Chapter 5: Burn

32 21 0
                                    

CHAPTER 5: Burn

ZUSHI

I WILL NEVER FORGET what happened yesterday at the ladies' room.

May mga pasa siya sa iba't-ibang parte ng kaniyang katawan, may dugong tumutulo sa kaniyang pulso. Sa tingin ko kaluluwa ng babaeng sobrang depressed at abused ang nakita ko. Hindi ko siya namukhaan dahil natakpan ng mahaba niyang buhok ang kaniyang hitsura.

Siguro na-stress at pagod lang talaga ako kaya nagmamalik mata lamang ako? Simula non lumalayo na ako sa cr na 'yun. Baka nga pala multo 'yun at paglalaruan niya ako.

Hindi maalis-alis ang imahe ng babaeng iyon, pati ang aking panaginip ay dinamay niya pa. Kumurap ang memorya noong nakita ko siya sa salamin kasabay ang isa pang memoryang matagal ko nang nais kalimutan.

Ang porma ng babae ay biglang magbalat kayong isang babaeng matangkad. Tumatakbo siya patungo sa akin at tinulak ako palayo sa kaniya. Sa lakas ng kaniyang pagtulak ay naging dahilan ng pagkatumba ko, nauna ang aking likod at sumunod ang pagkauntog ng likod ng aking ulo sa dulo ng sidewalk.

Lahat ay nag-blurred, wala akong marinig. Ang paligid ay nag slow motion. Hindi ko na minasahe ang aking ulo't likod, agad akong umupo at minasdan siyang nakatingin sa kaniyang kanan.

Nakaestatwa lamang siya at bahagyang nakanganga. Hindi siya tumakbo palayo sa nakakasilaw na high beams. Isang kurap ko lang ay nasagasaan na siya ng kulay gray na sedan. Kitang-kita ko sa mga inosente kong mata kung paano siya nasagasaan at natumba.

Nabundol lamang ang kaniyang kanang baywang, dahil malakas ang pagmamaneho ng sasakyan malakas din ang impact nito sa kaniya. Nasa pedestrian lane siya, nakalupasay. Hindi man lang huminto ang sasakyan o magdahan-dahan sa pagharurot.

Matagal pa ako umaksyon, ang babaeng iyon ay mawawalan na nang malay kapag walang tutulong sa kaniya. Tumayo ako kaagad atsaka tumakbo patungo sa dalagang nagligtas sa akin.

Mga pasa sa kaniyang nuo, braso at paa. Dumudugo ang mga sugat niya, duguan din ang kaniyang kulay peach na damit. Humihinga pa siya, nahihirapan siyang huminga.

"Tulong!!"

Biglang kumurap ang imahe ng babaeng may laslas sa pulso, ang daan ay naging tiles, nagbago ang paligid. Narito muli ako sa CR ng girls. Umalingawngaw ang aking boses. Ang tanging liwanag lamang dito ay ang patay-sinding ilaw.

Sino ba naman ang makakarinig sa aking pagtangis kapag walang pintuan palabas ang silid na ito. Nabitawan ko ang ulo ng bangkay at umikot, nagasang nasa likod ko lang ang pinto, ngunit wala talaga.

"Wahhh!!!" bigla akong napasigaw sa inis at takot

Huminto akong nakaharap sa tatlong salamin. Napansin kong pumuputi ito dahil sa malamig na hangin dito sa palikuran. Sapagkat lumalamig na ang awra, bahagya kong makikita ang aking repleksyon. Pinunasan ko ito upang maklaro ang repleksyon.

Nakarinig ako ng pagbali ng mga buto at kaluskos. Napahingal ako nang mabilis, ayaw kong makita! Ayaw ko 'tong makita!! Namuo ang mga butil ng tubig sa salamin at tumulo ito na tila isang luha.

Humiwi ako at hindi gumalaw. Ngayon ay nakatayo na ang bangkay na hindi ko parin nakilala. Itim at mahaba ang kaniyang buhok, maputla ang kutis at payat na pangangatawan. Narinig ko siyang humahagulgol kasabay ang pagtulo ng dugo mula sa kaniyang mga sugat at bibig.

"Z-Zushi?" boses ng isang pamilyar na babae. Narinig ko na ang boses niya, hindi ako dapat magkamali dahil boses niya nga ito. Hindi nga lang siya ang nasa aking likuran.

"Hindi mo ako tinulungan," ungol ng babae sabay singhal. Ngayon ay umiiyak na siya.

Kada isang yabag ay nagpapalakas ng pagtibok ng aking puso.

The Yellow NoteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon