Chapter 2: The Night

49 28 1
                                    

Chapter 2: The Night

ZUSHI

ISANG LINGGO ang nakalipas bago nagcool-down si Aryann sa galit niya kay Kristal Camacho. Nakwento niya na dapat siyang I-hate dahil hindi maganda ang kaniyang ugali. Mala demonyo.

Nabanggit niya na halos lahat ng miyembro ng Theatre arts club na naiinis sa kaniya lalo na silang dalawa ni Hannah Marie Parker, ang alam lang ni Kristal na silang dalawa lang ang may galit sa kaniya.

Nasabi rin ni Aryann na narinig niyang naiirita si Annalise Forton sa boses ni Kristal. Parang halos lahat ng kilala ko ay naiinis sa kaniya.

Kung nalaman ito ni Kristal, ano na kaya ang mangyari sa kaniya? That is too much but she deserve it.

"Alis!!" nagulat kami sa biglang pagsigaw ng babae. Nakatayo si Kristal sa tabi ng desk niya na inuupuan ni Alexander Priewas.

Tumayo si Alexander na nagbigay ng walang emosyong mukha, nakaka-intimidate kung titigan sa kaniyang hitsura.

"Kaklase tayo since Grade 7, hindi mo pa ata kilala ang kakambal ko? Gusto mo ba siyang makilala?" ngumisi si Alex at nagbigay ito ng kakaibang awra.

"Hindi ako natatakot sa'yo, Alexander," lakas-loob na sumagot si Kristal at tinulak ang binata ng malakas ngunit ilang inches lamang ang narating ng lalaki.

"Hindi ibig sabihin na CAT officer at makapangyarihan ang najowa mo kaya ganiyan na ang galawan mo, hindi ka na takot sa akin. Ginagamit ka lang non," pabulong na sambit ni Alex at bumalik sa kaniyang silya.

Nang makaupo si Kristal (habang nililibot ang kaniyang mga mata at bumubulong pa) bumalik ang sigla ng mga tao sa aming room.

_

"Reminder! Sa lahat ng members ng theatre arts club, may meeting kayo later this afternoon," anunsiyo ni ma'am Ann at lumabas na ng silid. Sumunod ang ilan sa amin na lumabas ng classroom kabilang kaming tatlo ni Zayne at Aryann.

Nasa parte ng hallway na kami na may mga bulletin boards ang nakakabit sa dingding, isa sa mga pisara ay may mga papel na nakadikit na pinagkagulohan ng mga estudyante.

Sa bandang itaas ng board nakasulat kung anong club ang sumasakop sa isang bahagi ng pisara. Theatre Arts Club ang nakasulat sa sign sa left part ng board na kung saan nagtumpukan ang mga bata. Sports club naman ang nakasulat sa sign sa isang half.

Lumapit si Aryann dito at sumiksik upang makita kung ano ang puno't dulo ng gulo.

Nakasulat sa puting bond paper ang announcement ng club nila Aryann, tulad ng inanunsiyo ng aming guro, may meeting ang mga club members later this afternoon.

"Variety show?" gulat-na-gulat na sabi ni Aryann at lumisan sa claustrophobic na lugar. Naglakad na kami palabas ng pasilyo na kung saan maraming nagdadaang na estudyanteng

"Ano yun?" duda ko sabay kunot noo.

"Talent show. Wala bang ganon sa last school mo?"

"Meron pero iba ang tawag non, kaya napatanong ako."

"Kailan ba?" tanong ni Zayne.

"Walang date nakalagay eh, siguro next month like last year."

Habang palapit nang palapit kami sa pinto, pahina nang pahina ang paglalakad ko nong makita ang pamilyar na mukha ng lalaking nakasuot ng red varsity jacket na nakalagay ang kaniyang surname. Kasama niya ang mga tatlong kaklase niyang nakasuot din ng parehong jacket.

The Yellow NoteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon