Kabanata 2

128 20 0
                                    

Jamin Domingo

Nang gabing yun, hindi ko alam kung nakatulog ba ako ng maayos. Kada pikit ko ng aking mga mata nakikita ko ang pangyayari sa video na sinend ni ate.

Kaya ngayon alas-otso na ng umaga pero parang ramdam ko yung mata kong kagagaling sa iyak. Umiyak pala ako.

Papangit nito yung mukha ko, bwisit! Ganda ganda ko!

Mabuti nalang Sunday ngayon at wala akong work, dahil kung meron siguradong mahahalata ng mga bakla ang mata kong galing sa iyak at alam na, LALAKI ang dahilan.

Lagi naman ganon, pero ganon din ang mga bakla. Same problem din, pag hindi, pamilya.

Bumangon na ako sa kama at inayos muna ang mga ito. Ramdam na ramdam ko ang bigat ng mata ko habang papunta ako ng cr.

"Ang pangit ko na," Naiiyak ako, shet! Yung beauty ko!

Nang matapos ako pumunta sa cr, pumunta naman ako sa kitchen para magluto ng breakfast kahit wala akong gana.

Pero kailangan ko pa ring kumain. Health is important.

Habang nagluluto lang ako ng egg at bacon tumunog ang aking cellphone.

*TING*

1 new message...

Hays galing kay bakla.

By the way, I'm Jamin Domingo and proud to be gay, and I'm not ashamed because I have gay friends too. F*ck society na lang.

Bebs:

Uy sama ka beks gala tayo!

Alam ko na galawan nito eh, pero lalaki lang talaga hahanapin niya. Tapos ang laging nasa bibig niya about sa lalaki, gwapo, matangkad, malaki at wawarakin siya ng todo. Bastos na toh.

Jamin:

Pass.

Alam ko rin na inimvite niya na rin ang iba pero bakit hindi nalang sa gc nila siya nagchat? Kung alam niyo lang naman ang gc nilang mga beks ay may nalalaman pang mga rules na "chat-off" at siya lang ang pwedeng magchat. Eh, paano yung mga chat niya doon ay mga pictures ng mga nakikita niyang gwapo at malaki daw, minsan pa may mga video na gay p*rn. Baka daw kasi may gusto, tutulungan daw niya kami sa mga lalaking nakikita niya.

At alam mo ang name ng gc namin?

"Gwapong-malalaki para sa mga beks q"

Palibhasa wala pa kasi siyang love life, puro flirting at alam nyo na, ah~ah.

*TING*

Bebs:

At anong dahilan? Kailan ka pa tumanggi sa akin? Huh, Jamina? (Jamin)

Jamin:

Ngayon.

Ilang minuto bago ulit ito nagchat. Napansin niya atang iba ako magchat.

Bebs:

Uy, anong problema yan alam ko kapag ganyan ka!

Jamin:

Wala lang sa mood at pagod.

Bebs:

Weh? Saan pagod?

Ay! Alam ko na LALAKI yan. Yung lagi mo bang ka-chat?

Sge wag na, iyak ka nalang muna dyan. Broken ka pala beks HAHAHA! No label + ldr = LDNR problem.

"Letcheng bakla!" Hindi ko na lang ito nireplayan at nagsimula na akong kumain. Sa hinaba ng pag-uusap namin naluto ko na at kakain nalang ako.

___

Hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon. 2 pm na halos nanood lang ako ng kdrama nang matapos akong kumain kanina. Tapos yung palabas pa parang pinariringgan pa ako. "I Have a Lover" ba naman ang kdrama at kalahati natapos ko kahapon kaya tinapos ko na ngayon at lalo pang namaga ang mata ko kakaiyak. Hindi ko tanggap na sila ang ending, hindi deserve ng bidang lalaki!

Parang parehas ng sitwasyon sa kaniya, ang pinagkaiba lang ldr sila at walang label.

At parang hindi ako sanay sa nangyayari ngayon dahil yung cellphone ko na nasa tabi ko lang, parang may iniintay na message. Kahit ako naman ang unang nagmemessage dito.

Pero dapat masanay na ako,

Dahil titigilan ko na.

People change.

Kaya napagdesisyon ko nalang na manood na lang ulit ng kdrama at maghintay para bukas dahil working weekdays naman.

Siguro ifofocus ko nalang muna ang sarili ko sa work at taong malalapit sa akin kaysa sa mga taong malayo sa akin.

Dadating din ang para sa akin. My soon, I'll wait for you!

Sometimes it's better to be busy with other things than a jerk guy or bullshit love.

To be continued...

Thank you for reading! Have a good day! <3

Falling In Love (BL BxB) ☑ Where stories live. Discover now