Chapter 1

98 12 1
                                    

Freya's POV

She give up. Di na niya kaya. Naghikab siya bago ipinatong ang ulo sa ibabaw ng librong binabasa.

Nasa library siya ngayon at nagbabasa para sa research paper na gagawin niya. She's taking up B.S in Secondary Education at nasa pangatlong taon palang sa naturang kurso.

"Bawal matulog dito."

Agad siyang napa dilat at angat nang ulo sa pag aakalang ang librarian ang nagsalita. She blink her eyes multiple times bago tiningnan ang nagsalita para lang magulat ng makaharap ang mukha ni Noah.

Walang emosyon ang itsura nito habang nakatingin sa kanya. Kahit ilang hakbang ang layo sa kanya ay amoy niya ang bango nito. He is wearing his uniform at ang gwapo nitong tingnan.

"Take a picture, it will last." Sabi nito kaya agad siyang nag iwas nang tingin.

Ang lakas nang kabog ng puso niya lalo na nung hinila nito ang upuan sa tabi niya at umupo ito roon.

"I saw you yesterday." Sabi nito kaya napatingin siya dito.

"A-aksidente lang yun." Sabi niya na ikinataas ng kilay nito.

"Aksidente? I've been seeing you for almost two months straight in that place. But only yesterday I got a full view of your face." Sabi nito kaya napalunok siya.

Umayos ito nang upo at mas hinarap siya lalo. "Are you a stalker?"

Tigas siyang umiling . "Oi hindi ah. Mas nauuna kaya ako don lagi. Hindi kita sinusundan. Promise." Sabi niya sabay taas ng kanang kamay.

He just look at her with those no emotion eyes kaya nahihiya siyang nagbaba ng kamay at ibinaling ang tingin sa mga gamit niyang nagkalat sa mesa.

Huminga ito ng malalim bago biglang kinuha ang notebook niya kaya napatingin siya dito.

"Freya Cruz." Mahina nitong sabi bago ito tumingin sa kanya. "Why are you sleeping here? Didn't you know na bawal matulog dito?"

Inayos niya ang suot na salamin bago nag iwas ng tingin. Hindi niya talaga kayang tagalan ang titig nito. Nanginginig ang kalamnan niya at ayaw paawat ng tibok nang puso niya.

"Di naman ako natutulog. Pinagpapahinga ko lang ang mga mata ko. Tas andito ako para mag aral, halata naman diba." Sabi niya sabay turo sa mga gamit niya sa mesa.

"Hmm." Sabi nito kaya napabaling ulit siya sa lalaki.

Kingina bat ang gwapo? Ang tangos ng ilong at ang kinis ng mukha. Isama mo pa ang mapulang labi at mahabang pilik mata. Ang swerte ng lalaking ito sa physical aspect.

"Stop staring."

"Sorry." She said bago iwas ng tingin.

"Your thesis doesn't make sense." Bigla nitong sabi.

"Ha?"

Magkaka stiff neck ata siya sa lalaking to sa kakalingon at kakaiwas ng tingin dito.

Itinuro nito ang notebook niya kung saan may mga notes siyang sinulat.

"Your thesis doesn't make sense." Ulit nito. "Masyadong paligoy ligoy." Sabi nito sabay kuha ng librong binabasa niya. "Learn to take notes first of what you learn every chapter or page of the book your reading para pagtapos munang basahin ay madali mong matandaan ang binabasa mo, then from there, make your thesis understandable."

Titig na titig siya dito kaya ng mag angat ito nang tingin ay nahigit niya ang hininga.

Putangina ang puso niya.

Music of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon