of it immediately.

Ayaw naman niyang iaasa ito sa mga kasambahay nila dahil hindi siya kumportable na may ibang taong gumagalaw sa mga gamit niya.

"It's good that you decided of fixing your things now. I thought you'd let those things rotten in your luggage for a year." Her brother said standing behind her back. Seryoso ang mukha nito ng lingunin niya.

Hindi niya pinansin ang sinabi nito at agad na nagtanong habang nag-aayos pa din ng mga gamit. "Kuya, you're going back to Italy na?"

"Si... dopo, la mia sorellina." (Translate: Yeah... later, my little sister). Her brother replied in Italian language.

"Kuya, aren't you tired na laging seryoso ang face? Wala bang nagpapa-smile sayo? Don't you have a jowa?"

"I'm not and none."

"What is jowa?"  Tanong muli ni Toby sa kanya na nakakunot ang noo dahil hindi naintindihan ang huli niyang sinabi.

"I mean, don't you have a girlfriend? The one that you love and was willing to spend  the rest of your life with?"  Tanong niya, saka tumigil muna  sa kaniyang ginagawa upang makita ang reaksiyon nito.

Mas lalong nanlamig ang mga mata nito nang marinig ang tanong niya.

"I don't have one. In my world, it's better that way than to experience hell once again." Mapait na sabi nito.

Magtatanong pa sana muli siya ngunit umalis na ito kaya hinayaan na lamang niya ito at nag-ayos muli ng kaniyang mga gamit dahil nagugutom na siya at gusto na niyang kumain pagtapos nito.

Napahinto siya sa kaniyang ginagawa nang mabuksan ang huling maleta. Sa pagkakatanda niya, hindi sa kanya ang mga dress, heels, make-up, at iba pang gamit pang babae na nasa loob ng maletang iyon.

Agad naman niyang tiningnan ang card holder na nakakabit sa maleta. Hindi na siya nagulat ng makitang iba ang nakalagay na pangalan doon dahil wala naman siyang ganoong gamit.

Kinuha niya ang number na nakalagay sa card holder at nilista ito dahil balak niyang tawagan ito mamaya at isauli ang maleta nito siguro ay nagkapalit sila. Napakaimportante pa naman ng mga laman ng maleta niyang iyon na naging kapalit nito.



"Did you found him?" Rinig niyang tanong ng kaniyang kuya sa kausap nito sa telepono, pagkapasok niya sa kusina. "Okay. Just update me if there's a progress in what I asked you to do."

"Lane. I have to go now." Sabi nito sa kanya, kapagkuwan ay kinausap ang mayordoma sa bahay. "Kayo na po ang bahala sa kanya. Gawin niyo po ang mga inutos ko sa inyo, manang "Maawtoridad na sabi nito na ikinatango lang ni Manang Maria.

"Take care, kuya." Sabi niya dito saka yumakap muna bago ito tuluyang lumabas ng bahay.


"Hi! mga sis,  free ba kayo today?" Masayang tanong ni Thylane sa bagong mga kaibigan na sila FF at Ana. Nag group call sila para maka-usap niya silang dalawa.

Nakuha na kase niya ang number ng mga ito at nalaman din niyang pareho lang pala sila ng papasukang paaralan at may tiyansang maging kaklase niya ang mga ito dahil mag gregrade 11 na din ang mga ito sa pasukan gaya niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 05, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hidden Beneath The Royal Mask Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon