Chapter 3

80 10 0
                                    

Freya's POV

Nagdadalawang isip na sumilip siya sa bakanteng classroom at nang makitang wala pa si Noah doon ay napahinga siya ng malalim.

Hindi siya sure kung totoo ba yung sinabi nito kahapon sa library o baka imahinasyon niya lang. Pero nakita niya ang notebook niya na may nakasulat na mga pointers ng librong binabasa niya. Tas may paalala din mula dito na magkita sila sa bakanteng silid aralan na ito.

"Are you not gonna get inside?"

Gulat na napatingin siya sa nagsalita. Noah is looking at her with that weird expression na parang iniisip kung nababaliw naba siya.

"Come on." Sabi nito bago naunang pumasok sa loob.

Huminga siya ng malalim bago pumasok nadin. Hindi niya alam kung bakit sila may pagtatagpong nagaganap ngayon.

"Sit." Utos nito na agad niyang sinunod. She then look around and see na malinis ang silid na yun. Walang alikabok at tanging apat na upuan at mesa nang guro ang andon.

"B-bakit mo ako pinapunta dito?"

Pinagtaasan siya nito nang kilay bago sumagot.

"Dahil alam kung tatambay ka ulit diyan sa labas. Buti na dito sa loob atleast may upuan."

Namula siya sa sinabi nito. Napapansin kaya nito na halos araw araw din siya sa labas ng tambayan nito?

"Just don't be noisy ok? We can share this classroom as long as you're not noisy." Sabi nito kaya tumango siya bago kinuha ang lunchbox niya.

Ngayong medyo kumakalma na ang puso niya ay ramdam naman niya ang gutom.

"Ahm gusto mo?" Nahihiya niyang tanong sabay lahad nang lunchbox niya. Simpleng kanin at nilagang itlog lang ang baon niya ngayon. Di na kasi nakapagluto ang nanay niya dahil masama ang pakiramdam nito. 

"Kumain na ako." Sabi nito kaya tumango siya bago nagsimulang kumain. "Wait here, I'll be right back." Sabi nito bago ito umalis.

Nagtataka man ay hinayaan na niya ito. She's almost done eating nang bumalik ang binata ay may dala na itong dalawang coke can. Wala itong sinabi pero ganun nalang ang gulat niya ng ilagay nito sa harap niya ang isa sa coke can na dala nito. After that ay parang walang nangyaring bumalik ito sa upuan na malapit sa may bintana at umupo doon at may inabot na gitara.

"S-salamat." She said at tumango lang ito.

She can't help smiling habang nakatitig sa coke na binigay nito. Kinikilig ba siya? Syempre kingina. Huminga siya nang malalim bago tinapos ang pagkain. She tried not to look at him pero mahirap ata yun dahil nagsimula na itong tumugtog nang gitara. 

Tila siya nahipnotismo nang titigan ang gwapong mukha nito na inaayos ang tono ng gitara , at nag maangat ito nang tingin ay ni hindi niya magawang ialis ang tingin dito.

Ngumisi ito bago nagsimulang kumanta habang magkahinang parin ang mga mata nilang dalawa.

🎶 I look at her and have to smile
As we go driving for a while
Her hair blowing in the open window of my car
And as we go, the traffic lights
I watch them glimmer in her eyes
In the darkness of the evening🎶

And again just like before, her heart is beating so fast habang nakatitig dito.

Noah

Music of LoveWhere stories live. Discover now