Chapter 3: The Inquisitive Luke Matthew

35 21 0
                                    

CHAPTER 3: The Inquisitive Luke Matthew

ZUSHI


BIGLANG TUMAHIMIK ang silid-aralan nang pumasok ang aming class advisor na si ma'am Joanne. Bumalik sa kani-kanilang upuan ang aking mga kaklase.

"Good morning, class," bati niya at nilagay ang kaniyang karga sa teacher's table.

"Good morning, ma'am Ann," sagot naming sabay-sabay.

"Una sa lahat, ang kaklase niyong si Kristal Camacho ay walang awa na pinatay kagabi..." anunsiyo ng guro.

Tinanaw ko ang buong classroom at tinignan ang mga ekspresyon ng aking mga kaklase ngunit wala niisa sa kanila ay naawa, lalong-lalo na si Hannah Marie na nakakurus pa ang braso't binti at hindi nakikinig sa teacher. "...ang gustong magbigay ng mensahe sa kaniya, isulat ito sa one forth sheet of paper at ipasa sa akin before magsecond period."

Tulad ng mga reaksyon nila, walang kumuha ng one forth sheet of paper at sumulat ng mensahe nila sa patay naming kaklase hanggang sa matapos ang first period.

"Wala bang magpapasa ng papel?" tanong ng guro nakatayo na siya sa pinto at nakatingin sa amin. Dahil walang tumugon at lumapit sa kaniya, nagdesisyon siyang umalis na ng classroom.

Kumiling na ang kampana para magrecess at nakaalis na ang teacher, nagingay muli ang lahat at ang karamihan sa amin ay lumabas na.

"Magtatampo na sana ako ngunit wala pala akong ibang malapitan kaya huwag nalang," sabi ko sa aking kaibigan na nagsusuot ng bag.

"Huh?" napangiwi si Zayne at inayos ang makalat niyang kulot na buhok.

"Hindi kayo pumunta kagabi para magusap na kami ni Luke."

"Ang ganda ng plano namin no?" sambit ni Aryann.

"Pero ok naman ang "date" namin," wika ko sabay kuwit sa hangin.

Sabay kami ni Zayne at Aryann na pupunta sa canteen, habang naglalakad sa hallway naisipan kong pumunta muna sa aking locker upang maglalagay ng notebooks sa locker at sa bag.

"Mauna nalang kayo, mahaba pa naman ang pila sa canteen. May kukunin lang ako saglit sa locker," sabi ko.

"Sure ka? If that's so, sige, bilhan ka nalang namin ng pagkain," wika ni Zayne at nauna na silang pumunta sa canteen.

Tumungo ako sa aking locker, sa hallway na kung saan ito matatagpuan tila 'san daang estudyante ang nagdadann at nakatayo sa pasilyo, umaalingawngaw ang kanilang mga sinabi sa koridor. Dumaan ako sa gitna at lumapit sa aking locker.

Natagpuan kong nakatyo si Luke sa harap ng isang locker na sa tingin ko ay kay Kristal. May hawak siyang dilaw at maliit na papel.

Binuksan ko ang pinto ng aking locker at nagsimulang magligpit at magimpake ng gamit sabay sulyap sa nagtatakang binata. Lumingon-lingon pa siya sa mga sulok ng pasilyo na parang hinahanap ang naglagay ng sticky note na iyon.

Pagsara ko ng pinto binulsa niya ang papel at humarap sa akin. Agad niya akong iniwasan ng tingin at umalis.

Naglalakad ako patungo sa canteen. Ang mga topic ng mga estudyante ay tungkol sa nangyari kagabi, ang pagkamatay ni Kristal Camacho.

"Naawa ako sa kaniya pero deserve naman eh," sabi ng isa.
"At least hindi na tayo maiirita," sambit ng isa.

Tungkol lahat sa biktima ngunit hindi Ito nagtagal ng ilang minuto, nagibang topic na sila. May iba mang concerned pero agad-agad na binalewala ito.

The Yellow NoteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon