Chapter 6: The Show

31 21 5
                                    

CHAPTER 6: The Show
(

Long Chapter)

LUKE MATTHEW

STEPS I MADE VANISHES rapidly as I ran on the pavement. Humihingal ako, sumasakit na rin ang aking gilid. Tumutuyo na rin ang aking lalamunan dahil sa tuyong hangin. Gusto ko nang magpahinga pero malelate na naman ako kapag hihinto ako.

Sa wakas, nakikita ko na ang mga estudyanteng pumapasok sa gate, madami sila at mahirap sumiksik. Hindi aabot ng limang minuto magsisimula na ang flag ceremony.

Nakita ko ang isang berdeng tricycle na huminto sa gilid. Bumaba ang isang dalagang naka-ponytail at PE uniform. Matapos siyang magbayad sa driver, agad siyang sumiksik upang makapasok sa loob ng school gate.

Isigaw ko na sana ang kaniyang pangalan ngunit bigla siyang naglaho. Hindi ko siya naabutan, magsabay sana kaming pumasok.

Pinagsabihan kami ng guwardiya na mag-ayos kami upang makapasok kami nang maayos subalit hindi nakinig ang mga estudyante hanggang sa kumililing na nga ang kampana at huminto ang lahat, sinara ang gate at lumingon sa itinaas na watawat.

Bumuntong-hininga ako. Nahuli parin ako. Kahit anong gawin ko sa pag-time manage, hindi ko parin makuha ang saktong oras para hindi ako ma-late.

Pinapasok na kami ng school guards, isang babae at si kuya Hulk, noong naitaas na ang watawat. Dito lang kami sa gilid tatayo hanggang sa bumalik na ang kapwa kong estudyante sa kani-kanilang room.

Isang high-pitched sound ng mikropono ang nag-trigger sa aking pandinig kaya tinakpan ko angal king tainga at napangiwi.

Yung feeling na tila iikot ang likod ng iyong ulo at gusto nang sumabog.

Sumulpot ang mababa ngunit maligayang boses ng aming school principal na si principal Bowes. Nakinig kami sa kaniyang ulat.

"Good morning, everyone! Una sa lahat, gusto kong ipaalam sa inyo na ang schoolmate niyong si Camilla Moelum ay... Na-comatose dahil sa aksidente sa laboratory kahapon... Sa ngayon ang kaniyang kalagayan ay fifty-fifty, sa trauma at gulat siguro ay nag-trigger ang kaniyang heart failures at ang iba niya pang sakit..."

It's quite a shock.

Hindi ko naintindihan kung paano ito nagsimula. Sa pagkakaalam ko, walang hazardous and corrosive chemicals sa aming lamesa. Hindi ko din ma-connect kung bakit siya na-comatose.

Camilla and I, we've been talking for a while now, nabanggit niya din na si Zushi ay kaibigan niya dati.

"...Ngayon ay buwan ng July, at Nutrition month, kaya ikinagalak naming sabihin sa inyo na ang mga pagkain sa canteen ay?.. Alam niyo na. We want you all to be healthy..." nagpatuloy siya sa pagsasalita.

Narinig ko na 'to dati, ang mga pagkain sa canteen ay gulay kapag sasapit ang buwan ng July. Since it's nutrition month then there'll be a damn whole month of eating "grass", if that's what they call vegetables.

"The third and the last announcement for us to tell you is that this evening, ang ating variety show ay magsisimula na! Inihahandog ito ng ating theatre arts club members bilang fund raisers para sa mga mahihirap at sa school. Ikinagagalak kong ibalita na half-day lang ang klase ngayon."

Nag-cheer pa ang karamihan sa mga estudyante, sino ba naman ang hindi matutuwa na half-day lang ang klase

"Fuck," bulong ng lalaki at pumunta sa unahan.

Kumililing muli ang kampana. Mabuti nalang hindi masyadong strikto ang aming school administrators, inasahan ko na kapag may tatlong late ka, may isang absent ka na agad. That rule would be applied if you are late.

The Yellow NoteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon