Chapter 8

115 14 6
                                    

Freya's POV

Limang taon, limang taon na pala ang nakalipas mula nang huli silang magkita at magka aminan ni Noah. The next day after that moment in the vacant classroom ay di na ito pumasok.

Nalaman nalang niya kay Josh na nang gabing iyon ay agad na itong umalis maging ang mama nito patungong america. Akala niya may ilang araw pa bago ito aalis pero nagbago daw ang isip ng mama nito at ginustong umalis agad dahil ayaw na nitong manatili sa pinas.

To say na iniyakan niya ang pag alis ng binata ay kulang. Halos gabi gabi ay umiiyak siya lalo na sa kaalamang wala silang communication. Wala siyang cellphone at wala siyang numero ni Noah. Sabi din ni Josh eh hindi na nila macontact ang binata.

It took her three months bago masanay na wala na si Noah sa pinas. Kung hindi pa nanganib ang pag aaral niya ay di pa siya magigising sa kalokohan niya.

At kasabay nang pagtatapos niya ay isang sulat na natanggap niya mula sa binata. Ang nagtatampong puso niya ay biglang nabalot ng lungkot nang malaman ang nangyari dito.

His mom committed suicide again, and this time didn't make it. Halos tatlong araw lang ito sa amerika ng gawin iyon nang nanay nito. With his world breaking infront of him, Noah forget about being contact with her.

Nang maging ok na ito ay kinahiyaan na nitong mangamusta, tas naging kaagapay din ito nang lolo nito sa pamamalakad ng negosyo nito at isabay pa ang pag aaral nito kaya wala talaga itong naging oras sa kanya.

But on her graduation day ay ginulat siya nina Josh ng may dala itong teddy bear at bulaklak. Akala niya manliligaw ito eh buti nalang agad nitong sinabi galing kay noah ang mga iyon na agad niyang ikinagulat.

The teddy bear even have a voice recorded in it na sure siyang boses ni Noah.

[ Congratulations Freya. I am proud of you. I'm sorry for not being there and I'm sorry for all my absences in your life. But please know that I still think of you. Mahal kita Freya. Pero hindi ko na hihilingin na hintayin mo ako. Dahil kahit ako hindi alam kung makakauwi paba diyan sa pinas. Live a happy life my girl. Damn I wish I kissed you that day. I have lots of regret, but loving you in that small amount of time will never be on the list. I'm sorry and I love you.]

Huminga siya nang malalim bago sinulyapan ang mga memorabelya niya kay Noah. After her graduation ay wala na. Wala na siyang kahit anong contact sa binata dahil maging kina Josh ay hindi nadin ito nagparamdam.

Pero hanggang ngayon, iniisip at namimiss parin niya ang binata. He is her love that gone away. Her first love na hindi itinadhana ng panahon. Her right love in a wrong time.

And if someone will asked her right now if she still love him? Her answer is yes.

Dahil lumipas man ang panahon, ang puso niya ay ayaw makisama. Subrang loyal sa isang taong nagpasaya dito sa munting sandali.

"So Mr. Alonzo you said you have someone special in your life. Girlfriend po ba o asawa?"

Napatingin siya sa radyo niya nang madinig ang boses nang reporter. The surname Alonzo caught her attention.

"How should I put it? We're not really together. But for me she's my girl. Ang babaeng limang taon kung hindi nakita." Sabi nang boses na kilalang kilala niya.

Napahawak siya sa dibdib niya.

"Ex girlfriend mo?"

"No. It's complicated actually."

"Ok. Well since we open a  conversation about her, do you have anything to say to this girl? Or perhaps why not sing for her."

"Kanta talaga?"

"Yes sir. We heard that you sing very well, so we will take this opportunity to hear your voice."

"Akala ko business interview to?" He asked at nadinig niya ang tawanan sa paligid. "But oh well for Freya."

"Is that her name?"

"Hmm." Noah answered bago niya nadinig ang tunog ng gitara. "I don't know if she's listening right now, sh!t I'm sure she didn't know I'm back here in the Philippines. But if ever she's listening. Freya, your Noah is back. I'm home baby." He said sabay tugtog ng gitara at kanta.

🎶 Unos sa buhay natin
'Di ko papansinin
Takda ng tadhana
Ikaw ang aking bituin
Ikaw at ako
Tayo'y pinagtagpo
Ikaw at ako
'Di na muling magkakalayo🎶

Omg Noah Alonzo

Music of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon