Chapter 7

105 13 5
                                    

Freya's POV

"Magkasama na naman sila ni Noah."

Dinig niyang sabi ng isang estudyante kasama ang mga kagrupo nito.

"Girlfriend nga ata talaga ng Noah natin ang babaeng yan. Hindi sila bagay dahil subrang gwapo ni Noah tas siya, ewan ko nalang." Sabi pa nito bago nagtawanan ang buong grupo.

Napabuntong hininga siya ng makalayo sila ng binata na tila walang narinig dahil may pasak na headphone ang tenga nito.

"Ignore them."

"Ha?"

Noah stop and look at her. "Ignore those girls and what they are saying."

Napalunok siya. Akala niya wala itong nadinig.

To her surprise ay hinawakan nito ang kamay niya at hinila siya patungong tambayan nilang dalawa.

For almost a month laging ganito ang eksena na nakikita ng mga kaschool mate nila sa kanilang dalawa.

Kumbaga naging constant sighting na silang magkasama. Halos araw araw pagsasapit ang ala una hanggang alas tres ay laging nakikita ng mga estudyante na kasama niya si Noah o di kaya ay nasa cafeteria sila kasama ang buong basketball team na naging ka close na niya.

People always asked them if mag nobyo ba sila pero iling lang ang laging sagot niya na hindi pinaniniwalaan ng mga ito.

Who would believe them anyway. Everytime they saw them eh laging hawak ni Noah ang kamay niya or nasa kanya ang buong atensiyon nito na medyo kinasanayan na niya.

In her defense, maybe Noah is just a sweet person sa mga taong malapit dito. She don't wanna assume dahil maliban sa paghawak ng kamay eh hindi naman ito nagpapahiwatig ng higit pa sa kaibigan lalo pag silang dalawa lang ang magkasama.

Infact pag nasa bakanteng silid sila gaya parin sila ng dati. Tahimik lang siya habang ito ay naglalaro sa pamamagitan ng pagtugtog ng gitara.

Sa katunayan napatunayan niyang talagang tahimik na tao lang ito. Hindi palasalita at kung magsasalita man eh few words lang. Kita naman niyang masaya ito lalo na pagkasama ang buong barkada nito pero ngingisi lang ito at iiling pero di makikipag kwentuhan.

And she thought before eh suplado ito. But now she learned and realize that just who he is. Tahimik, mysterious and a loner.

When they reach their tambayan ay agad siyang umupo sa pwesto niya at kinuha ang notebook niya para magsimulang mag drawing. Yes she loves to draw.

Napatingin siya sa binata nang umupo ito sa tabi niya at walang babalang isinandal ang ulo sa balikat niya.

"Ok ka lang?" She asked.

"Hmm."

"Parang hindi." Sabi niya bago tiningnan ang kamay na may hawak na lapis. "Kung may problema ka, pwede mong sabihin sa akin. Makikinig naman ako."

Inabot ito ng ilang minuto bago nagsalita.

"How well do you know me Freya."

"Not well enough, but more than enough than our schoolmates." She said bago napangiti.

"I wish I meet you and become close to you sooner." Mahina lang yun, pero dinig na dinig niya at talagang nagulat siya.

"N-noah."

"I'm in deep sh!t right now Freya. My life is in chaos and you're the only one making it livable." Sabi nito bago inabot ang kamay niya at hinawakan siya nang mahigpit. "I'm leaving."

Napatitig siya sa kamay nilang magkahawak. Kita niya kung paano nito higpitan ang paghawak sa kamay niya.

"I'm leaving the country Freya." Sabi nito bago siya tiningnan. His eyes were sad while looking at her. "At hindi ko alam kung kailan ang balik ko o kung babalik paba ako."

Ramdam niya ang pangingilid nang luha niya.

"And I don't wanna leave you." Seryoso nitong sabi. "You are special to me Freya Cruz."

"N-noah."

"But my mom needs me. And I am having hard time to choose and agree
To her because of you."

Nagulat siya sa sinabi nito pero wala siyang maapuhap na salita.

"My parents is divorcing each other. And my mom is struggling to get by. She almost committed suicide last weekend. When my grandpa founds out, he demand us to go to the US and live there." Paliwanag nito. "If this happens before, I won't mind at all. But you're here now."

Hindi niya alam. Hindi niya alam na ganito siya ka importante kay Noah.

"Go." She said na ikinagulat nito. "Be with you mom. Mas kailangan ka niya."

"Freya."

"I will be ok." She said at hindi niya napigilan ang pag agos ng luha niya. "I will wait for you. I will wait for your return. Kahit gaano katagal, maghihintay ako."

He didn't said anything but he let go of her hand and place his forehead to hers.

"Have I told you na nahulog ako?" Mahina nitong sabi bago pinalis ang mga luha niya.

"Sa sahig ba?" She asked.

Ngumiti ito bago umayos ng upo at titigan siya.

"Sira. Sayo." Sabi nito na ikinatigil ata ng mundo niya. Ngumisi ito sa naging reaksiyon niya. He then grab his guitar and move his chair facing her bago ito nagsimulang kumanta.

🎶Hindi ko inakala
Hindi ko napaghandaan
Sa isang sulyap ako'y tinamaan
Miss baka naman pweding kalmahan
Ang mga titig mong nakakanginig ng laman

Ako,y nahuhulog na
Hulog na hulog na
Sayong mga tingin ako ay masaya
Kaya sana wag kang umiwas pa
Hulog na hulog na
Ang puso ko ay hulog na
Oh Freya aking prinsesa🎶

"Nakakainis." Umiiyak niyang sabi na ikinatawa ng binata.

"Wait for me ok." He said sabay baba ng gitara at sapo sa mukha niya. "I will come back foe you. Then maybe that will be the right time for us."

Tumango siya habang walang tigil ang mga luha niya.

"Mahal kita Noah Alonzo." Sabi niya na ikinagulat nito.

Wala na siyang pakialam, ang importante ay masabi niya dito ang nararamdaman niya na matagal na niyang inaalagaan sa puso.

"Damn Freya." Sabi nito bago ito pumikit sabay sandal ulit ng noo sa kanya. "Say it again."

"Mahal kita. Mula nung first year college ako, minahal na kita Noah Alonzo."

Huminga ito nang malalim bago nagmulat ng mga mata.

"Mahal din kita, Freya Cruz." Sabi nito bago ito ngumiti. "Mahihirapan ako lalong umalis tangina." Bumuntong hininga ito bago siya niyakap.

Ang iyak niya ay nauwi sa hagulgol na hinayaan lang nang binata.

"I will come back for you Freya. Please wait for me."

Tumango siya bago niyakap ito nang mahigpit.

And in that moment, her first heartbreak happened. Not in a bad way.

"Hihintayin ko ang pagbabalik mo, Noah Alonzo."

Music of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon