Chapter 9: The Message

24 19 0
                                    

CHAPTER 9: The Message

LUKE MATTHEW

MARAHAN AKONG PUMASOK sa aming tahanan nang walang paalam. Kapag makita ako ni lola tatawagin niya akong 'aso'. Inalala ko kung paano ko matatakpan ang dalawang pasa sa aking mga pisngi.

Lintek na Kent William, akala ko ba act lang iyun ang gagawin namin. Naging totoong suntukan naman yun!

Nasa dining room si lola, naabutan ko siyang naghahanda ng pagkain habang si lolo ay nasa sala tumitingin ng paborito niyang palabas. Medyo malakas ang volume ng telebisyon kaya hindi masyadong marinig ang tunog ng pagsara ng pinto't yabag ko.

Tahimik akong umakyat sa hagdanan patungo sa akin kwarto. Mabilis tumibok ang aking puso at nanlamig ako konti. What if lola caught me suspiciously climbing the stairs without making any possible sounds?

Bahagya akong lumingon sa akin likod, sinulyapan kung lumabas na ba siya sa silid ngunit naririnig ko pa ang mga mahinang tunog ng kutsara't plato sa lamesa.

Mabilis akong naglakad patungo sa aking kwarto at dahan-dahan naman itong sinara. Dumiretso ako sa whole body mirror para tignan ang kalokohang ginawa ni Kent at ng mga kaibigan niya.

Yati ra! Paano ko na 'to tatakpan? Hindi ito tulad sa pasang ginawa ni Kent nung nakaraang biyernes na maliit lamang at hindi kapansin-pansin. Lumala na ang pasang ito.

Hinawakan ko ito at bahagyang lumingon sa kanan Nakita ko na medyo malaki ang pasa. Napangiwi ako dahil sa sakit nang mahawakan ko ang aking pisngi. Buntong-hininga ako at lumingon na naman sa kabila.

Medyo ok pa ang marka sa kaliwang pisngi dahil ginamit niya ang mahina niyang braso, ang left. Kumurap sa aking isipan ang ginawa niya.

Conyo bo nana, Kent! Anong ginawa mo?! Kingina!

"Levy!" narinig kong sigaw ni lola.

Patuloy parin ako sa pagtitig sa mukha ko. Hindi ko pinansin ang kaniyang tawag dahil kapag bababa ako siguradong hindi ko magugustuhan ang mangyayari.

"Levy! Mangaon na!" dagdag niya pa.

Ngunit hindi ko maiiwasan ito. Ano ba ang gagawin ko? Gagawin ang lahat upang maitago ang pasa sa pisngi nang ilang linggo?

Huminga ako ng malalim at buntong-hininga. Lakas loob akong lumabas ng kwarto at bumaba ng hagdanan.

Sa dining room, naabutan kong hinila ni lolo ang silya sa kaliwang bahagi ng lamesa upang makaupo si lola. Sabay silang lumingon sa akin at nagulat. Tila nakakita ng multo ang ekspresyon ni lola.

"Luke Matthew Arzina! Kinsay nanumbag nimo?!" napatayo si lola sa kaniyang silya at nilapitan ako.

"W-wa--"

"Estella! Kumuha ka nalang ng ice para ilagay sa bugbog," sambit ni lolo.

"Kung ikaw diay mukuha... Levy, apo, sinong sumuntok sa'yo?"

"Wala ra ni siya, La. Nabanggaan nako ang pwertahan sa akung locker."

"Ay sagpa tika run. Kinsa may nanumbag nimo?"

The Yellow NoteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon