Chapter 5

90 14 1
                                    

Freya's POV

Hindi niya alam kung bakit siya andito. Kung bakit niya katabi si Noah at higit sa lahat eh kung bakit hawak nito ang kamay niya habang payapa itong natutulog sa balikat niya.

After nang practice game ng mga ito sa kalaban ang ibang school ay agad siya nitong nilapitan. Syempre todo ngiti siya dahil nanalo ang mga ito at ang binata ang may pinaka maraming puntos.

Mag papaalam na sana siya dito ng makiusap ang binata na samahan niya ito at ito na mismo ang maghahatid sa kanya pauwi. Bago paman siya makapag salita ay si Callie na mismo ang sumagot para sa kanya.

Kaya ito siya ngayon. Nasa bahay sila ng coach ng basketball team at nagkakasayahan ang ibang team habang silang dalawa ni Noah ay nakaupo sa sofa. Mukhang pagod na pagod ito dahil agad itong nakatulog habang siya naman ay gusto ng magpalamon sa sahig dahil kanina pa siya tinitingnan nang mga kateammate nito.

"So girlfriend ka ni Noah?" Mahinang tanong ng isang kateammate nito.

Tigas siyang umiling pero ngumisi lang ang lalaki at napatingin sa kamay niyang hawak hawak ni Noah. Agad niyang aalisin sana ang kamay ng humigpit lang ang kapit ng lalaki doon.

"Right." Napatingin siya sa kausap bago namula ng husto.

"Gutom kana?" Napalingon siya kay Noah ng magsalita ito.

Umayos ito nang upo at halos papikitpikit pa ang mga mata. Halatang nagising lang nila ito.

Hindi niya maiwasang mapangiti sa kacutetan na nakikita sa lalaki. Pero nang bumaling ito sa kanya ay agad siyang nag iwas nang tingin bago pasimpleng hinila ang kamay na di na naman nito binitawan kaya napatingin siya dito.

"I'm asking you a question lady." He said na tila hindi pansin ang mga ka teammates nitong nakatingin sa kanila. "Gutom kana?"

"Hindi pa." Sabi niya pero kingina ang tiyan niya ayaw makisama dahil tumunog iyon na tila nadinig ng binata.

"Tsk lier." He said bago ito tumayo at hinila siya. "Come, let's feed you then I'll drive you home after." Sabi nito.

Nakasunod lang siya dito ng kausapin nito ang coach nito bago siya hinila patungong kusina at pinaupo doon. He then serve her some food in a plate bago ito kumuha ng makakain nito.

"Here try this." Sabi nito sabay abot sa kanya ng isang chicken wings. Kukunin na sana niya iyon ng ilayo iyon nang binata bago iyon ilapit sa bibig niya na tila susubuan siya.

Kung may ipupula pa siya, siguradong yun na ang kulay niya ngayon. Pinaghalong kilig at init sa pakiramdam ang nararamdaman niya sa sandaling ito.

"Eat."

Napakagat labi siya bago bumaling sa may pinto at ayon na naman ang mga ka teammates nito na nakatingin sa kanila and worst may mga cellphone pang nakatutok sa kanila.

"Y-yung mga ka team mo." Mahina niyang sabi pero nang lingunin ni Noah ang mga ito ay agad na nag alisan ang mga lalaki na ikinailing lang ni Noah.

"Tsk. Ignore them. Here eat this one. Masarap." Sabi nito bago subo na naman sa kanya.

Nahihiya siya, subrang nahihiya siya pero isinubo niya ang chicken wings na bigay nito.

After nilang kumain ay nagpaalam na si Noah sa coach nito na ihahatid siya at babalik nalang ito pagkatapos. She said goodbye to his teammates na lahat ay masayang nagpaalam sa kanya.

Sakay ng kotse ni Noah ay sinabi niya dito ang address niya. And while on the way home ay tahimik lang silang dalawa. Nang tumigil ang kotse nito sa may kanto kung saan siya nakatira ay bumaling siya sa binata.

"Ahm Salamat sa pag hatid at congrats kanina." Sabi niya bago bababa na sana ng kotse nito ng pigilan siya ni Noah.

"Are you going to that room tomorrow?" Tanong nito tukoy sa tambayan nila.

Nakangiti siyang tumango na ikinatitig ng binata sa kanya kaya nag iwas siya ng tingin dito.

Dinig niya ang malalim nitong pag buntong hininga bago niya ito na nadinig na nagsalita.

"See you tomorrow then. Thank you for watching the game and for coming with me in my coach house." Sabi nito at tumango lang siya bago lumabas na nang kotse nito.

"Ingat sa pagdadrive. Salamat ulit." She said.

"I will. Goodnight Freya. See you tomorrow." He said bago ito umalis.

Habang nakasunod ang tingin niya sa kotse nito ay di niya maiwasang mapangiti ng malaki.

Kingina kilig na kilig siya. Huminga siya ng malalim bago napakuyom ang kamay kung saan siya hinawakan ni Noah.

Hindi ko huhugasan ang kamay na to.

Music of LoveWhere stories live. Discover now